"President Caleb," sabi ni Ria sa binatang nasa kabilang lamesa.
Hindi maiwasan ni Ria ang mapabuntong hininga sa presensya ng lalaki.
Si Caleb ang president ng Student Council at ang kasalukuyang top one ng kanilang 4th year level.
Physically, may ipagmamalaki ang lalaki.
Gwapo ito, may clean cut na itim na buhok, kayumangging balat, may toned muscles din ito at matangkad.
Matalino ang binata kaya naman nahuhumaling ang mga babae sa kanya.
Despite of his looks hindi pa din uubra ang charms nito kay Ria.
Matagal na nitong kinukulit ang dalaga na siyang tumakbo sa election at pumalit sa kanyang pwesto bilang Student Council President once na grumaduate na siya.
And it's always a NO for Ria.
Alam ng dalaga ang mabigat na responsibilidad bilang isang SC Pres at hindi niya hangad ang posisyon na iyon.
Madami na din siyang activities outside their universities at gusto rin niyang pagtuunan ng pansin ang mga iyon.
"What's with the long deep sigh Miss Navarro?" mapang-asar na panimula ng binata.
"Good morning din, Mr. President," sarcastic na sagot ni Jill na hindi natutuwa sa kausap.
Naiiling na lamang si Ria sa kaibigan, dati pa man ay bad shot na dito si Caleb dahil daw sa mahangin ang binata.
Hindi man natin akalain pero magkapitbahay silang dalawa sa kanilang subdivision.
"Why so moody Miss de Luna?" nakangising sagot ng binata kay Jillian.
"If I know, dumada moves ka lang kay Ria," mataray na saring niya sa binata matapos umirap dito.
"What's wrong with that? Single naman si Ria, I don't know kung bakit nagtataray ka Miss de Luna, pwera na lang kung...." sadyang binitin ng binata ang sasabihin nito habang nakangising pinasadahan ng tingin si Jillian.
Mukhang nacurious naman si Jillian sa gustong sabihin ng binata.
"What? Spill it out," nawawalan na ng pasensyang sagot ng dalaga.
"Pwera na lang kung nagseselos ka?" hindi na napigilan ng lalaki ang malaking ngiti sa kanyang mga labi.
Jill snapped.
"What?! Kadiri ka, nakakakilabot ang kayabangan mo Paras ha! Yuck," parang nangingilabot na sagot ni Jillian dito.
Paras nga pala ang apelyido ni President Caleb. Kilala ang mga Paras sa business world.
Nangingiting pinagmasdan ni Ria ang dalwang ito.
Mukhang bagay sila. Hmm..
Ganito lagi ang nangyayari tuwing magkikita ang dalawang magkapitbahay na ito.
Napahalakhak na lamang ang lalaki at muling bumaling sa kanya.
"So Ria, what's your decision?"
Haaay, eto na naman po kami.
"President, nakailang tanong ka na sa desisyon ko and my answer will never change, it's still a NO," seryoso niyang hinarap ang binata.
Caleb sighed.
"Minsan lang ako magpersuade Miss Kasumi, I will give you time to think and I won't take a NO for now," sumeryoso at ma-awtoridad ding sagot sa kanya ni Caleb.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE AS I AM HIS
Romantik⚠READ AT YOUR OWN RISK⚠ 'Napakagwapo niya, he's beyond gorgeous, he's smart and all, papayag siyang magpatali sa babaeng tulad ko?' Matapos niyang marealize na nagkatitigan sila ni Hiro ay nag-iwas naman siya kaagad ng tingin sa binata. Narinig niya...