*Sa Mall*
"Dane...ansakit ng paa ko. Lakad tayo ng lakad. Anu bang hinahanap natin?" Reklamo ko.
"Naku nagger na naman agad o! Basta. Shirt. Yung unique. Panregalo ko. Panlalaki."
"Para sa sa jowa mo na si Vince. Sinagot mo na yun? Bilis ha."
"Oy hindi sa kanya. At di pa kami! Kung makapagsabi ng mabilis ah. Bakit ikaw?!" Sumbat nya.
"Nevermind. Ayun o...mukang unique yung botique na yun. May panlalaki ata sila. Tara." Hila ko sa bruha.
*Sa botique*
"Cute naman ng name nito. Venivinivici. Haha. Parang laging busy!" Tumatawang sabi ko.
"Tsk. Wag ka ngang maingay. Tulungan mo ko sa pagtingin. Dali."
May biglang nagsalita sa likod ko.
"Hi mam...how may I help you?" Sabi nung nagsalita. Teka...parang pamilyar ang boses.
Pagharap ko.
"You!" Sabay kaming nagsalita nung lalake.
"Magkakilala kayo?" Singit ni Dane.
"Diba ikaw yung sa grocery. Yeah. Naaalala ko na. Vin, right?" Pacute kong sabi. Siniko tuloy ako ng bruha.
"Yeah...and you're Pie. "
"Oo. Tama. Dito ka ba nagwowork?" Ako ulit.
"Medyo. Part time. Parang ganun. Anu bang hinahanap nyo?"
"Ehem...ako nga pala si Dane. Kaibigan nitong kausap mo. Pwede mo ba kong ihanap ng shirt na unique para sa brother ko."
"Sure. Tara...sunod kayo sakin."
Nagmake face ako sa bruha. Nakakatuwa naman. Dito ko lang pala sya ulit makikita. Ang Coco ng buhay ni Pie. Haha. Kilig. Ang cute nya talaga.
"Daydreaming teh? Tinatawag na tayo oh. Andun na mga damit. Nganga ka na naman dyan. Tigilan mo ko Piandra ah. Nagpapacute ka sa kanya!"
"Hindi ah. Cute lang talaga ako. Tsaka narecognize nya ko. Haha."
"Tse! Ilusyunada mode ha. Tara na." Hila sakin ni Dane.
"Girls eto nga pala yung mga shirt." Sabi ni Vin habang nakaturo sa mga shirt na hawak ng apat na babae. Wow! Parang manager ha. Pwede. "Pag may napili na kayo just approach me. I will be at the counter. May kakausapin lang ako sa phone.
"Ok. Thanks." Sabi ni Dane.
Nakapili naman na ang bruha. Kala ko aabutin kami ng maghapon.
Pinuntahan namin si Vin malapit sa counter. Sakto namang tapos na sa phone.
"Okay na?" Tanung nya sabay ngiti. Wow parang commercial model ng toothpaste. Nahypnotized ako dun ha.
"Ah oo. Here's our choice. What do you think?" Si Dane.
"Nice choice. Matutuwa ang brother mo nito." Si Vin.
Dinala na ni Vin sa counter ang shirt at kinausap saglit ang kahera.
"Do you accept credit card?" Si Dane. Habang nakamasid lang ako.
"Yeah. Pero wag na. My treat. Parang freebies ko na rin sa inyo." Sabi ni Vin.
"Ha? Bakit?" Bigla akong nagsalita.
"I just want to thank you. Kasi that night nagustuhan ng mama ko yung mga option na binigay mo para sa niluto ko."
"Ah...hehe. Magaling. Thanks for this Vin. Magaling talaga sa recipe yang si Pie eh. If ever na may tanung ka about dishes. You can have her number. Ibibigay ko."
Walangya! Binibugaw na ko ni bruha. Masyadong natuwa sa libre! Pero okay lang. Kung ganito kagwapo ang pagbibigyan ng number ko. Why not coconut?!
"Sure. Haha. Anyway. Here's my calling card. Ganito nalang. Kung kailangan nyo ng tulong ko regarding mens apparel just call me." Inabot ni Vin ang calling card kay Dane.
"Pwede mahiram cellphone mo Vin?" Si Dane.
"Here." Sabay abot.
May pinidot si Dane sa cellphone ni Vin.
"Saved." Binalik ang cellphone kay Vin. "In case na kailangan mo ng tulong ni Pie. Ayan ang number nya. Thanks ulit."
"Teka lang..." tututol sana ako pero bigla akong kinurot ni bruha sa kamay.
"Welcome. Balik kayo ha." Si Vin.
"Oo naman!" Si Dane.
Pinilit ko nalang ngumiti. Paglabas ng botique bigla kong gumanti ng kurot ay Dane.
"Aray!" Si Dane.
"Bruha ka. Binenta mo ko kanina! Kainis ka!" Tampo kong sabi.
"Tse ang arte mo. Para namang tatawagan ka nun ni Pogi. Tsaka para lagi tayong makalibre. Anu ka ba? Di ka na naman nag-iisip Piandra!"
"Kahit na. Mali yun."
"Que mali..que tama. Basta nabigay ko na. Aminin mo...type mo sya. Kamuka nya crush mo. Si Coco. Pero mas maputi sya."
"Basta. Basta. Itapon mo na yang calling card." Utos ko.
"Hindi. Kung ayaw mo wag! Ako nalang magtatago."
"Okay fine. Whatever. Talo na naman ako." Arte ko.
"Wag ka na ngang kj dyan. Tara lunch na tayo. Treat ko. Kahit san mo gusto." Pangongonsola ni Dane.
"Sa Japan-Japan ha. Shrimp and veggie tempura with sweet ginger sauce and large red tea. Make it two!" Pang-aasar ko.
"Ang takaw naman Piandra! O sige. Tara na. Gutom na ko eh."
BINABASA MO ANG
First Cut...First Everything
RomancePaano kung ang taong pilit mong kinakalimutan ang sadyang lumalapit sayo? Paano kung sa patuloy mong pag-iwas ay sya mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayo? Paano kung yummy sya...lalayo ka pa ba o kakagat ka na sa mga pain nya?...