MONDAY | 07:16 AM"So as in gwapo siya fren?" pangungulit kay Ria ng kanyang bespren sa St. Martin's University na si Jillian.
"Well, I think so," tipid na sagot niya sa kaibigan.
Sus sino niloko mo Ria Isabelle? Eh drop dead gorgeous naman talaga siya.
"Ano ba yan! Ang boring naman ng description mo sa kanya fren," nanghihinang sagot ni Jillian.
"Ok, ok. Kung gwapo din naman ang tanong mo, ubod po ng gwapo, happy?" alam naman niyang hindi siya tatantanan nito.
Nagliwanag ang mukha ni Jillian.
"Really?! OMG! I need to check him out later sa social medias," natutuwang sabi ni Jillian na may kasama pang palakpak.
There goes her penguin claps.
Natatawa na lamang si Ria sa kaibigan.
Si Jillian ang pinaka-malapit niyang kaibigan sa university.
Simula 1st year ay kaklase na niya ang dalaga, hindi man akalain pero magka-birthday sila ng kaibigan mas matanda nga lang ito sa kanya ng isang taon.
Accelerated lamang si Ria kaya ahead siya sa mga kaedaran niya sa school.
Match made in heaven daw ang kanilang friendship ayon kay Jillian.
Bukod sa magka-birthday sila ay halos pareho din kasi sila ng ugali.
Nangako si Ria sa kanyang sarili na pakaiingatan niya ang kanilang pagkakaibigan dahil mahirap humanap ng kaibigang gaya ni Jillian.
Totoong tao kasi si Jillian, walang halo ng kaplastikan sa katawan kapag magkasama sila.
Ayaw man niyang isipin pero alam niyang gusto lang siyang kaibiganin ng iba dahil sa siya ay isang sikat na Ria Isabelle Navarro.
Pero iba si Jillian sa kanila, nakikita niya ang sarili sa kanyang kaibigan.
Habang naglalakad sila sa hallway ay hindi siya tinantanan ng kaibigan, sa totoo lang ay mukhang mas excited pa itong magka-lovelife siya kesa sa kanya.
Kung pagmamasdan ang kanyang kaibigan ay magkasing tangkad lamang sila nito, mas maputi man siya sa kaibigan ay angat pa rin ang ganda nito sa karamihan.
May mahaba din itong natural brownish hair, sexy at grade conscious kaya naman nakaeyeglasses ito na binagayan ang kanyang maliit na mukha.
Kalog at pilya din si Jillian sa kabila ng kagandahan nito kaya naman magaan itong kasama.
"Huy, tulala ka na naman, ano nga...type mo siya?" pamumukaw sa kanya ni Jillian habang nasa gitna sila ng hallway.
"Type agad? Mukha namang may girlfriend yung tao."
"Sus! Eto naman. Wag kang magconclude kaagad, 'di mo pa naman kilala yung tao. Tsaka kung 'honey' lang ang basehan mo, hindi lang naman pangsyota yung endearment na yun eh."
Sabagay, 'honey' nga minsan ang tawag sakin ni mommy, tsaka nina Rosie..
Nagkibit-balikat na lamang si Ria habang papalapit na sila sa kanilang silid.
"Uy pres! good morning," bati sa kanya ni Noel, ang pilyo nilang kaklase na may kasama pang kindat.
"Naku Noel, tigil-tigilan mo nga si Ria, hindi ka niya type," mataray na salubong ni Jillian.
"Ikaw ba ang binati ko de Luna? Di ba hindi? Sasabat pa eh," naaasar at naiiling na sagot ng binata.
May itsura naman ang binata pero hindi ganoon kadaling magkacrush si Ria sa mga lalaki. Lantaran ang pagkagusto ni Noel sa kanya, makulit man ang binata pero hinayaan na lamang ni Ria ito dahil nirerespeto niya ang nararamdaman ni Noel sa kanya.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE AS I AM HIS
Romance⚠READ AT YOUR OWN RISK⚠ 'Napakagwapo niya, he's beyond gorgeous, he's smart and all, papayag siyang magpatali sa babaeng tulad ko?' Matapos niyang marealize na nagkatitigan sila ni Hiro ay nag-iwas naman siya kaagad ng tingin sa binata. Narinig niya...