Unexpected

3.1K 21 2
                                    

Almost five days nang iniiwasan ko ang tawag ni Gene. Pinipigilan ko ang sarili kahit sobrang miss na miss na ko na sya. Pero iniisip ko na kung talagang concern sya sa sakin ay gagawa pa rin sya ng paraan makausap lang ako.

"Tulala ka na naman." Sabi ni Dane sabay abot sa kanya ng hot choco.

Wala silang klase ng araw na ito kaya nasa bahay lamang sila.

"May iniisip lang." Tumayo na ako at lumapit sa hapag kainan.

"Si Gene noh? Tignan mo na. Tsk. Di ba tama ako? Ni hindi man lang ikaw puntahan kung talagang gusto ka nya. Pwede naman syang magtanung sa kakilala nyong dalawa para matuntong nya tong bahay." Sabi ni Dane habang hinahain ang almusal nila.

"Hay. Siguro nga. Nakuha nya na gusto nya. Siguro natauhan na madali lang naman pala ko makuha." Maluha luhang sabi ko.

"Tama na yan. Kakain na tayo oh. Drama mo. Ang antayin na lang natin ay ang PT mo. Tanggapin nalang natin kung anumang maging resulta. O sige na kain ka na. Aligue rice at tocino yan o. Paborito mo. Tara kain ka na. Para kay baby mo."

"Dane naman eh..."

"Practice lang. Hehe. Kain na."

*Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong.*

"Ay palaka! Anu ba yan ang aga aga naman may nagdodoorbell na! Istorbo sa pagkain oh!" Gigil na pakli ni Dane.

"Baka si Aling Mercy. Naniningil na nang upa."

"Kakabayad lang natin last week ah. Matignan na nga lang."

"Wag na. Sige Dane kain ka na muna. Ako na titingin." Sabi ni ko nang nakatayo na at lumapit na sa pintuan.

Sinilip ko sa gate kung sino. Nakatalikod. Pero lalaki sya. Anu ba yan di ko makita ang mukha! Pagbukas ko ng gate...

"Yes? Anu pong kailangan?"

Nagulat ako ng humarap ang ang lalaki. °0°

"Hi." Bati nito ng nakangiti.

"Hmp! Bat nandito ka?!" Inis kunwari na sabi ko.

"Dinadalaw ka lang. Ganyan ba talaga kayo pag may bisita? Di nyo man lang pinapapasok ng bahay?"

"Unexpected ka kasi. Dyan ka lang. Wait lang." Pumasok saglit ako ng bahay.

"Dane. Andito sya! Wah. Naloloka ako."

"Sinung sya?! Linawin mo! Umayos ka nga. At wag kang magkikisay na parang bulate dyan!"

"Sinu pa! Yung pinag-uusapan natin kanina! Si Gene!"

"Holy Cow! Anung ginagawa nun dito?! Pinapunta mo noh! Pasaway ka talaga!" Akusa nito.

"Hindi ah. Promise! Papasukin ko na ha. Umayos ka. Makikilala mo na ang mahal ko." Kinikilig kong sabi.

"Ayan...kerengkeng agad! Makita nga yang alak na pinagmamalaki mo." Matapang na litanya ni Dane.

Bumalik ulit ako sa gate para papasukin na ang pinakamamahal ko.

"Ang tagal mo. Tinitignan na ko ng mga kapitbahay nyo. Baka akala akyat bahay ako." Medyo iritable na si Gene.

"Sorry naman po mahal na prinsipe. Kasama ko kasi ngayon ang best friend ko dito sa ngayon. Syempre sumangguni lang muna. Tara na."

Pumasok na kami at tumuloy sa sala.Teka nasan si Dane. Nawala ng bruha. Nakakapagtaka.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga eh. Galing akong Bicol. Kakauwi ko palang kaninang 7am. Gutom na nga ako."

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon