Mabilis na natapos si Pie at Gene sa pagkain.
"Gene, di ka pa uuwi?"
"Hindi...bakit gusto mo na ko umuwi? Hay...o sige." Akmang tatayo si Gene.
"Gene naman eh. Nagtatanung lang ako. Edi sige umuwi ka kung yan ang gusto mo. Bahala ka!"
"Bakit? Tumayo lang naman ako para magligpit nang pinagkainan natin. Hahaha...kala mo aalis na ko. Kita ko nalungkot ka bigla. Syempre di kita iiwan mag-isa dito. Nagdala na nga ako ng mga gamit ko kasi dito ako matutulog."
"Nakakainis ka! Hmp! Ginugoodtime mo ko eh." Sabay tayo at pumunta ng lababo.
Gene's POV
Hay naku nagtampo agad. Akala nya naman iiwan ko sya. Kahit ipagtulakan nya pa ko di ko sya iiwanan mag-isa dito. Kahit sa sala nya pa ko patulugin. Syempre gusto ko pa rin katabi sya.
"Baby, wag ka na nga magtampo. Gusto mo lumabas at mag-ice cream?"
"Gabi na kaya. 8 pm na...may bukas pa bang ice cream parlor?"
"Ewan ko. Ganito nalang. Samahan mo kong bumili sa convenient store. Tapos dito na tayo kumain."
"Sige na nga...treat mo naman eh."
Hay...mabuti na lang nasusuhulan ng ice cream. Mapapadalas na pagpunta ko dito. Sana laging wala si Dane. Pero kahit nandito pa sya pupunta pa rin ako.
"Tara na. Tulungan mo na ko maghugas para makabili na tayo." Sabay hila sakin papunta sa mga hugasin.
"Okay po boss, maa'm, amo!"
"Good boy!" Tawa sabay haplos sa buhok ko.
Pie's POV
Yan buti may ice cream. Fave ko pa naman yun. Kala ko aalis na sya kanina. Nalungkot talaga ko bigla. Kung pwede nga lang ganito na kami forever eh. Masaya tapos parang walang problema. Kaya lang alam ko namang malabo yun. Magulong ugnayan lang meron kami sa ngayon. Hay...sana po sakin na lang sya Dear God. Mahal na mahal ko po ang lalaking to kahit po lagi ko syang sinusungitan. Depensa ko lang po yun pero deep inside po ayoko talaga na mawala pa sya.
"Oy! Lika na. Nakatulala ka pa dyan. Hehe. Iniisip mo na yung gagawin mo sakin mamaya noh?" Asar ni Gene.
"Hmp! Iniisip ko lang anung flavor ng ice cream ang kakainin ko. Masyado kang greenminded! Wala tayong gagawin mamaya."
"Meron. Magkakainan tayo." Ngisi ni loko.
"Bastos ka talaga! Umuwi ka na nga!"
"Ay...ikaw pala ang greenminded eh. Magkakainan tayo ng ice cream! Isip mo Pie ha. Ang dumi agad." Sabi nya sabay kabig sa waist ko. "Tara na. Dala ko motor ko. Angkas kita."
Mga fifteen minutes narating namin ang convenient store. Buti nalang 24 hours open sila. Nagpark sya sa tabi. Nauna na kong pumasok. Diretso sa may mga frigde ng ice cream. Tinignan ko isa-isa. Hmm...double dutch...rocky road...cookies and cream...super chocolate...anu kaya. Sa kakaikot ko sa frigde may natapakan akong paa.
"Ouch! Miss please be careful naman!" maarteng sabi ng natapakan ko.
Tinitigan ko sya. Wow may karapatang maginarte. Kinis eh. Mula ulo mukang paa...este hanggang paa may dating. Parang party girl. Mahaba ang buhok, matangkad sakin ng 2 feet, medyo malapad ang noo, payat, may dimples na parang kay ara mina, laki ng paa parang higante pero walang sinabi ang breast size! Whew! Mas lamang ako ng 6inches...sorry ka teh.
"Ay sorry po, di ako aware na nandyan ka. Sorry talaga." Apology ko sa paa este sa babae.
"Kasi naman ang likot mo! Next time wag ka humara sa daanan ko!" Arte ni paa.
"Sorry na nga po eh. Pwede namang magkamali diba. Pasensya. Di ko nakita malaki mong paa este yung daanan." Umiral na pagkamaldita ko.
Nakita kong padating na si Gene.
"May napili ka na?" Tanung ni Gene habang palapit. Nakatalikod kay paa kaya di pansin na nag-iinarte yung babae sa harap ko.
"Gene?! Shit! Ikaw ba yan? Kelan ka pa dumating?! Di mo man lang ako kinontak. Namiss kita. Lagi ko naaalala yung ginagawa natin dati. Kamusta ka na babe?" Malanding sabi ni paa na nakatawa kay Gene sabay kabig sa braso. Laki pala ng gilagid ni ate ha! Hahahaha. Lapad ng noo, laki ng paa, pati gilagid higante. Ito na ba kontrabida sa love story ko. Miss Author, okay ka rin ha. Hehe.
Teh andito pa ko oh! Gusto ko bulyawan ang malanding babae! Epal ha. Pa babe babe pa! Upakan ko to eh.
Si Gene naman parang nagulat. Nakakunot pa noo ngayon.
"Gene?" Pagpapapansin ko kay Gene.
Tinanggal ni Gene ang kamay ni higanteng paa sa braso nya.
"Hi Karol. Im good." Inakbayan ako ni Gene. "Syanga pala...si Piandra. Ang fiancé ko."
Nagulat si paa este Karol pala. Tinignan ako mula head to toe. Parang minamaliit ako. Kahit maliit naman talaga ko. Inggit si paa. Hehe.
Yumakap ako kay Gene. "Baby, yung cookies and cream na lang ha." Binalingan ko si Karol. "Very nice meeting you." Nginitian ko nang nakakaloka. Maldita mode eh.
"Okay! Bye. By the way Gene...pupunta ko sa inyo next week. Since nandito ka na. Kakamustahin ko na rin sila tita at tito." Alis ni paa sabay irap sakin.
Pag-alis ni paa kinurot ko si Gene sa tagiliran ng pino.
"Aray!"
"Sino yun?!" Sita ko sa kanya.
"Si Karol nga."
"Alam ko. Anu mo ba yun?!"
"Friend ko dati."
"Yung totoo?!"
"Friend ko nga lang sabi."
"Anu yung sinasabi nya na dati?"
"Aba malay ko dun." Sabay kibit balikat.
"Bwiset yun ang arte! Natapakan ko lang accidentally ang malaki nyang paa eh parang gusto na kong tirisin." Gigil na ko.
"Ganun talaga yun. Tara na bayaran na natin. Wag ka na mabadtrip ha." Sabay halik sa pisngi ko.
Kinilig na naman ako. Tinignan tuloy kami ng kahera.
BINABASA MO ANG
First Cut...First Everything
Roman d'amourPaano kung ang taong pilit mong kinakalimutan ang sadyang lumalapit sayo? Paano kung sa patuloy mong pag-iwas ay sya mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayo? Paano kung yummy sya...lalayo ka pa ba o kakagat ka na sa mga pain nya?...