GENE'S POV
Bigla na lang bumuhos ang ulan. Pagkatapos ng malalaking patak basta na lamang itong bumuhos. Nasa gitna pa naman kami ng kalsada. Wala man lang malapit na maparadahan o masilungan. Umaangal na agad tong kasama ko. Pinarada ko sa isang bangketa na may silong.
Nagulat ako nang makita ko ang itsura nya pagkaparada namin. Nakaangil at basang basa rin sya. Haha. Okay lang akong mabasa dahil nakablack na shirt naman ako. Eh kasi naman nakaputing spaghetti strap sya. Tapos bukas sa harap yung cardigan nya. Nabasa ang damit nya kaya nagmukhang seethrough. Di ata sya aware na ganun na itsura ng damit nya dahil sa kabwisitan. Kitang kita ko ang strapless na itim na bra nya pati ang hugis ng kanyang dibdib. Nagkakapang-init ang ganito. Whoa! Can't resist this damn heat! Pigilin mo Gene. Mali yan! Sabi ng isip ko.
"Anu ba naman yan! Nakakainis naman! Basa na ko. Nabasa pa bag ko. Nandito pa naman sa loob yung irereport ko bukas! Asar kang ulan ka!" Gigil na si Pie.
"Wag ka na mainis. Mukhang waterproof naman bag mo. See? Leather naman yata."
"Hay. Kahit na baka nabasa. Teka ichecheck ko nga. Anu nang plano? Sana tumigil na ulan."
"Sana nga. Halika nga dito. Baka hatakin ka dyan bigla. Ayusin mo muna yang damit mo bago ng gamit mo."
PIE'S POV
Tinignan ko yung suot ko pagkasabi ni Gene na ayusin self ko. Ngeks. OMG parang nakabra nalang pala ko dahil kitang kita sa sobrang basa ng damit ko. Dali dali kong binutones ang cardigan ko. Wah. Nasilipan nya na ng birhen kong katawan. Sabagay, gwapo naman sya. So okay ang hehe.
"Mukhang di ata titila ang ulan. Aabutin tayo ng siyam siyam dito pag nagkataon." Seryosong sabi nya.
"Naku naman, eh iuwi mo na ko. Isakay mo nalang ako sa taxi."
"Di pwede. Hmp! Wag ka ngang mang-iwan sa ere Piandra! Tsaka malay natin huminto maya maya."
"Baka may mapupuntahan tayo na iba. Tara. Malamok dito oh! Uso pa man din ang Dengue!"
"Sige aalis tayo agad kapag medyo tumila na."
GENE'S POV
Kala ko di na titila pa ang ulan.
Sumakay kami agad nung ambon na lang. Buti natigil na sa pagiging nagger to. Arte talaga! Pasalamat ka. Nakatsansing ako kanina hehe. Mga five minutes palang siguro, bigla na namang bumuhos ang malakas na ulan. Narinig ko na naman ng tili nya.
"Gene itabi mo muna! Basang basa na ko! Waahh!"
"Wait lang kamahalan, naghahanap ako ng lugar."
"Shit! Mababasa nang tuluyan pati panty ko!" Bigla nyang nasabi.
No choice ako eh. Baka anu pa gawin sakin ng babae na to. Itinigil ko sa bandang kanan. Wow! May drive thru. Pwede na yan.
Oopps! Wrong turn ako. Motel pala papunta to. Dahil sa kakaangal ng babae na to, bahala sya. Dito na muna kami siguro magpapatila.
PIE'S POV
Basang basa sa ulan! Walang masisilungan, walang malalapitan...yan ang drama ko ngayon. Panu ba namang rain yan, traydor! Kanina wala na tapos mas doble pa ngayon ang lakas. Hay. Syempre umiral na naman pagkamaldita ko.
"Gene itabi mo muna! Basang basa na ko! Waahh!" Angal ko sa kanya.
"Wait lang kamahalan, naghahanap ako ng lugar." Naiinis nyang sabi.
Bigla na lamang nasabi ko na,
"Shit! Mababasa nang tuluyan pati panty ko!"
Hala. Nakakahiya naman sa kanya. Pero totoo naman kasi eh. Pag di pa kami sumilong mababasa na tong tuluyan.
Ayan. May drive thru. Yes!
Mali. Mali. Kala ko kainan. Bakit may babaeng nakadrawing na nakaquiet sign?! Alam ko to. Ibang kainan to!

BINABASA MO ANG
First Cut...First Everything
RomancePaano kung ang taong pilit mong kinakalimutan ang sadyang lumalapit sayo? Paano kung sa patuloy mong pag-iwas ay sya mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayo? Paano kung yummy sya...lalayo ka pa ba o kakagat ka na sa mga pain nya?...