5| Kidnapped

86 11 22
                                    

Mark's POV

NAPAHAWAK agad ako sa ilong ko. Damn it! Tiningnan ko yung babaeng nasa harap ko.

"Sinabi sa'kin ni Babs na gawin ko raw 'yan kapag nakita kita dito." Naka-ngiti ang tao sa harap ko.

Mich.

Aasarin ko na sana siya nang matandaan ko si Faith. Gising na siya.

Tumakbo agad ako papunta sa kwarto niya. Bago pa nila ako mapigilan, nakapasok na ko at nai-lock ko na ang pinto.

Nandoon siya. May mga nakaturok sa kaniya. Maputla na siya at mukhang wala nang buhay.

Kumuha ako ng upuan at tinabi 'yon sa kama niya. I tightly held her right hand. Yung walang nakaturok.

Dapat ganito yung ginagawa ko. Nasa tabi niya. Kahit wala akong matutulong dapat nandito ako.

I kissed her hand and let the tears fall. Konti lang ang mga taong nakakapagpaiyak sa'kin pero pagdating kay Faith, hindi ko na alam. She can make me cry like a newborn when she really wants to.

"I'm sorry." Sinabi ko sa kaniya. Alam kong imposibleng marinig niya ko pero umaasa akong sana maramdaman niyang nandito ako. "Dapat ako yung kasama mo dito ngayon. Dapat ako yung namumukhang baliw dito para sumaya ka. Dapat ako yung tumutulong sayo."

Napatigil ako. Gumagalaw ang isang daliri niya. Alam kong galing lang siya sa operasyon at alam kong kailangan niya pa ng tulog.

Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Fuck!

Bumukas ang mga mata niya. Halatang pagod at nahihirapan pa siya. Her eyes were half-open and looking around the room. Parang may hinahanap.

Pero tumigil ang mga mata niya nang makita niya. Parang isang involuntary movement na ngumiti siya.

Tiningnan ko lang siya. Halatang nahihirapan na siya. But even though she was in pain, she squeezed my hand tightly.

"I'm sorry." Binulong ko sa kaniya. Pinikit niya ang mga mata niya at may luhang tumulo sa pisngi niya.

Tiningnan ko lang siya hanggang sa mapagtanto kong tulog na siya. Matagal-tagal rin akong nandon. Nakatingin lang sa kaniya. Hindi ko na napansin na may pumasok na pala ng kwarto.

Muntikan na kong tumalon nang may kamay na humawak sa balikat ko. Halos kamukha na niya ang babaeng hawak-hawak ko ang kamay. Mas matangkad nga lang si Bianca kaysa kay Faith.

"Umalis ka na. Ala-una na. Ako na bahala kay Ate." Nagkaka-eyebags na siya. Halata ring hindi siya natutulog ng maayos.

Umiling ako. "Ako na lang. Matulog ka na muna."

Biglang may kumurot sa pisngi ko. "Lintik na." Napakamot si Bianca ng batok niya. Umalis siya ng kwarto. Siguro uuwi na siya.

May thirty minutes siguro bago bumukas ulit ang pintuan. Akala ko ay nurse siya pero hindi pala.

Nasa pintuan ay si Bean. Kasama ang asawa niya. Si Emman.

Pareho silang mukhang bagong gising lang. Anong ginagawa nilang dalawa dito?

Kinusot ni Emman ang mata niya. "Brad, umuwi na tayo. Halika na." Lumapit siya papunta sa'kin at hinila ang braso ko.

Umiling ako. Hindi ako lalayo sa tabi niya. Hindi ko na ulit siya iiwanan.

Napabuntong-hininga si Emman. "Alam kong ayaw mo siyang iwanan pero matulog ka muna."

"Dito ako matutulog."

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon