1 MEETING HIM

82 1 0
                                    

SATURDAY | 05:30 PM


"Ria, anak nandito na sila. Bumaba ka na dito," tawag ni Mrs. Navarro sa kanyang anak.

"Opo Mommy," magalang na sagot ni Ria sa kanyang ina.

Nagmamadali niyang pinasadahan ng suklay ang kanyang mahaba at itim na buhok.

Okay na siguro 'to.

Tumayo na siya sa kanyang pagkakaupo at pumanhik sa kanilang hagdan.

Si Ria ay labing-pitong taong gulang ngayong taon at hindi maikukubli ang kanyang nangingibabaw na kagandahan sa kanilang lugar.

Mayroon siyang mahaba at maitim na buhok, kutis porselana, matangos na ilong, nakakabighaning mga mata, mapupulang labi, matangkad at balingkitan ang pangangatawan.

IN SHORT, SHE'S GORGEOUS.

Maipagmamalaki din siya bilang isang napakatalinong babae.

Nangunguna siya sa kanilang klase at madalas na ilaban sa ibang lugar mapalokal at ibang bansa.

Pero hindi ito ang dahilan kung bakit napapamahal ang mga tao sa kanya.

Si Ria ay mayroong busilak na puso.

Napalaki rin siya ng mga magulang bilang isang magalang, tapat, matulungin, mabait at mapagmahal na dalaga.

Lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya na.

Marami mang nahuhumaling sa kanya ay hindi ito naging dahilan para magmataas si Ria sa kapwa.

Napaka-down to earth na tao ng dalaga at sa kabila ng kasikatan ay napaka-approachable pa rin niya.


"Anak there you are," ngiti sa kanya ng kanyang ina mula sa kanilang maluwang na sala.

Mula sa hagdan ay nakita ni Ria ang kanyang ina at ang kanilang mga bisita.

Bahagya siyang ngumiti bilang tugon sa kanyang ina.

Nabanggit na nito kaninang umaga na may bisita silang dadating ngayong hapon.

Nakaupo sa sofa ang tatlo nilang mga bisita, dalawa sa mga ito ay marahil kaedad ng kanyang ina at sa hinala niya ay mag-asawa ang mga ito.

Pero ang pumukaw ng kaniyang atensyon ay ang mestisong lalaking kasama ng mga ito.

Napaka-gwapo naman ng bisita namin.

Hindi inaaasahan ni Ria na ganito kagwapo at katikas ang magiging bisita nila.

Nakaupo man ang binata ay hindi maikakaila ang katangkaran ng lalaki.
Nakasuot ito ng blue long sleeves at pantalon, hindi man ganoon kahapit ang suot nito ay hindi pa rin maitatago ang hubog ng katawan ng lalaki.

May mestisong kutis ang binata na mas makinis pa ata sa mga babae pero hindi naman ito nakabawas sa pagkabarako ng bisita, matangos at perpekto ang kanyang ilong, mapupula at mapang-akit ang mga labi at may mapupungay at nangungusap na mga mata ang binata.

HE'S HOT AND IRRESISTABLE.

Nakababa na siya ng hagdan ng muling ibalik ang tingin sa mga bisita.

Bahagya siyang ngumiti sa mga ito pero sa di inaasahan ay nagtama ang mga mata nila ng binata.

Ang mga matang 'yon..

Ito ang kaunahang pagkakataon na nakakita siya ng napakamisteryoso at mapupungay na mga mata.

His beautiful eyes are like magnets to her that keeps her from breaking their eye contact.

HE'S MINE AS I AM HISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon