1| Official Hospital Tambay

222 12 0
                                    

Bab's POV

FOUR days. Apat na araw nang comatose si Faith. Apat na araw na ring pasimpleng bumibisita sa kaniya si Mark.

Tatambay siya sa kwarto ng pinsan niyang naaksidente at kapag nakita niyang wala nang tao sa kwarto ni Faith, saka siya pupunta sa kaniya.

Kung ibang tao ang nakakakita kay Mark, iisipin nilang nababaliw na ito dahil sa ginagawa niya sa kabila ng pangangaliwa ni Faith.

Pero hindi kami ibang tao ni Bean.

Alam namin na alam ni Mark ang lahat ng kalokohan ni Faith. Kasama na doon ang plano niya para maghiwalay sila.

And it's all thanks to Rigel.

Chismosong palaka talaga yung isang 'yon!

We caught him at the bar with Mark who was drinking his heartbreak away. So what's more reasonable than to eavesdrop on the two of them?

After a short amount of time, chit-chat and bottles of beer, narinig namin si Rigel na kinukwento ang lahat kay Mark. From the fact that Faith was diagnosed with atherosclerosis two years ago, to her fainting after finding out about the proposal.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa kwarto ni Faith nang may marinig akong humihikbi. May umiiyak. At sumunod dito ang magaralgal na boses ng isang lalake.

"Faith. I'm sorry. I-I should've done better. A-alam ko namang m-may mali. Alam ko namang may kulang ako. I-I'm s-sorry. Please. Please, Faithy. B-bumalik ka na sa'kin. I'll be be-etter. I-I'll give you everything you'll ever want and need. I love you. I love you so damn much. Hindi mo alam kung gaano kahirap na makita k-kitang ganito. I sh-should've been better f-from the s-start."

Namumula ang mga mata ni Mark habang hawak-hawak niya ang kamay ni Faith. Mahal na mahal talaga ng mokong na 'to si Faith.

"Don't be too hard on yourself, kid. Alam mo namang mahal ka niya." Sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako tiningnan. "Hindi ka niyan titiisin nang ganito katagal kung 'di ka niya mahal."

Patuloy lang ang pagdaloy ng luha niya. May sasabihin sana siya pero nahinto ito nang may magsalita sa walkie-talkie ko.

'Doc, may babae pong manganganak na dito sa entrance. Mambubugbog na yata yung asawa.'

"Shit." Tiningnan ko si Faith. Magiging maayos naman siguro siya kay Mark. "Pupunta na ko. I-prepare niyo na siya." Sabi ko sa walkie-talkie bago ako tumakbo papunta sa pasyente.

Faith's POV

NAGISING ako nang may humahaplos sa mga kamay ko. Sinundan ito ng mga hagulgol ng isang babae.

Shit.

"H-hoy, gising na. Ang tagal mo na diyan."

Binuksan ko ang mga mata ko para makita si Bianca na hawak-hawak ang kamay ko at si Mama na naka-upo sa sofa.

"Bianca," Nagulat siya nang marinig niya ako. "Walang galang kang bata ka. Ate mo pa rin ako."

Tulala sila nang makita nilang gising na ko.

Biglang tumayo si Mama at niyakap ako. Nagalaw ang IV na nakaturok sa'kin pero tiniis ko. Because judging from the wetness I feel on my shoulder, sa tingin ko umiiyak na siya.

Hindi madalas umiyak si Mama. No, she endured almost everything. Nakita ko kung ano-ano ang mga 'yon. And I promised myself na hindi magiging ako ang dahilan ng pag-iyak niya.

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon