Sikreto

3K 17 3
                                    

PIE'S POV

Naku mukhang ginigisa na si Gene ni Dane. Kailangan ko nang magmadali.

Toothbrush.

Hilamos.

Ayos ng hair.

Bihis.

Lagay ng baby cologne.

Presto! Hay. Inabot ako ng 15 minutes. Okay na kaya tong suot ko? Black sleeveless at maong short. Hmm...pwede na to. Mas nakakahiya pag walang damit hehe.

Bumaba na ko. Kawawa naman ang mahal ko baka iniinterrogate na ng bruha. Mala NBI pa naman minsan yun magtanong.

"O, yan na pala ang prinsesa." Asar ni Dane. " Grabe ang tagal ng 5 minutes mo ha."

"Eto naman. Pasensya na. O sige. Alis ka muna. Mag-uusap lang kami saglit." Pagtataboy ko kay Dane.

"Sige, usap ha. Usap lang. Wala dapat yang ibang pupuntahan. Piandra ha!"

"Oy. Magtigil ka na muna. Ipagpatuloy mo nalang muna pagkain mo. Sige na."

"Oo na." Sabay alis ng bruha.

Nakamasid lang si Gene saming dalawa. Tila aliw na aliw ang loko.

"Ganyan talaga kayong dalawa?" Tanung nya.

"Panung ganyan? Di ko gets."

"Ganyan kakulit. Haha. Parang magkapatid."

"Ah oo. Ganyan kami kaclose. Mabuti nga nasa mood yan ngayon. Pasalamat ka."

"Para ngang pulis magtanong. Haha. Wala bang boyfriend yan?"

"Hmp! Bakit mo tinatanong?!" Medyo himig kong nagseselos.

"Wala naman. Kasi kung ganyan katanong ang babae eh mapupuno sa inis ang boyfriend. Selos ka?" Nakangiti pang sabi ng loko.

"Hindi ako nagseselos!" Labas sa ilong. "Mabaet naman yan. Madaming nanliligaw dyan. Teka anu nga pala sasabihin mo?"

"Are you free this weekend?"

"Bakit? Ahm...wala naman akong pasok."

"Kasi may favor akong hihilingin." Seryosong sabi nya.

Kinabahan ako dun ah. Nagsusuper bass na naman ang puso ko. Boom boom boom! Anu kaya yun?!

"Mahirap ba? Okay lang basta di mahirap."

"Hindi naman. Seryosong bagay eh. Gusto sana kitang ipakilala kela mama at papa."

"Bakit? I mean bakit ko?"

"Ikaw kasi agad naisip ko. Tsaka diba kahit papano may pinagsamahan naman tayo." Nagpapaawang sabi nito.

"Ah pumunta ka lang dito para sa ganyan?! Kasi kailangan mo ng tulong ko!" Galit kong sabi.

"Hindi naman sa ganun." Lumipat sya ng upo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Gusto kasi nila mama na ipakilala ko sa kanila yung dahilan kung bakit di na ko aalis dito. Tsaka yung magbibigay ng apo nila."

"Gagawin mo pa kong baby maker! Teka bakit di ka na aalis? Anu ba kasi yung totoong dahilan?! Ginagamit mo pa ko para magsinungaling sa kanila."

"Sinabi ko na. Totoo na isa ka sa dahilan kung bakit di na ko aalis. At yung isa pa....ay sikreto muna. Malalaman mo rin. Sige na please. Gagawin ko lahat ng gusto mo after this. Please. Pie naman."

Hinalikan na nya ang kamay ko na hawak nya kanina. Anu ba yan! Kinikilig na naman ako. Makakatanggi ba naman ako eh sobrang mahal ko to.

"Sige pumapayag na ko. Pero diba gagawin mo lahat after nun ha?" Paninigurado ko. Bwahahaha. Humanda kang Generoso ka!

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon