Missing You

3K 12 1
                                    

GENE'S POV

Tinatawagan ko ang cellphone ni Pie. Kanina pa di sinasagot. Nakakainis talaga tong babae na to. Nagpapamiss! Hay. Bakit kaya ganito na naman nararamdaman ko? Parang gusto ko nang magwork dito for good dahil sa kanya.

"Gene..." pang-iistorbo ni mama sa paiisip ko.

"Ma bakit?"

"Anak...twenty six ka na next month? Wala ka bang balak bigyan ako ng apo?"

Lumapit sakin sakin si mama at hinawakan ulo ko.

"Ma naman...bata pa ko sa ganyang bagay. Alam nyo naman na di yan priority ko ngayon. Darating din tayo dyan. Gusto ko munang may patunayan."

"Anak, napatunayan mo na sa papa mo na nagkamali sya sa inakala nya sayo dati. Patawarin mo na sya. Kalimutan mo na yun. Ang mahalaga ngayon eh mabigyan mo na kami ng apo. Matanda na kami. Nang may makalaro kami ng papa mo. Five years nalang retirement na namin."

"Basta ma darating tayo dyan. Malay nyo magkaapo na kayo bukas. Hehe."

"Hoy! Generoso! Alam ko namang babaero ka pero ang gusto ko magseryoso ka na sa buhay mo. Walang magmamahal sayo ng habambuhay kung ganyan ka."

"Dati yun ma. Nagbago na ko. May nabalitaan ba kayo recently na niloko ko? Wala na diba. Kasi good boy na ko."

"Hmm...basta dapat magstay ka na rito saten. Magbusiness ka nalang dito. Para makasama ka naman namin. Ha. Pangako mo yan."

"Ma magrerenew pa ko ng contract diba tapos last na yun. Magstay na ko rito."

"Basta. Naku kung makikita mo lang siguro ang kabiyak ng puso mo na yan baka ikaw pa ang umayaw sa kontrata na yan. Tignan ko lang."

"Magdilang anghel ka sana ma. Hehe."

"Anyway. Nakaluto na ko. Fave mo. Beef caldereta. Padating na papa mo. Wag ka na umalis. Sabay sabay na tayo kumain."

"Wow! Syempre di ko papalampasin yun. Sana singsarap mo rin magluto ang magiging misis ko."

"Hmm! Bolero. Mana ka talaga sa papa mo."

PIE'S POV

*Sa apartment*

Its been a long tiring day. Buti ang bruha ang nakaassign magluto ngayon.

Pag-akyat ko sa kwarto...nahiga ako sa kama. Pumikit ako saglit. May naalala ako. Kinuha ko sa bag ko cellphone ko. Kumunot ang noo ko.

Seven missed call and fifteen messages received. Ang dami ha. Nilagay ko pala sa silent mode ang phone ko kasi maarte ang prof namin sa last subject.

Di rin sya makulit ha. Gene...sigurado akong miss na miss mo na ko. Hehe. Wahhh! Kinikilig ako. Gusto na kitang makita at ma...hmmmm....

Makiss sabay hug! Kaso ang bruha magagalit. Pipigilin ko muna ang sarili ko. Pag within this week wala kang ginawang effort. Manigas ka Gene! Hindi na talaga ko makikipagkita sayo kahit kelan. Titiisin muna kita. Kaya ko yun. Kaya ko nga ba talaga? Eh nababaliw nga ako kapag di kita nakikita. Kinulam mo kasi ako. Anak ka ng tipaklong ka!

Tumayo na ko at naghilamos ng mukha. Naaamoy ko na ang asim ng sinigang ni Dane.

Ang bango ha. Natakam akong lumapit sa kanya.

"Patikim naman." Tinikman ko gamit ang kutsara. "Asim!!!"

"Malamang sinigang yan." Singit ng bruha.

"Alam ko. Matagal pa ba yan? Gutom na ko." Angal ko sabay upo sa upuan sa dining area.

"Mga twenty minutes siguro. Ang mabuti pa magslice ka ng cucumber tapos timplahan mo ng suka, asukal, asin at paminta. Yung muna kainin mo kung gutom ka na. May apple pala dyan sa ref."

"Dane" lumapit ako sa kanya at yumakap. "Thank you ha. Kahit ganyan ka alam kong para saken din yang mga paghihigpit mo. Pangako susundin ko yung sinabi mo."

"Oy. Maldita. Wag ka na nang mag-inarte dyan. Oo naman noh para sayo rin yun. Tsaka dito ka pa talaga sa harap ng stove nanumpa. Adik ka. O sya sya...tama na." Alo ni Dane at kumalas sa yakap ko.

"Sige gagawin ko nalang yung pipino. Gutom na ko eh. Bubuksan ko narin ang tv. Kay Coco na kasi eh."

"Edi mabuti."

Pagkakain, naligo ako saglit para makatulog ng presko. Tinignan ko ulit ang cellphone ko.

May nag-appear na number bukod kay Gene. Nagmissed call din. Tinignan ko rin ang inbox ko. May text din ako sa unknown number na yun.

"Hi. Good evening. This si Vin. Yung sa boutique earlier at yung guy sa grocery. Remember? Pie...right. Tinest ko lang kung tama yung binigay na number ng friend mo. Anyway, kung nakakaistorbo ako. Good night. Sweetdreams."

Yan yung laman ng text nya. Wala naman sigurong masama kung magreply ako diba.

"Hi Vin. Tama yung number na binigay sayo ni Dane. Sige. Good night din. Thanks nga ulit." Reply ko.

Nahiga na ko sa kamay. Nagpray ako kay God na sana paggising ko okay na lahat. After ng prayer ko inoff ko na ang lampshade sa tabi ko.

Hinihila na ko ng antok nang biglang nagring ang cellphone ko. Inignore ko pero consistent ang caller. Wala sa loob na sinagot ko ang phone.

"Hello" inaantok kong sabi.

"Hi. Nagising pa ata kita. Pasensya ka na. Akala ko kasi gising ka pa." Sabi ng lalaki sa phone.

Tinignan ko ang number na nakaregister...ay si Vin pala.

"Ay pasensya ka na Vin. Medyo pagod kasi ko kanina." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

"Sige maybe I'll just call you tomorrow. Night again. Sweet dreams Pie."

"Thanks...ikaw rin."

Binaba ko na ulit sa tabi ko ang cellphone ko. Hay. Akala ko si Gene. Namimiss ko na naman sya. Humiga na ko at niyakap ko nang mahigpit ng unan ko.

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon