Faith's POVI love him.
I still do.
Pero hindi ko aakalaing makakapag-move on siya ng ganito kabilis.
At sa kapatid ko pa talaga?
Damn, my life's dramatic as hell.
"Bianca," Sinabi niya ng parang hinahanap niya 'to. Tapos tumingin siya sa'kin. Inilag ko ang mga mata ko at tumingin sa T.V sa harap ko. "Lumayas ka nga diyan," Abnoy ka ba? Ako yung pasyente. Ikaw lumayas. "Nang makapag-usap ko si Faith ng maayos."
Ano daw?
Biglang lumabas si Bianca galing sa C.R. Nakatingin lang siya kay Mark. "Panira ka ng moment. Handa nang mag-video yung phone ko e." Pinakita pa niya ang kulay violet niyang cellphone.
"Umalis ka na nga!" Tinulak ni Mark si Bianca papunta sa labas.
Nang kaming dalawa na lang ang matira sa kwarto, sumandal siya sa pintuan at nag-slide pababa nito.
Hindi na ko nag-alala sa kaniya. Sanay na kong nagda-drama siya.
I was about to laugh when I remembered plan C. At some point, nahawa ako kay Babs na palaging paranoid. Palaging may susunod na plano.
Pinigilan ko ang sarili ko. I stared at him with blank eyes. Matagal ko na 'tong ginagawa.
Lumapit siya sa'kin. "Hi, baby." He had pain in his eyes. Na hinaluan din ng lungkot. "I missed you."
Tiningnan niya ko ng matagal bago siya ngumiti ng kaunti. "I missed you. So bad. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin basta ayokong mawala sa tabi mo. Faithy, kahit dito lang ako. Please. I'll stay. As long as I'm with you." Umiiyak na siya. Kaya naiyak din ako.
Akala ko may sasabihin pa siya. Matagal akong naghintay. But all he did was hold my hand and watch me.
Like relishing something he thinks he finally has.
And I was about to rain on his victory parade. Pinunasan ko ang mga luha ko at hinawakan ko ang kamay niya. "No offense po, Kuya." Ginawa kong inosente ang boses ko. "Pero sino po kayo?"
Nakatingin lang siya sa'kin habang nagpo-process ang mga sinabi ko sa kaniya. His eyebrows knitted together. "Faith, hanggang ngayon pa rin ba-" Mukhang may sasabihin pa rin siya pero pinigilan niya ang sarili niya. Tapos, nagsalita siya ulit. "You know what? 'Wag muna ngayon. May PMS ako."
Tumayo siya galing sa upuan niya at hinalikan ako sa noo. Naglakad siya paalis pero bago 'yon, tumingin siya sakin. He looked at me and mouthed the three words I was dreading for him to say.
'I'll be back.'
Pinikit ko na lang ang mga mata ko. All I can do is hope that he leaves. Sa lahat ng pagpapasakit ng ulo na ginawa ko sa kaniya, sana sumuko na siya.
Sana.
I sat there for a while. And then I fell back asleep. Minsan magigising ako habang may nurse na tinitungnan kung buhay pa ko, minsan magiging akong nandito yung mga kaibigan ko, minsan sila Mama lang. But everything was the same routine. Gigising, hihinga, at madalas makakatulog na lang ulit.
It was my boring routine for about a month. Hanggang sa pinakawalan na ko sa hawla ko't hinatid ako ni Bianca pabalik sa bahay ko.
Nahiga na agad ako sa kama ko. Iniwan ko si Bianca sa baba and soon, I heard the front door close.
Na-miss ko na 'tong kama ko. Na-miss ko nang humihiga sa malambot kong kama.
Na-mimiss ko na siya.
Pero wala akong magagawa. He's somewhere God only knows, and I don't really know if he wants to be back with me.
Alam ko siya kapag may PMS. Kapag galit. I know that almost all he says are only empty threats when he's mad.
Hindi ko na napansing nakatulog na pala ako.
<<<•>>>
"Tingnan mo oh. Mukhang tae."
"Kayo yun."
"Kaamoy niyo yun."
"Ano meron?"
"Nag-aasaran silang tatlo."
Naririnig ko yung sari-sari nilang mga boses. Mga panira ng tulog.
Tiredly, I got out of bed and went to my bathroom. Naligo ako at nagpalit ng damit.
As expected, kitang kita ang marka kung saan hinati yung dibdib ko. It was still red and it still hurt.
Naririnig ko yung mga ingay nila sa ibabang floor pero hindi ko alam kung ilan sila. Bumaba na ko at sinundan ang mga boses papunta sa kusina.
"Anong ginagawa niyo?" Tinanong ko sila kahit halata naman kung anong pinaplano nila.
Kitang kita ko ang 'WELCOME BACK' na nakasulat sa parang banderitas na naka-tape sa mga shelf ko.
Tiningnan ako nila Michelle at Julie, dalawang mga artistic kong kaibigan.
"'Wag mo munang sirain 'tong surprise mo." Sinabi ni Michelle sa'kin.
Narinig kong tawagin ni Julie sina Bean at Babs, ang dalawa kong autistic na kaibigan.
Nakita ko si Babs na kumakain sa kabilang side ng counter. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Nakita ko yung chocolate sa gitna ng malalaki niyang ngipin. "Saglit lang. Lumalamon pa ko." Sinabi niya kahit puno pa yung bibig niya.
"Listen here, fucktard," Malayo pa lang, naririnig ko na yung boses niya. "This is my body. Alam ko kung kailan ko kailangan magpahinga." No doubt, nakikipag-usap siya sa asawa niya. "Look, Kendra's at school. Mag-enjoy ka muna d'yan." Medyo naririnig ko yung sinasabi ni Emman kahit hindi naka-loudspeaker ang cellphoe ni Bean. "Fine, you can go over here. Basta dun kayo sa labas. Fuck you."
I looked at Bean and she looked back at me. "Pinapunta mo ba talaga yung asawa mo sa bahay ko?"
"Yes."
"Sa bahay ko talaga?"
"Yes. Tanda mo kung anong nangyari nung buntis pa ko kay Kendra?"
"Yep." Blood. Everywhere.
I cringed at the thought. Baka nga mas magandang nandito si Emman.
Lumabas si Babs mula sa kusina. "Ilang minuto na lang masusugod na naman si Faith sa ospital." May dala-dala siyang pagkain na binigay sa'kin. "Si buntis kasi e. Namutla tuloy siya."
Dumila si Bean. Mas pinapanget ni Babs yung mukha niya.
"Ang panget niyo." Sinabi ko sa kanila.
Biglang ngumiti sa'kin sa Babs. Oh no. She unfolded her arms and walked towards me. "Okay lang yan, bebe ko. Alam ko namang love mo ko." Sinabi niya bago niya ko niyakap. Saka niya binulong sa'kin, "Pasalamat ka kakagaling mo lang sa surgery."
Saka siya umupo sa tabi ko sa pangtatluhang sofa. Sumunod si Bean na umupo sa gitna namin.
By now, medyo halata na yung baby bump niya. "Anong gender ni baby?" Tinanong bigla ni Babs habang hinihimas niya yung tiyan ni Bean.
Nagsalubong yung noo ko. "'Di mo ba alam?"
She shook her head sideways. "Traydor si Bean. Sa ibang OB nagpatingin."
Magsasalita na sana si Bean pero biglang bumukas ang pintuan. May usok na pumasok sa bahay saka siya nagpakita.
No way.
BINABASA MO ANG
Her Dying Wish
Romance[Taglish] "I love you, so please hate me." ~•~•~ What is love without sacrifice? What is life without feeling like dying? What is a happily-ever-after without going through a shit ton of trials? Siya si Namia Faith Cosico. Ang babaeng mabait pero mu...