06:33 PM
Maririnig ang malakas na halakhakan sa sala ng pamilya Navarro nang lumapit at bumulong si Manang Lita sa kanyang ina.
"Salamat Manang," ngumiti ang ina sa matanda, "Halina kayo at nakahanda na ang hapagkainan," yaya ni Mrs. El sa mga bisita.
"Nako Elenita, nag-abala ka pa."
"Oo nga naman El pero namiss ko ang luto mo."
"Hindi naman pwedeng hindi kayo magdidinner dito, hindi man ako ang nagluto may inihanda naman si Ria para sa atin," inakbayan siya ng ina.
Mommy, nakakahiya po.
"Talaga hija? Marunong ka ding magluto?" excited na tanong ni Mrs. Aliya.
Ngumiti siya sa ginang.
"Ah, dalawang putahe lang naman po ang niluto ko tita. Natuto lang po akong magluto kay Mommy." magalang na sagot ni Ria.
Sabay-sabay silang pumanhik sa kusina habang nasa likod nyang naglalakad si Hiro.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya, habang tumatagal bumibilis ang tibok ng puso niya kapag naiisip ang presensiya ni Hiro.
"Gushto to ti ate Iya," narinig nilang iyak ng isang bata mula sa kanilang pinto.
Gio?
"Gio apo, may mga bisita si Ma'am Ria kaya hindi pwede ngayon," nakita niyang pinapatahan ito ngayon ni Manang Lita.
Si Gio, tatlong taong gulang ay ang malusog at bibong apo ni Manang Lita, mahilig si Ria sa bata kaya naman napamahal siya kay Gio at tuwing hapon ay iginagala ito sa bahay nila para makalaro siya.
Humihikbing napatingin ang bata sa gawi nila. "Ate Iya!" bulol na tawag sa kanya ng bata.
Tumakbo ito kaya't hindi na napigilan ni Manang Lita.
Nananabik na yumakap ang malusog na bata sa mga hita ni Ria kaya hindi niya mapigilang ma-out of balance.
Matutumba na siya nang may maramdaman siyang matigas na nasandalan sa kanyang likuran at may nakahawak din sa magkabila niyang braso.
Oops! Don't tell me--
Tumingala siya at napagtantong si Hiro ang sinasandalan niya.
Ria stiffened, she didn't dare to move.
"Are you ok?" malalim ang boses at malumanay na tanong sa kanya ng binata.
Parang nanghihina ang tuhod ni Ria sa pagkakadikit ng katawan niya sa binata.
Get yourself together Ria! Like now!
Pinilit niyang tumayo ng tuwid.
"Y-yes, thank you," namumula niyang sagot sa binata.
Nakapukol pa din ang mga mata ni Hiro sa kanya.
Para mapawi ang hiya ay bumaling siya sa bata.
"Gio, bakit ka umiiyak kanina?" niyakap niya ang bata at pinahid ang natuturang luha sa pisngi nito.
"Ushto to yayo tayo." Bulol na hikbi ng bata sa kanya.
"Hmm.. Gio hindi kasi pwede ngayon si ate Ria. May mga bisita si ate Ria at Mama El eh," hinaplos niya ang ulo ng bata at malumanay na sinuyo ito.
"Teyan itaw pete?" napapahikbi na naman ang bata. Ayaw niyang umiiyak ito kaya't niyakap niya ulit ito ng malambing.
"Bukas Gio promise, maglalaro tayo pagkagaling ko sa church ha. Kumain ka na ba?" alo niya sa bata.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE AS I AM HIS
Romance⚠READ AT YOUR OWN RISK⚠ 'Napakagwapo niya, he's beyond gorgeous, he's smart and all, papayag siyang magpatali sa babaeng tulad ko?' Matapos niyang marealize na nagkatitigan sila ni Hiro ay nag-iwas naman siya kaagad ng tingin sa binata. Narinig niya...