Description & Prologue

450 16 2
                                    

Description:

"I love you,

so please hate me."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

What is love without sacrifice?

What is life without feeling like dying?

What is a happily-ever-after without going through a shit ton of trials?

Siya si Namia Faith Cosico. Ang babaeng mabait pero mukhang mataray; optimistic pero parang hindi; ayaw sa romance pero may boyfriend; tamad pero laging top.

Siya ang babaeng namamatay na.

Prologue:

"SIGURADO ka bang gagawin mo 'to?"

Paulit-ulit sa isip ko ang tanong ni Alex. Ang kaibigan kong payatot.

Pucha naman! Desidido na ko kanina, e!

For fuck's sake! I'm in a hospital room awaiting death. Bakit hindi pa ko makikipag-hiwalay sa boyfriend ko?

Baka masaktan siya. Maunahan ka pang mamatay. May pagka-tanga pa naman 'yon pagdating sa'yo.

Bakit ba kasi nasama pa siya sa mga problema ko sa buhay? Bakit ba kasi nag-jowa pa ko?

Pero wala na kong magagawa. Hinanap na ng mga kaibigan ko si Pocholo, ang kasamahan naming baklang seloso. Mas tumindi siya nang maging sila ni Rigel. But still, he's doing this for me.

May biglang kumatok sa pinto ng room ko at bumukas iyon. Niluwa ng pinto ang dalawang walang kwenta kong mga kaibigan: sina Alex at Bean. Sumunod sa kanilang pumasok ay si Pocholo.

Napag-usapan na namin ang gagawin kahapon. Kakayanin ko 'to. Kahit mamamatay ang puso ko dahil dito.

Ang cheezy naman ng naiisip ko.

"Bessung, sure ka ba talaga?" Narinig ko si Pocholo. Nang tiningnan ko siya, halos maiyak na ko.

"Wala nang ibang paraan. Sinabihan ko siyang maghanap na ng ibang babae pero ayaw niya."

There was a long silence before he said it was okay. Ngayon, maghihintay kaming dumating si Mark. Maghihintay para sirain ang puso niya.

Umalis na sina Babs at Bean para simulan ang plano namin. Padating na si Mark.

"Mark, I'm sorry. H-hindi ko alam kung ano - pano sasabihin sayo,e." Mahabang diyalogo ni Alex. It was practiced. Even her stuttering. "S-sa tingin ko d-dapat maupo ka na muna."

"Anong nangyari?" Halatang napapraning na si Mark.

Nang marinig namin 'to, lumapit na si Pocholo sa kung nasaan ako naka-upo. A fake kiss will break Mark's heart.

"ANONG NANGYARI?" Pasigaw na tanong ni Mark bago kumalampag ang pinto at bumukas.

Poch started moving his jaw to make it look like we're kissing. I'm sorry, Marky. Nagkaroon ng pagitan ang mga mukha namin ni Poch.

But I'm hurting you now so that you can love again.

"Anong gagawin natin sa jowa mo?"

"Wala akong pakialam don. Kahit itapon mo siya sa Pasig river. Basta nandito ka sa'kin." My tears were falling. Lahat ng 'to scripted. Even Alex was cringing when she wrote the script.

May nahulog bago biglang nawala ang mukha ni Poch at pinalitan ni Mark. His tears where building up. I'm sorry.

"Bakit?" Alam niyo yung tipong umiiyak at panget pero at the same time pogi? "Bakit sa lahat pa ng pwede mong ipalit sa'kin, yung lalaking pinagkatiwalaan ko pa? Ang sabi mo bakla siya. May boyfriend ka pang pinakita. I trusted you. I fucking trusted you." Matagal niya kong tinitigan bago umalis.

Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.

Biglang may isang bouquet ng rosas na nagpakita sa harap ko. And with shaking hands, I read the card.

"Faith,

I love you. You'll always be mine and I'll always be yours.

Nagpatulong ako sa mga kaibigan mo na ayusin yung english ko. Hinusgahan nila ako pero okay lang.

Alam kong hindi ka pa gaanong kalakas kaya sasamantalahin ko na 'to.

Ikaw ang dahilan kung bakit bumabangon ako at pinipilit mabuhay.

Hilahin mo yung taling naka-kabit dito."

Hinila ko yung tali. Hinila ko. Sana hindi ko 'yon ginawa.

"You're the Hera to my Zeus, the Asuna to my Kirito. You deserve better than me but I'm trapping you while I still can.

Will you marry me?"

Sa dulo ng tali, nandoon ang singsing.

Nagkaroon ng mga black spots bago tuluyan akong walang nakita. Ang sumunod doon ay ang pagsigaw ng mga kaibigan ko.

Pero wala si Mark.

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© All Rights Reserved, TheBubbleKween 2018

NOTE:

Hindi po ako doktor, o nurse, o kahit sinong may malawak na kaalaman sa medisina. Isa po akong tamad na nilalang na walang oras at walang ganang mag-search tungkol sa mga pinag-susulat ko.

If I ever offend any person for writing this, please do know that I have no idea what I'm writing and that there are times when I am insensitive about certain topics.

Kung may nakita po kayong malayo sa katotohanan na pinagsusulat ko, kung may maling grammar (English or Tagalog), or kahit ano pang sinasakit ng ulo niyo, i-comment niyo lang 'yan!


Lablab,
-leks.

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon