PIE'S POV
Sa grocery...
Nakatingin ako sa ginawa kong listahan. Hay sa wakas broccoli na lang at oyster sauce ang kulang ko. Six o'clock na, naku baka nasa bahay na si Dane. Kailangang makauwi na.
Hinila ko agad ang cart sa vegetables section. Ayun...nakita ko na ang broccoli. Nagmamadali akong pumunta at nang dadamputin ko na. May nahawakan akong kamay.
"Ay! Bakit may kamay!" Bulalas ko.
"Miss...kamay ko yan." Sabi ng lalaking nahawakan ko.
Tinignan ko ang may-ari ng kamay. In fairness ha ang flawless at ang lambot. Umabot ang tingin ko paakyat sa may-ari nito. Wow naman! Ang gwapo ni kuya. Hawig ni Echo! Maputing version lang. Naku naman... may nag-eexist pala na ganito kagwapo. Hulog ng langit.
"Ehem...miss would you mind if I...I mean. Ang kamay ko. Hehe" sabi ni Kuyang Pogi.
Ay nakakahiya. Hawak ko pa pala kamay nya. Ang sarap naman kasi hawakan. Parang kamay ng baby. "Er...ahm...sorry po." Namumula kong sabi.
"Okay lang. Sige sayo na to." Sabay abot ng broccoli. "Marami pa naman dito."
"Thanks. Pasensya na po. Kasi nagmamadali ako."
"Its okay. By the way, pwede magtanong?"
Uy kukunin nya ata number ko. Kilig...ibibigay ko pati address ko! Hehe. Ang landi ko na naman.
"Okay. Anu yun?"
"Aside from broccoli, anu pa bang veggies ang pwede ilagay sa beef with brocolli?"
Disappointed ako. Kala ko number ko na. Kainis. Sayang.
"Ahmm...as you can see parehas pala tayo ng lulutuin. Well...you can add carrots if you want or baguio beans."
Tinignan nya yung cart ko.
"Oh I see. Anyway thanks for that. It such a great help. Paglulutuan ko kasi yung taong special sa buhay ko. Anyway...thanks again. Oh what's your name?"
"Ako? Just call me Pie." Patweetums kong sabi.
"O sige. Una na ko. Thanks ulit Pie." Paalam ni Kuyang Pogi sabay ngiti.
"Hey! I forgot to tell you my name. I'm Vin." Habol niya at tumalikod na ulit at umalis.
"Weird." Iling kong sabi at nagmadali na ko na pumunta sa cashier. At nang makauwi na.
BINABASA MO ANG
First Cut...First Everything
RomansaPaano kung ang taong pilit mong kinakalimutan ang sadyang lumalapit sayo? Paano kung sa patuloy mong pag-iwas ay sya mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayo? Paano kung yummy sya...lalayo ka pa ba o kakagat ka na sa mga pain nya?...