MONDAY | 07:11 AM
Kasalukuyang nag-susulat ng mga plano si Ria para sa darating na School's festival nila two weeks from now. Bilang President ng section nila she needs to plan it well para makuha nila ang Best Section Booth Award. Kapag nasungkit nila ang titulo na ito ay makakatanggap ng tumataginting na 'uno' ang buong klase nila sa H.E.
I need to do well. Nakasalalay lahat sa plano ko.
"Nakita mo na ba yung hot transferee sa golden section?" kinikilig na bulong ng isang babae.
"Oo girl, totoo pala yung mga articles, 'kala ko OA lang silang magdescribe pero parang ancient greek god nga ang hot transferee ngayon," naghagikhikan ang dalawa.
"Ang swerte naman ng buong university at dito siya nag-transfer."
"Oo nga, maiinspire na tayong pumasok araw-araw dahil kay hotty handsome."
Kanina pa naririnig ni Ria ang mga bulungan ng mga kaklase niya.
Sino naman kaya ang tinutukoy nila?
Napansin niya ang padabog na pag-upo ni Jillian sa unahan niya.
"Hay kainis na mga babae 'yon!"
"Why?" natatawa niyang tanong sa kaibigan.
"Fren, lahat sila nakaharang sa hallway. Nagkakagulo sila dun sa bagong transferee sa golden section," inis na wika ni Jillian.
"Talaga? Ngayon na lang ulit sila nagkaganyan ah," napatingin si Ria sa labas ng room nila.
Nakita niya ang mga grupo ng kababaihan na naghahagikhikan at parang kinikilig pa sa labas nito.
Oo nga noh, buti wala pa si Mrs Tiu, kundi lagot na naman..
Napailing na lamang si Ria at muling ibinalik ang atensyon sa pagsusulat.
"Hindi ko na talaga kaya ang pantog ko, magka-UTI pa 'ko nito. CR lang ako fren ah?" paalam ni Jillian na nagmamadaling umalis ng room.
Nanatiling nakatungo at nagsusulat si Ria nang maya-maya'y naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Hindi niya muna ito pinansin.
Sino na naman kaya ito?
Bahala na muna siya, busy ako sa pagplano..
Mas lumakas ang bulungan sa loob at labas ng classroom nila, may hagikhikan at may kasama pang tilian. Nararamdaman din niyang pinagmamasdan na siya ng karamihan.
Ano bang meron?
"You look seriously hot while studying Isabelle," sabi ng malalim at pamilyar na boses sa katabing upuan niya.
Natigilan si Ria at agad tiningnan ang nagsalita.
Ria's jaw dropped literally and her eyes widened in shock.
Anong ginagawa niya dito?
Isang mestiso at may magulong itim na buhok ang nakakalokong nakangiti at pinagmamasdan siya ng itim na mga mata nito. Napakagwapo nito sa suot nitong white polo shirt na dalwang butones ang nakabukas at sa suot nitong black pants. Teka uniform ng university 'to ah?
"Hiro?!" gulat niyang tanong sa binata.
Mas lumapad ang ngiti ni Hiro sa naging reaksyon niya.
Bigla namang lumakas ang impit na tilian sa paligid nila. Marahil mas nahumaling ang mga babaeng ito sa 'di inaasahang pagngiti ng binata.
Inangat niya ang tingin at nakitang nasa kanila ang atensyon ng buong klase. Marami ring mga babae sa labas ng room nila at nakatingin sa kanila ni Hiro.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE AS I AM HIS
Romans⚠READ AT YOUR OWN RISK⚠ 'Napakagwapo niya, he's beyond gorgeous, he's smart and all, papayag siyang magpatali sa babaeng tulad ko?' Matapos niyang marealize na nagkatitigan sila ni Hiro ay nag-iwas naman siya kaagad ng tingin sa binata. Narinig niya...