Kasalukuyang nakaupo ngayon sina Ria at Jill kasama ang iba nilang kaklase sa damuhan, sa ilalim ng malaking puno sa kanilang schoolyard.
Alas-tres na ng hapon sa mga oras na ito. Malapit na ang kanilang quarter exam kaya naman isinama sina Ria at Jill ng kanilang mga kaklase para sa isang group study.
Laging nagpapatutor ang mga kaklase nina Ria sa kanila ni Jill tuwing palapit na ang mga exams. Hindi ito alintana ng dalawang dalaga at lagi nilang tinutulungan ang mga kaibigan nila.
Tahimik sila habang seryosong nag-rereview nang may dalawang kamay na tumakip sa mga mata ni Ria.
Napasinghap ang dalaga maging ang mga kasama niya. Wala namang nagtangkang magsalita sa mga ito.
Sino ba 'to?
Inabot ni Ria ang mga kamay na tumatakip sa kanyang mga mata. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi ng makilala kung sino ang nagmamay-ari noon.
Aha!
"Hiro game over," natatawang saway ng dalaga sa binata.
Tinanggal naman ng binata ang kanyang mga kamay at dinungaw si Ria sa mula balikat ng dalaga.
Hiro smiled playfully.
"I knew it," Ria smiled back.
Napansin naman ni Ria ang pagtahimik ng mga kasamahan habang namumula ang mga pisngi ng mga kaklase niya na parang nahihiya at kinikilig kay Hiro.
Bakit tumahimik sila?
"What are you doing?" umupo sa tabi niya ang binata pero nakaharap ito sa likod na direksyon ni Ria.
"Group study," simpleng sagot niya kay Hiro.
Kinuha ng binata ang notebook niya at nagsimulang ilipat ang mga pahina nito.
Might as well introduce them.
"Hiro mga kaklase ko pala," nakuha naman niya ang atensyon ng katabi at tumingin sa mga kaklase niya.
"These are Desiree, Myra, Daisy, Mikee, Noel and Richard," pakilala niya sa mga kasamahan, "everyone this is Hiro Gonzaga."
Lumapad naman ang ngiti ng mga babae sa binata at parang nagpacute pa sa katabi niya.
Tumango lamang si Hiro sa kanila sa seryoso nitong mukha at parang nagdilim ang mukha nang tingnan ang dalawang lalaking kasama niya.
Tss.. snob naman nito.
Muling ibinalik ng binata ang atensyon sa kanyang notebook.
"Hiro wala ka bang balak mag-review? Next week na ang quarter exam," puna niya sa katabi.
Hindi ko man lang nakikitang mag-aral 'to.
"I don't study baby," binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti at binalik na ng binata ang kanyang notebook sa kanya.
Talaga lang ha..
"I see you like to take notes," napansin ni Hiro ang kumpletong notes ni Ria.
"Oo, bakit ikaw hindi ba?"
"I don't like writing baby," mukha namang hindi nagyayabang ang binata sa sagot nito.
So may visual memory ka?
Mula sa courthall ay lumabas ang limang nagtatangkaran at pawisang mga player na mukhang kakatapos lamang magtraining. Nauna sa mga ito ang Captain ng Basketball Team na si Caleb Paras.
BINABASA MO ANG
HE'S MINE AS I AM HIS
Storie d'amore⚠READ AT YOUR OWN RISK⚠ 'Napakagwapo niya, he's beyond gorgeous, he's smart and all, papayag siyang magpatali sa babaeng tulad ko?' Matapos niyang marealize na nagkatitigan sila ni Hiro ay nag-iwas naman siya kaagad ng tingin sa binata. Narinig niya...