Sweet 2

3.1K 32 1
                                        

Author's Pov

Dahil masama pakiramdam ko recently eh di ako makapagupdate. Tapos, pati comments at vote ang damot nung iba. Kung ayaw nyo po ng vote at napapangitan kayo sa story ko. Pwede po kayo magcomment. Lahat naman po ng writer may kritiko. Di naman po ako magagalit. Dun kasi tayo natututo. I'm not writing this story just for the sake of fame...gusto ko lang po talagang magsulat. Hobby ko lang po. Ito palang lakas loob kong pinost sa net. Anyway...sobrang thank you sa mga nagvote. Para sa inyo itong chapter. :*

---oreopie

"Tara nood tayong movie" aya ni Pie.

"San? Aalis tayo?" Kunot noong tanong ni Gene.

"Hindi. Dito lang sa bahay. Sa dvd. May mga collection kami dito ng dvd. Gusto ko horror. Ha."

"May magagawa pa ba ko? Teritoryo mo to. Game."

"Dapat lang. Teka luto muna tayong popcorn. Magtitimpla muna ko ng iced tea."

"Kakakain lang natin diba? Gutom ka agad?"

"Hindi. Basta gusto ko lang. Tara ikaw magluto. Ako magtitimpla ng juice."

"Opo mahal na prinsesa."

"Yan. Hehe."

GENE'S POV

Kulit naman ni Pie. Parang bata na naman. Anyway, gusto ko nga yun. Yung ganito lang...magkasama kami lagi kahit minsan nahihirapan akong pigilin yung panggigigil ko sa kanya. Hehe... you cannot blame me. Ang cute nya kasi at kakaiba yung dating nya sakin.

"Gene...tapos ka na?" Tanung nya sabay lapit ka sakin.

Inakbayan ko sya. Di naman tumutol. Mabuti naman. Mukang sanay na sya sa presensya ko.

"Di pa eh. Lulutuin ko ba to lahat? Sure ka?"

"Oo. Tulungan na kita." Nginitin nya ko sabay alis ng kamay ko sa balikat nya. Kumuha sya ng malaking tupperware na may lid at cheese powder.

"Ayan. Pwede na to." Sinalin nya yung mga naluto ko na kanina.

"Madami na ata yan. Tara na." Aya ko sa kanya.

"Sige last na yan."

"Okay."

Bumalik na kami sa sala para manood. Sinalang nya yung sinasabi nyang dvd. Teka bakit ganun?...KOREAN! Never pa kong nanood ng korean movie. Bukod sa di ko trip yung mga ganun eh tamad din akong magbasa ng subtitle. Tsk! PIANDRA KA! Kakaiba ka talaga.

Tumabi ako sa kanya sa sofa at umakbay. Tumingin sya sakin at nginitian ko sya. Hay. Gusto ko na namang halikan sya.

"Bakit naman yan yung sinalang mo? Di ko gusto mga ganyan eh. Yung english na lang."

"Maganda yan. Di pa namin napapanood pero sabi nung binilhan namin eh maganda raw. Yan kasi mga trip ni Dane panoorin tsaka ako rin naman. May subtitle naman eh so maiintindihan mo rin."

"Sabi ko nga eh. Wala naman akong magagawa." Kinurot ko sa pisngi. Di naman umangal.

Sineryoso ko na ang panonood habang sya ay Panay kain ng popcorn at inom ng iced tea. Tsk. Parang bata talaga. Minsan sumisigaw pa at nagugulat tapos simisiksik sakin. Ako naman sinasamantala ko hehe. Kapag nagsisiksik sya niyayakap ko at hinahalikan sa mukha. Haha. Enjoy talaga manood pag ganito.

PIE'S POV

Ang arte naman...kunwari ayaw pa manood ng ganitong pelikula. Gusto rin naman. Shocks nakakatakot pala talaga to. Daig pa yung Bushinsaba. Shit! Kapag natatakot ako eh sumisiksik ako kay Gene. Ganito kasi ako. Matatakutin pero ang hilig manood.

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon