First Cut...First Everything

8.7K 38 2
                                    

First Everything

"Hindi mo ba sasabihin kung saang lupalop ka nakarating kagabi?" tanung ni Dane kay Pie

"Inaantok pa ko. Mamaya na ko magkukwento. Please patulugin mo muna Dane Pagod na pagod ako."

"Oy Maria Piandra Velasco! Napagod ka?! Eh anu ba kasi ginawa mo! Napuyat ako kakaantay sayo! Ni hindi ka man lang nagtext o tumawag man lang", nagtatampong sabi ni Dane.

"Promise mamaya magkukwento ako. Patulugin mo muna ko please. Pakisabi muna kay Sir B na di muna ko makakapasok mamaya sa klase nya. Sabihin mo may sakit ako. Ha. Sige matulog na muna ko ulit", sabi ni Pie sabay talukbong ng unan sa mukha.

"Anu pa nga bang magagawa ko? Whatever senorita. Sige, nagluto na ko dyan if ever na magutom ka prinsesa. Alis na muna ko kasi may lakad kami ni Vince", kinikilig na sabi ni Dane.

Nagising si Pie ng mga alas kwarto ng hapon. Masakit pa rin ang katawan nya at may lagnat. Di nya maiwasang mapangiti nang maalala ang nangyari sa kanya kagabi. Hinding hindi nya yun makakalimutan kahit na isa lamang yung pagkakamali.

Flashback*

POV NI PIE

Nasa klase si Pie nang biglang tumunog ang message tone ng kanyang cellphone.

"Hi. Kamusta na? Libre ka ba today?"

Pagkabasa ng Pie ng mensahe ay parang tumatakbo ang puso nya sa kaba. Di nya ineexpect na magtetext pa ito sa kanya. Akala nya di sya nito kailanman pinansin.

Mabilis pa sa alas kwarto na nagreply sya kahit naglelecture sa harapan ang prof nya sa advertising.

"May klase pa kasi ako. Tsaka mga hapon pa ko siguro mababakante. Bakit mo natanong?"

"Gusto sana kitang makita. Wala lang. Ayaw mo ba ko makita?"

(Ang presko naman nito. Expected agad na di ako tatanggi. Eh...di naman talaga. Sayang naman ang pagkakataon. Gora na teh! --sabi ni Pie sa isip nya.)

"Gusto. Kaya lang nga after ng last subject ko pa. Mga 5pm siguro."

"Okay lang aantayin kita. San ba kita pwede sunduin?"

Binigay ni Pie yung lugar na malapit sa kanila pareho.

"Deal. Okay. See you. Wag ka na kumain ha. Tsaka magpaganda. Ha."

(Aba talaga naman. Napakademanding naman po nitong adonis este fafable na itech!--isip ni Pie)

"O sige mister magpapakagutom na lang ako mamaya at di na ko magmake up at nang magmukha akong hagard!"

"O sige na magmake up ka na wag ka lang magsusuot ng medyo fit. Piandra Bachoy! Hehe."

"Aba nanukso ka pa. Di bale cute naman ako. Hmp. O sige see you later. Masama na tingin ng prof ko sakin."

"Ok sige. Ingat."

(Ingat lang. Wala man lang kiss! Haha. Asa ka pa Piandra. Tinawag ka na ngang batchoy! Hay. --isip ni Pie)

POV NI GENE

Matagal na rin nung last na makita ko sya. Its been 3 years na di ko sya nakita. Nakakatuwa pa sya dati. Umamin sya na crush nya ko. This is not the first time na may nagconfess sa akin ng paghanga. Oh goodness! She was too cute when she said it in front of me. Her cheeks become red and I heard her stammered. Hehe. Naaalala ko pa yung araw na yun. Batang bata pa ang tingin ko sa kanya. Sweet and bubbly girl. Sweet sixteen lang. Pero now, I look at her pictures sa isang internet site kung saan sya yung unang nagmessage sakin. Nagmatured na sya in a good way. From cup A to cup 36B. Petite pa rin, maraming iba't ibang boys ang kasama sa pictures. Ang ilang sa kanila ay naging boyfriends nya pa ata. Lucky bastards.One time nagmessage sya at tinatanung nya kung kilala ko pa sya. I replied yes...simula nun madalas na kaming magchat dahil nasa ibang bansa ang work ko.

Before ako umuwi ng Pilipinas to have my vacation kinuha ko ang number nya. Pagkauwi ko naman ay masyado akong nalibang sa pamamasyal ko. Almost one month na nung magkalakas ako ng loob na kontakin ang mobile number nya. Akala ko dededmahin nya ko. Himala! Nagreply agad ng wala pang isang minuto! Crush pa rin nya siguro ako hehe. Maliligo ulit ako mamaya para pag nagkita kami eh ako pa rin si Gene na pinakagwapong nilalang sa paningin nya. Tignan ko lang kung di ka mataranta. Hehe.

Author: Ang lakas naman ni Gene! Feeling haha. Anyway describe ko yung dalawang main character ko.

Maria Piandra Velasco

*petite

*mukhang inosente (kahit hindi naman)

*fair complexion

*sexy

*kahawig ni christine reyes pero walang dimples

GENEROSO SANTILLAN

*matangkad

*malakas ang sex appeal

*gwapo

*matalino

*tsinito

*kissable lips

*artistahin

(Ikaw na! Ikaw na kuya! Pantasya ng Bayan!)

Okay na? Naimagine nyo na?

Kung hindi pa rin...eh bahala na kayo. Hehe. (Alis na muna si Ms. Author. May pinaghahandaang Bed Scene eh.)

POV NI GENE

Halos magtutwenty minutes din nag-aantay si Gene sa sinabing lugar ni Pie. Tinatawagan nya ito sa cellphone ngunit hindi nito sinasagot. Malapit na syang mabwiset nang biglang may kumaway sa kanya galing sa kabilang panig ng kalsada. Nabuhayan ng loob si Gene. Hindi nya inaasahan na ganito na itsura ni Pie ngayon. Tama ang mga pictures nya. Gumanda nga ito at naging Cup B. Hehe...anu ba tong iniisip ko. Nakamedyo fit kasi sa na spaghetti strap at may nakapatong na sleeveless na cardigan. Nakakabuhay ng dugo. Erase. Erase. Baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Ang tagal ko rin syang di nakita.

"Kanina ka pa rito?" nahihiyang sabi ni Pie.

"Oo. Kasi ang expected ko na mauuna ka since malapit ka dito kaysa saken." Medyo nilakasan ni Gene ang boses para asarin ang dalaga.

"Sorry naman. Kasi traffic tsaka rush hour po. Mahirap makipagsiksikan sa lrt. Okay."

"Sige tara na. Nagugutom na ko. Sakay ka na. O suot mo tong helmet. San mo gustong kumain?"

"Wah. Dyan ako sasakay? Natatakot ako. Wala na bang other option? Pwedeng magcommute na lang tayo?"

"Pwede ba wag ka nang umangal. Gutom na ko. Ang tagal mo. Hindi naman kita ihuhulog. O dali na."

"Ang demanding! Pasalamat ka at gwapo ka!" Bulong ni Pie sa sarili na medyo napalakas habang nilalagay ang helmet sa ulo.

"May inaangal ka?"

"Wala po sir. Sige alis na po tayo. Hehe."

POV NI PIE

Shocks! Si Gene na ba yung nakikita ko?! Wow adonis! Mas lalong atang naging superfafalicious. Yummy! Hehe. Ang naughty ko. Well sa kanya lang naman ako ganito. Simula nung makilala ko sya nung fourth year highschool ako eh naglumandi na puso ko! Kinakabahan ako. Rinig na rinig ko ang puso ko.

Nagsusuperbass! But I'm not Nicki Minaj! Boom boom boom.

Kinawayan ko sya. Nakakunot na mukha ng loko. Kasi naman late ako. Kasalanan ng lrt! Wala kasing nagtutulak! Buti nalang maliit ako. Naku keri lang na makipagsiksikan. Pero medyo natatamaan kanina ang bumper ko. Buti nalang puro girls katabi ko. Ang laki naman kasi. Anung magagawa ko? Mana ako sa nanay ko. Ayun. Back to reality.

Eto nilapitan ko sya.

Ang pogi talaga. Malalaglag na ata ang black bikini ko. Wah. Kinakabahan ako na parang nahihiya. Well after ng maraming blah blah blah eh napapayag na rin nya ko sumakay ng motor nya. (Basahin nyo na lang POV ni Gene, tinatamad kasi si Ms. Author pag POV ko kasi karibal ko sya kay Gene! Hehe)

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon