Sweet 3

3K 26 4
  • Dedicated kay AthenaCassandraDelRi
                                    

PIE'S POV

Nananaginip ba ko o talagang may nakayakap sakin kanina? Naalala ko ang mga nangyari kanina. OMG! Oo nga pala naulit ulit! Lagot na °·°!

Bumangon ako. Bakit wala na sya sa tabi ko. Hay...sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot.

Wala kong suot kahit isa! Tinignan ko ang orasan sa bedside table. Quarter to six. Di pa pala ko naliligo. Binalot ko ang katawan ko ng kumot at pumunta ng cr.

Tinanggal ko ang kumot. Humarap ako sa salamin. Sinipat ko ang buo kong katawan. May love bites ako sa ilalim ng breast ko. Tsk! Generoso ka! Buti na lang natatakpan ng damit. At hindi sa leeg. Nagtimbang ako. Shit! Nadagdagan ng .5 lbs ang timbang ko. Masyado kasi akong nadepressed kakaisip sa kanya this past few days. Kaya dinadaan ko sa kain.

Nagtoothbrush ako at mabilis na nagshower. After 10 minutes lumabas ako ng cr. Nagpapatuyo na ko ng buhok sa electric fan ng pumihit pabukas ang pinto. Nagulat ako at napatingin sa pinto.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Gene. Nakasimpleng white shirt na sya at short at crocs. Hinubad nya ang panyapak at tumabi sa akin. Niyakap ako at mabilis na hinalikan sa lips. Di ako nakapagreact agad. Bilis talaga ng loko na to.

"Buti naman gising na ang prinsesa ko. Umuwi ako saglit ng bahay. Naligo ako at nagpalit. Dumaan na rin ako ng drive thru at grocery. Magbihis ka na. Alam ko gutom ka na." Sabi ni Gene at nilagay ang kamay nya sa balikat ko.

"Akala ko umuwi ka na at iniwan mo na ko. Hmp. Di ka man lang nagpaalam." Himig kong nagtatampo.

"Asus! Eto naman. Kanina nga di ako makaalis kasi sobrang higpit ng yakap mo sakin. Tapos tulo laway ka pa kaya di na kita ginising." Natatawang sabi nya.

"Hmp! Bwiset ka. Di tumulo laway ko. Wala namang marka ng panis na laway paggising ko ha!" Nagbablush kong sabi.

"Syempre napunta sa unan lahat! Hahaha! Sige na. Antayin kita sa sala. Binili kita ng fave mo. Fries at spag."

"O sige na. Baba ka na. Wag ka ngang ganyan tumingin!"

"Tignan mo yang towel mo. Mahuhulog na. Ayusin mo kasi. Sige baba na ko. Baka matukso pa kong tanggalin yan." Sabay ngiti.

"Gene naman! Hmp! Labas na! Rapido!" Sabi ko at hinawakang maigi ang towel.

Tumatawang lumabas ang loko. Akala nya ha. Di pa ko nakakabawi ng lakas sa nangyari kanina. Hay...ang pogi talaga kahit sobrang simple ng suot. Makapagdamit na nga. Gutom na ko.

GENE'S POV

Isang oras lang ang tulog ko. Nagising ako kanina nang magring ang cellphone ko. Si mama pala ang tumatawag. Tinatanong kung nasaan ako. Pinapauwi ako saglit. Magpapakita nga muna ko. Pero teka...tinignan ko ang katabi ko. Sobrang himbing na natutulog pa rin. Napagod ko yata ng sobra ngayon. Napangiti ako. Niyakap ko at hinalikan ko sa lips. Aba, tulog na tulog pa rin sya.

Mas mabuting umuwi muna ko saglit ng bahay habang tulog pa sya. Babalik rin naman ako. Babangon na ko nang bigla nya kong niyakap. Pie...ayaw mo ko paalisin ha. Tinignan ko ulit. Tulog pa rin. After 5 mins nagpasya na kong tumayo. Sa wakas nakatayo na ko. Pinulot ko agad ang boxer brief ko at tumuloy ng cr. Nagtoothbrush ako at naghilamos. Pinulot ko ang nagkalat naming damit at nilagay sa laundry basket. Kinuha ko ang kaninang damit na ginamit ko at sinuot. Inaayos ko na ang polo ko nang mapansin kong mahuhulog na si Pie. Ang likot matulog. Inayos ko sya. Tulog pa rin. Mantika talaga. Gumalaw ulit at biglang nalilis ang kumot at nahantad ang right breast nya. WAH! Mabilis kong tinakip ulit ang kumot. Muntikan na. Muntikan na namang di ako makauwi. Pie naman. Mamaya na ulit. Hehehe.

Tinignan ko ang bedside table. Nakita ko ang susi na may keychain na pink at may pangalang PIE. Ito siguro ang susi ng bahay. Dinampot ko pati ang cellphone ko.

Nilock ko ang bahay. Mahirap na. Baka may biglang pumasok ng bahay nila at masalisihan pa ko. Never akong papayag!

Pagdating ko ng bahay naligo ako agad at nagpalit. Nagpakita ako kay mama. Nakita ko si papa na nasa sala at nanonood ng Nat Geo Wild.

Nagpaalam ulit ako kay mama at sinabi kong magoovernight sa friend ko. Nagbaon na ko ng pantulog at isang pair ng panlakad. Nagmotor nalang ako at dumaan ng grocery. Ipagluluto ko si Pie ng Chicken Curry. Dumaan na rin ako ng drive thru dahil alam kong gutom na naman yun pagdating ko.

Ginamit ko ang susi nya. Presto! Bumukas. Buti eto yung tamang susi. Binaba ko sa sala mga dalahin ko.

Umakyat ako sa kwarto nya. Tahimik ah. Baka tulog pa sya. Pagbukas ko ng pinto. Nakita ko sya. Nakatayo sa fan at nagsusuklay ng buhok. Mabilis ko syang pinuntahan at niyakap at mabilis na hinalikan. Buti di nagreact ng masama. Napatingin ako sa suot nya. Nakatowel lang. Bigla kong naalala kung anung tinatakpan nun. Haha. Napigilan ko pa sarili ko. Lumabas na ko ng kwarto nya bago pa magkarematch.

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon