Time check: 06:17 PM"Okay, the meeting is adjourned, thank you for you time and cooperation officials. You may leave now," said by Principal Almonte.
Nagkaroon sila ng biglaang meeting sa auditorium ng university para sa nalalapit na school festival.
Mag-isa siyang representative ng Diamond section nila. Simula nang umalis si Jillian sa cafeteria ay hindi na ito nagbalik sa kanilang room.
Sinugod daw sa ospital ang lola ng kaibigan niya kaya agad itong umuwi.
"Ria.." naramdaman niyang may humawak sa kanyang braso habang naglalakad siya sa hallway.
"Yes Mr. President?" si Cedrick ang may-ari ng kamay na 'yon.
Tiningnan niya ang nakahawak nitong kamay sa kanya. Agad naman itong inalis ng binata.
"Sorry, is it still a NO?" bumalik na naman sila sa usapang ito.
"Oo Caleb, I'm sure I won't change my mind so just drop that please," mabilis niyang sagot sa binata.
Itinaas nito ang dalwang kamay sa aktong pagsuko.
"Okay, in one condition," sumeryoso ang mukha ni Caleb.
"I don't need your conditions. Hindi ako tatakbo sa election and that's final," akmang aalis na siya ng magsalita muli ang binata.
"Oh you need this Miss Navarro, dahil gagawin ko ang lahat para mapasali ka sa election. So kung ayaw mong kulitin kita accept my condition," seryoso pa din si Caleb.
Natigilan naman si Ria sa narinig mula sa binata. Pumihit siya at humarap sa lalaki.
"What's your condition?" matabang niyang tanong kay Caleb.
"You will have dinner with me," umangat ang sulok ng labi nito.
Nagulat si Ria sa kondisyon ng binata sa kanya.
"Caleb.." Nanghihina niyang sambit sa pangalan ng lalaki.
Humakbang lamang ang binata at nilagpasan siya.
"Uuwi ka na di ba? Let's go," sabi ng nakatalikod na binata.
Sumunod na din si Ria na wala ng nagawa dahil malapit ng magsarado ang building sa mga oras na ito.
Kelan ka ba susuko Caleb?
******
Buhat sa parking lot ay natanaw ni Ria ang matangkad at mestisong lalaki na nakasandal sa itim nitong sports car.
Akala ko nainip na siya at umalis..
Madilim at seryoso ang blangkong mukha ng binata habang kausap ang tatlo pang nag-ggwapuhang lalaki.
May ilang grupo din ng kababaihan ang pinagmamasdan ang mga binata at naghahangad na mapansin ng mga ito.
Haaaay... Ang hirap naman ng madaming kaagaw.
Hindi ito nagugustuhan ng lalaki na mukhang naaalibadbaran sa pagpapacute ng mga babae sa kanila.
Dalawa at kalahating oras nang nag-aantay sa kanya si Hiro. Sinabihan niyang mauna na ang binata pero hindi ito pumayag.
Gumawi ang mga mata ni Hiro sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata.
Ria smiled and waved at him.
Tumayo ng tuwid ang binata mula sa pagkakasandal sa kotse ng makita siyang papalapit.
She noticed Hiro frowned while looking at her direction. Parang may mga tanong ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE AS I AM HIS
Romance⚠READ AT YOUR OWN RISK⚠ 'Napakagwapo niya, he's beyond gorgeous, he's smart and all, papayag siyang magpatali sa babaeng tulad ko?' Matapos niyang marealize na nagkatitigan sila ni Hiro ay nag-iwas naman siya kaagad ng tingin sa binata. Narinig niya...