1 | ninth grade problems

9 0 0
                                    

Ang lamig.

Joke lang, nasa Pilipinas tayo. Walang lamig lamig sa bansang 'to.

Pero mukha akong tanga, yun na 'yon.

Sinong hindi magmumukhang tanga e mag-isa ako sa kalagitnaan Star City. Walang 'ya yung mga kaibigan ko, aapat na nga lang kami, iiwanan pa 'ko dito. Bibili raw ng hotdog e anong oras na? Ang tagal tagal na nilang wala. Special hotdog ba 'yung binili nila? Ba't ang tagal?

Nasan na ba 'yung mga 'yon?

Tinawagan ko si Bean. Hindi sumagot.

Tinawagan ko si Mich. Ring lang nang ring.

Tinawagan ko si Alex. Wala rin.

Nagchat ako sa group chat. Baka naman kasi dahil nga walo sila, may chance na may makakita. Hindi naman sumasakay ng rides yung tatlo sa mga 'yon kasi nahihilo kaya malaki posibilidad na may makakita ng chat ko.

.

← AMINO ACIDS


5:24 AM

from tubol
oi taena, maaga raw pupuntang star city?

from palaging nirereport
yas yas, sabi mismo ni maam. sarado raw yung isang pupuntahan e

from tubol
bulok iskul pero noice noice

seen by at least tao
sa tingin ko and 4 others


6:37 PM

uy magset kang nickname
nasan n b kayo???

seen by s a v o g u e,
tangina wag na
magnickname,
and sis siser sisest

.

Nakita nga. Hanggang seen nga lang. Jusko naman! Anong silbi ng siyam kayong magtotropa kung wala manlang ni isang magrereply sa message mo?

Napagdesisiyunan kong sumakay na lang ng isang ride. Tatawagan naman ako ng mga 'yon kapag hindi nila ako mahanap, e.

May load ba sila?

Meron naman siguro. Sana.

Nagtingin-tingin ako ng rides sa labas. Hindi masaya 'yung mga pangbatang rides kapag wala kang kasamang laitin 'yung ride. Gusto ko 'yung extreme.

May tinuturo dito sila Bean bago mamutla si Mich e...

Star Flyer!

Ano ba 'yon?

May nakita akong roller coaster na bumabaligtad. 'Eto yata 'yon. Sabi ni Alex gusto raw n'yang pusurin 'yung buhok n'ya habang nakasakay dito e.

Pumila na 'ko kahit mahaba 'yung mga tao. Kapag naabutan ako nila Mich na nandito pa rin, maghintay sila!

Maraming taga-Monte sa pilahan, halos 'yung mga magtotropa sa kabilang section. Mga sampung minuto akong nakatayo doon, naglalaro lang sa cellphone bago may humiyaw bigla. "O, isa na lang! 'Yung mag-isa dyan, o!"

Parang domino 'yung mga ulo ng mga taong tumingin sa likuran nila. Lahat sila may mga kasamang tropa pwera sa 'kin. Nakitang kong may lalaking magtataas na dapat ng kamay kaya inunahan ko agad. Ha! Nauna ako!

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon