SUNDAY | 08:21 AM
Nasilaw si Ria sa sinag ng araw mula sa bintana ng kanyang kwarto kaya't tuluyan na siyang bumangon at umupo.
Ouch! My head's throbbing in pain.
Napahawak si Ria sa kanyang sentido.
"Anak, gising ka na pala, ipinagtimpla kita ng soup, it's good for your 'hang over', " hindi niya agad namalayan ang pagpasok ng ginang sa kanyang kwarto.
Hang over daw? Pano nangyari 'yon? Hindi naman ako umiinom.
Wha- am I drugged last night?!
"Mom what do you mean? Anong hangover?" naguguluhang tanong niya sa ina.
Bumuntong hininga ang ginang at umupo sa gilid ng kama niya.
"Mas mabuti sigurong sila ang magkwento sa'yo honey," hinaplos ng ginang ang kanyang buhok.
Dumiretso na si Ria sa kanilang sala matapos maghilamos at magsipilyo sa kanyang kwarto.
I need to know what exactly happened to me last night.
Kung bakit si Hiro na ang naghatid sa'kin at hindi si Jenny.
Kaharap niya ang kanyang cellphone habang hinihigop ang mainit na soup na gawa ng kanyang ina.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
[BABE'S GROUP VIDEO CALL]
Jizelle: Kumusta ang pakiramdam mo Isa?
Isa: Okay naman na 'ko girls, don't worry. Paano nangyaring nalasing ako?
Jenny: 'sigh' Remember Lily? Yung libre nyang drinks sa'tin may halong alak pala.
Rosie: She thought nag-iinom daw tayo so 'yon ang pinaserve niya sa table natin, hindi mapapansing may alak siya because of the sweetness.
Ria frowned.
Isa: Eh bakit hindi kayo nalasing?
Jizelle: Babe ikaw lang naman ang uminom doon. Nakalahati mo pa nga yung pitsel eh.
'Kaya naman pala ang lakas ng tama ko kagabi.'
'Pati sa harap ni Hiro kung anu-ano ang ginawa ko.'
Isa: Pero teka.. ano nang nangyari after kong magpassed out?
Jenny: Those scary guys tried to punch your lover boy so inunahan na sila ng mga kasama ni Hiro.
'Yung mga kasama ni Hiro? So sila talaga yung nakita kong pumasok sa bar last night.
I knew it.'
Rosie: Ang galing nila grabe! Dinala ka ni Hiro sa corner table natin tapos binalikan niya yung nambastos sa'yo then he gave him a hard solid punch in the face. Ayun nakatulog ang mokong.
The three girls giggled.
Jenny: Hiro insisted na siya ang mag-uuwi sa'yo. The guy doesn't trust me. Tss!
'So that's why I ended up with Hiro?'
Jenny rolled her eyes in disbelief.
Jizelle: He left his four friends at the bar since kotse ata ni Hiro yung gamit nilang sasakyan.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE AS I AM HIS
Romance⚠READ AT YOUR OWN RISK⚠ 'Napakagwapo niya, he's beyond gorgeous, he's smart and all, papayag siyang magpatali sa babaeng tulad ko?' Matapos niyang marealize na nagkatitigan sila ni Hiro ay nag-iwas naman siya kaagad ng tingin sa binata. Narinig niya...