8| Fog Machines & 'Welcome Back' cakes

47 6 0
                                    

Faith's POV

"UY! Buhay ka pa pala." Narinig kong sabi ni Babs. Hindi na natuto ng simpleng 'hello'.

Mich pouted and said, "Ay hindi. Multo na lang ako."

"Sa pagkakaalam ko puti yung mga multo." Tumatawa si Bean habang inaasar ko si Mich.

"Sa pagkakaalam ko kailangan mo nang magtago." Nakatingin si Mich sa'kin.

Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit naman?"

"Putek. Paparating na yung ex mo!" Hinila ako ni Mich papunta sa isang kwarto dito sa first floor.

Lumaki ang mga mata ko at inayos ang salamin kong halos mahulog na. "Shit!"

Napamura ako nang itulak ako ni Mich papasok sa guest room. "I-lock mo 'yang pinto." Sinabi niya galing sa kabilang banda ng pintuan.

Hindi ko siya sinunod. Di ko siya nanay. Huminga ako ng malalim at-

Bakit amoy pabango ng lalaki?

Come to think of it, ganito rin yung amoy sa banyo ko.

May baliw bang akyat-bahay na nakitira dito't ginamit yung C.R ng kwarto ko kahit meron ako dito sa baba?

Well, baliw nga naman.

Ilang minuto yata akong nakaupo sa higaan doon bago ako makarinig ng malalakas at tuloy-tuloy na mga katok.

"Putek na- Hina-hinaan niyo nga lang! Natutulog si Faith!" Sinigaw ni Michelle.

Sa tingin ko maririnig yung boses niya hanggang third floor.

Wala akong third floor.

"Nasan na siya!?" Naririnig ko yung boses ng isang lalaki. Kalmado lang ang boses niya pero kung normal na tao ang nakakarinig sa kaniya, maiihi sila sa mga short nila.

Narinig ko ang pagkasa ng isang baril. "Kapag hindi niyo pinakita si Faith, papaputukin ko 'tong ulo ni Babs!"

"Tigil-tigilan mo kong letche ka!" She was fighting back. And then I heard a groan.

"Anong problema mo?"

"Tinutukan mo ko ng baril. Pambihirang bakla ka!" Boses ni Babs bago ako nakarinig ng may mabasag na gamit.

Binukas ko ang pintuan at nakita ko sila doon. Rigel was wrestling with Babs while Pocholo sat on the floor, popcorn on hand. Parang nanonood lang ng movie.

Hinanap ko si Mich at nakita sila ni Bean na nasa kusina. "Mich." Sinabi ko para pakinggan niya ko.

"Bakit?"

"Akala ko ba papunta na yung ex ko?"

Biglang nagpakita si Julie galing sa garden. "'Di ba naging ex mo naman si Rigel?"

Oo nga pala.

"Pero para kasing hindi naman kami naging mag-syota." Sinabi ko sa kaniya.

Kumunot yung noo ni Julie. "Babs! Halika nga dito!" Sinigaw niya and in a matter of seconds, she was in the kitchen. Her hair was a mess and she held a handful of popcorn.

"Kailangan niyo?" Tinanong niya.

"Tanda mo pa ba 'yung mga ginawa nila Faith at Rigel nung mag-jowa pa sila?"

"Uhm..." Napakamot ng ulo si Babs. "Nung una mo siyang nakita, ang sabi mo, may itsura siya. Then nagpakilala siya sa'yo, nagka-developan kayo, naging kayo, nagsisi si Mark kasi naunahan siya-"

"May gusto na sa'kin si Mark dati?" Tinanong ko sa kaniya.

Tiningnan ako ni Babs. "Yes, now shut up." Nag-isip ulit siya. "Nung first month niyo, dinala ka niya sa movies, nandon lang sa likuran niyo si Mark kaya nakita niya kayong mag-kiss. Tanda ko tumawag pa siya kay Garet nung araw na 'yon. Lasing na lasing.

"And then, tuwing nagkaka-oras kayo, dadalhin ka niya kung saan mo gusto." Hindi tumigil doon si Babs. I tried focusing on her again but my brain was still focusing on that one phrase.

Matagal nang may gusto sa'kin si Mark.

Oh God.

Pero palagi niyang sinasabing may gusto pa rin siya kay AJ nung mga araw na 'yon?

Biglang tumigil si Babs sa pagdaldal. Nakatingin siya sa'kin. Hindi ko na napansin na wala na pala si Julie.

"Huy," Sinabi niya sa'kin. "Ba't ka umiiyak? Dahil ba sinabi ko sa'yong kaya naging cold si Rigel kasi naging mag-one night stand sila ni Poc h nung una?"

Umiling ako. She tsk-ed and hugged me. The last time she did this was when she was still in college and Rigel broke up with me.

"Sige lang, ilabas mo lang 'yan." Hinimas-himas niya yung likod ko. "Crying will help. Naglalabas 'yan ng mga hormones mo kaya pagkatapos niyan 'di masyadong marami 'yang binibitbit mong sakit."

Nakaupo lang siya sa tabi ko kahit hindi na ko umiiyak. Mayamaya ay biglang siyang bumungisngis.

"Bakit?" Tinanong ko sa kaniya.

"Natandaan ko lang nung unang beses kitang nakitang umiyak. Yung pageant part para sa UN natin nung grade seven. Sinabi ni Ma'am na ikaw 'yung magiging Miss Brazil." Humagikgik siya.

Inirapan ko na lang siya. "Oo na. Ikaw na memory hoarder." Tinulak sa siya para makaalis na sa yakap niya.

She curtsied kahit nakapantalon siya. "Why thank you, madam." Tumawa siya na sinundan ng tunog doorbell. Iniwan niya ko do'n na naka-upo.

While she was away, tiningnan ko kung ano 'yung mga pagkain nila dito. There was a cake saying 'Welcome back from the dead!', Bean's homemade chicken nuggets, cookies, french fri-

"Anong ginagawa mo dito?" Halos sumigaw na si Babs. She was still in the front door kaya hindi ko alam kung sino 'yun.

Biglang dumating sina Bean galing sa garden. "Anong meron?"

I shrugged and ate a cookie. "Baka nagloloko lang." To be honest, sanay na 'kong overdramatic siya.

Kumunot ang noo ni Michelle. "Tingnan ko kung sinasapian na siya." I gave her a thumbs up while grabbing some fries.

"Hindi pwede!" Narinig kong boses ni Babs. Nasa pintuan pa rin siya.

Tumayo ako at kumuha ng isang tinidor. Narinig kong tumili si Michelle.

From may view, nakita ko si Mich sa garden. Pinapaandar niya yung dala niyang fog machine. Nang makita niya ko, ngumiti siya ng malapad at mukhang sira-ulong kumuway sa'kin.

The corner of my lips curled up into a small smile and I waved at her once bago ko marinig yung dalawa na nasa pintuan.

"'Nak ng-!"

"Putek na-!"

Dumating sina Michelle at Babs sa kusina. Tiningnan ako ni Babs bago siya tumingin kay Bean.

"Maghanap ka ng hindi masisira." Sinabi niya at mayamaya, may hawak-hawak na siya sa plastic na baso.

Then, she threw it at someone who suddenly appeared from behind the smoke.

"Aray!" Tumama yung baso sa mukha niya.

Nang matapos niyang kusutin ang mukha niya, nakita ko siya ng maayos. "Anong ginagawa mo dito?"

Napangiti siya. "Hi, love," Pero biglang nawala 'yon. "We need to talk."

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon