Fever 2

3.7K 14 1
                                    

"Maligo ka na. Umuwi na tayo." Sabi ni Pie na tumayo na at sinimulan ang pagbibihis.

"Sige."

GENE'S POV

Hay. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng epekto ng babae na to sakin. Parang ginayuma nya ko. Ayoko pa sanang umuwi o kaya gusto ko pa syang makasama kahit saan. Hay PIANDRA! Anu bang meron ka? Kung sabagay...ang swerte ko.

PIE'S POV

Wah...nagawa ko yun. Grabe nakakahiya. Anu pa bang ikakahiya ko? Nakuha na nya. Basta. Gusto ko nang umuwi at makapag-isip. Hindi naman kasi kami tapos ganito yung mga nangyari. Maloloka talaga ko!

*Present*

Napailing ako matapos maalala ang mga nangyari. Ngayon ko lang na-realized na mali talaga. Kasi una, wala naman kaming commitment. Pangalawa, hindi naman nya ko mahal...pangatlo, baka mabuntis ako. Shit! Oo nga pala di naman sya gumamit ng proteksyon. Lagot na!

Hinanap ko agad ang cellphone ko. Hay..ang dami namang missed call pati message. Pagbukas ko...puro kay Gene at kay Dane. Tinawagan ko agad si Dane.

"Oy bakit bruha?"

"Dane, bakit ka tumatawag kanina?"

"Chinecheck ko lang kung gising ka na. Kumain ka na ba? Anu na bang nangyari sayo? Bakit late ka na umuwi...I mean umaga na at sino ba kasi kasama mo?"

"Wait! Isa isa lang. Grabe ang daldal ha. I'm okay. Tsaka mamaya na ang kwento. I need some beauty rest."

"Nuknukan ng kaartehan! Oy Maria Piandra! Uuwi ako nang maaga. Magluto ka at magtutuos pa tayo! Bye!" Sabay pindot ng call end button.

Hay. Naku paano ko ba sasabihin kay Dane. Sasabunutan ako nun at sasabihan ng tanga. Ayoko nga...pero magagalit ang bruha kapag di ako nagsalita. Piandrang kerengkeng. Malaman tutuksuhin na naman nya ko.

Naalala ko si Gene. Itetext ko nga sya. Namimiss ko na sya agad. Hay...ako na kerengkeng.

"Hi. Kakagising ko lang. Medyo masama pakiramdam ko. Nilalagnat ata ako."

Wala pang dalawang minuto, nagring na ng cellphone ko.

"Hello."

"Hi. Kamusta?" Tanung nya.

Parang tangeks naman. Eh kakasabi ko nga lang na di ako okay. Pasalamat ka mahal kita. Napipigilan ko pa bibig ko.

"Eto may lagnat. Ikaw?"

"Eto namimiss ka na agad."

"Baliw! Hmp. Kanina lang magkasama tayo." Di ko na napigilan kamalditahan ko.

"Ayaw mo ba? Edi wag. Punta ko dyan...mamaya."

"Anak ng tipaklong Gene. Masakit pa kaya. Wag."

"Hahahaha nawiwili ka na. Wala naman akong sinabi na may gagawin tayo. Gusto lang kita makita."

"Ay sorry naman po ha. Hmp! Wag ngayon. Sa isang linggo na lang. Please..."

"Tagal naman nun! Bukas o kaya sa isang bukas."

"May pasok ako tsaka madami akong research paper!" Pagdadahilan ko.

"Tutulungan kita. Akong bahala. Wag ka nang tumanggi. Ang arte." Pang-aasar nya.

"Talong ka ba?"

"Bakit?"

"Ang sarap mong ihawin!"

"Corny. Akala ko dahil masarap akong kainin. Aminin. Ketchup ka ba?"

"Hindi. Bakit?!"

"Sabihin mo muna oo."

"Ay ang demanding!"

"Sige na...sabihin mo lang oo. Uulitin ko. Ketchup ka ba?" Lambing nya.

"Oo na! Bakit?" Syempre gusto ko rin malaman ang sagot.

"Kasi...ang sarap mong sawsawan ng hotdog sa umaga."

"Ampotek! Bastos ka!"

"Hehehehe...biro lang. Ang sunget naman. Sige mamaya na ko tatawag. Bye."

Kainis! Naisahan ako nun ah. Dapat mag-isip ako ng mas magandang banat. Makapanood nga ulit ng My Amnesia Girl. Alam ko maraming banat si Lloydie dun. Tignan ko lang galing mo Generoso ka! Makaligo na nga at makapaggrocery para maipagluto ang bruha.

Anu kayang masarap na ulam?

Hmm... beef with broccoli nalang.

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon