PIE'S POV
Nakatulog ako. Wow! Ang pogi naman ng katabi ko. Ayoko nang umuwi kapag ganito nakahain sa harapan ko. Hehe. Ulam na ulam.
Nakayakap pa rin sya sakin at nakadantay ang kanang paa sa mga legs ko. Kaya pala di ako nahulog sa kama. Sobrang likot ko kasi matulog. Sa apartment nga namin ni bestfriend Dane eh lagi nya ko ginigising pag nakita nya na sa sahig na ko. Kasalanan kasi ng kama ko. Di ako sinasalo!
Speaking of Dane...kinuha ko ang cellphone ko. Wow! 11 missed call at 24 messages. Lahat galing kay Dane. Bakit ganun? Di ko napansin yung mga tawag nya? Patay ako nito pag-uwi ko. Uusisain ako ng bruha. Panu ko ba naman mapapansin kung may tapal bibig ko pati yung pangalawang bibig ko. Diba. Try nyo kayang sumagot ng tawag nang may tapal parehas yan! Hehe.
Tumingin ako sa oras. 5am palang. Aga ko pala nagising. Nagutom kasi ako. Tinanggal ko ang kamay at paa ni Gene na nakadantay saken. Buti di nagising. Bumangon ako...aray...ang sakit pa rin. Pero tolerable naman. Kinuha ko ang towel at sinuot.
Nagdial ako ng room service. Nag-order ako ng dalawang set ng breakfast pati isang hot choco at coffee. 30 mins pa raw. Ang tagal naman nun. Lumapit ako sa mga nakasampay na damit namin.
Yey! Tuyo na.
Makaligo na nga at makapaghugas ng ispirikikay ko habang inaantay ang almusal.
*after 30 minutes*
Nakaligo na ko. Nagboblower ng hair nang dumating ang order ko.
"Gene...Gene...Gene...gising na. Uuwi na ko. Dali! Tayo na dyan."
"Hmmm....mamaya ka na umuwi."
"May report ako mamaya! Gising na please."
"Give me 10 minutes okay."
Kainis! Ayaw pa. Mamaya na nga ko magbibihis. Kakain na ko. Bahala na tong lalaki na to magutom.
Matatapos na ko kumain nang biglang may yumakap sakin sa likod at humalik sa tenga ko.
"Morning baby." Husky na sabi nya.
"Baby ka dyan! Ano ko sanggol! O eto magkape ka nang mainitan ka. Tapos kumain ka na. May report ako ng 2pm. Di ko pa yun nagagawan ng presentation."
"Sungit naman. Ang aga pa. Six palang. Makakagawa ka pa." Sabay kuha ng kape at umupo sa kabilang silya.
"Tapos na ko. Oh...bilisan mo kumain." Sabi ko.
"Ayoko nga. Subuan mo ko para mas maganda." Lambing nya.
"Hoy Generoso naman eh! Ikaw gagawa nung report ko pag di mo binilisan dyan!"
"Oh sige ako gagawa. Pero may kapalit." Sabay ngiti ng nakakaloko.
Namula ako sa sinabi nya. Naalala ko yung nangyari kagabi. Bwiset na to.
"Oh? Namumula ka? Madali lang hihilingin ko."
"Ako na gagawa! Bilisan mo na lang kumain kasi. Gene naman." Pagmamakaawa ko.
"Wag kang umiyak. Tapos na ko. Tara ligo na tayo."
"Naligo na ko."
"Ows?"
"Oo nga. Kulit naman."
"Testing nga."
Hindi pa man ako nakakakilos ay sinakop na nya mga labi ko. Nahihirapan na naman akong kontrolin sarili ko. Hay...
Naramdaman ko nalang na nasa kama na naman kami.

BINABASA MO ANG
First Cut...First Everything
RomancePaano kung ang taong pilit mong kinakalimutan ang sadyang lumalapit sayo? Paano kung sa patuloy mong pag-iwas ay sya mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayo? Paano kung yummy sya...lalayo ka pa ba o kakagat ka na sa mga pain nya?...