Hmm...

2.5K 35 5
                                    

Bumaba na ng kwarto si Pie. Nakasandong white at cotton short lang sya. Hinanap nya si Gene. Paglapit nya sa kusina napansin nyang suot ni Gene ang apron ni Dane at may hinihiwa.

"Wow ha. Chef, what's for dinner?" Lapit ni Pie kay Gene habang inuusyoso ang hinihiwa nito.

"Chicken curry señorita." Sabi nito at hinila sya ng upuan. "Kain ka muna." Inabot nito ang isang supot.

"Siguraduhin mo lang masarap yan ha. Kung hindi ikaw lang kakain nya."

"Ang reklamo naman. Akala mo ba ikaw lang magaling magluto. Ang mama ko kaya ang pinakamagaling na chef sa angkan namin. Kaya sa kanya ako nagmana. Kain ka na dyan. Wag mo na kong pakialam dito. Basta ikaw maghuhugas ng pinagkalatan ko." Sabi ni Gene sabay kindat.

"Hmp! Okay fine."

Kinain na nya ang spag at fries.

"Ehem ehem...pahingi naman nyan. Subuan mo ko." Lambing ni Gene.

"Bakit?! May kamay ka naman ah. Kaya mo na yan. Oh, kumain ka na."

"Sige na. Naghihiwa pa ko eh. Eto naman naglalambing lang."

"O sige. Nganga. Nganga." Sabi ni Pie sabay sinubo ang spag. "Good boy." Nakangiting asar nya rito.

"Wag na nga. Para naman akong bata nya. Kung ayaw, wag." Seryosong sabi ni Gene.

"Asus. Nagtampo pa."

Niyakap ni Pie si Gene mula sa likod. "Eto naman nagtampo pa. Syempre kunwari baby ka nga."

Humarap si Gene at niyakap si Pie. "Ganun ba? Pero mas gusto ko yung paggawa ng baby. Hahaha."

Nagblush si Pie at umirap. "Tse! Ayan ka na naman. Ikaw ha! Masyado ka na. Hmp!"

Niyakap ni Gene si Pie. "Arte naman. Syempre ikaw pa rin ang baby ko at ako lang baby mo hanggat wala pa tayong baby." Hinalikan nya ito sa noo.

"Sige na nga. Tapusin mo na yan nang matikman na yang pinagmamalaki mo." Kumalas na si Pie at ipinagpatuloy ang pagkain.

GENE'S POV

Hindi ko alam kung hanggang kelan ang kabaliwan kong to. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ganitong pakiramdam. Gusto ko lagi ko syang kasama at nayayakap.

"Pasado na ba ma'am?" tanung ko nang tikman nya ang luto ko.

"Okay naman."

"Tipid naman nh sagot! Okay lang?!"

"Okay na. Pero mas masarap pa rin akong magluto sayo."

"O sige ikaw na. The best ka eh!"

"Ashu...arte naman ha. Oo pasado ka na! Masarap kesa luto ni Dane."

"Isusumbong kita sa bestfriend mo."

"Baliw ka. Di maniniwala sayo yun."

"Lakas kaya ng convincing power ko." Sabay tawa ko.

"Hmp! Subukan mo! Wag ka nang magpapakita sakin!"

"Joke lang. Di ka na mabiro. Pakiss nga."

"Oy kain muna. Ikiss kiss mo sa pader."

"Salbahe ka."

"Oo. Tara kain na tayo." Bigla nya kong ninakawan ng halik sa lips.

"Andaya...si ako ready. Mamaya babawi ako."

"Hmp! Tara kain na tayo."

(Pasensya na po. Yan muna ang update. Bibitinin ko muna kayo. Medyo busy sa buhay pag-ibig po eh. Anyway, life goes on diba. Wala man akong Gene sa real life ko...marami naman akong Dane na nandyan para damayan ako. Keep voting guys. Pag dumami vote ko gaganahan na po ako magupdate. Passion ko naman magsulat kahit di ganun kainteresting ang story. Open po ako for new ideas na makakaganda ng story ko po. Thanks. :*

PANOORIN NYO PO YUNG 3 IDIOTS :) Nakakainspire si Rancho. Wish I have a Rancho in my life.)

-oreopie

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon