11| Villalon's Bar

26 6 0
                                    


Faith's POV

NAKAHILATA lang ako sa kama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Do I say sorry?

Bakit sorry? Ayaw mo ba talaga na naging kayo?

Hahanapin ko ba siya tapos sasabihin na mali 'yung narinig niya?

Ba't ka niya paniniwalaan?

Anong gagawin ko?

Wala. 'Di ba kaya ka nagkunwaring makipag-halikan kay Poch kasi gusto mong lumayo si Mark? 'Eto na 'yung chance!

Pero masakit sa puso na isipin siyang may kasamang iba.

Masakit 'yung puso mo kasi kakagaling mo lang sa opera. Maglubay ka.

What if may rebound siya?

Rebound sex?

No, no. He's not that hurt by what I said... is he?

Well, three years ka niyang hinabol-habol and then two years na naging kayo so it's probably a yes.

Why do I care anyway? Hindi na kami 'di ba?

At this point, wala nang inner Faith na kumakausap sa'kin. Nagsawa na siguro sa kadramahan ko.

And I can't really blame her. Kahit ako maaasar sa sarili ko.

...at sarili ko 'yung kausap ko.

Nababaliw na ko.

My eyes couldn't keep up with my mind anymore. Napagod ako sa lahat ng nangyari ngayong araw.

After Mark left, sinundan siya ni Laz. And then, some of the TG to the rescue.

Tangalang Gang.

I remember those days. When it was only high school at tapos na 'yung marami sa mga drama namin.

And it was in ninth grade nung naging close kami ni Mark. I remember it.

Nung nahiwalay kami sa mga grupo namin nung field trip. And then nakita niya ko.

Sinundan niya ko nang sinundan. Nawawala daw siya. I never believed it. Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin niya ko tinantanan. Kahit nakita na namin 'yung mga grupo namin.

I found out a day after na 'yung gang pala ang may pakana ng lahat.

"Mukha kasing bagay kayo e." Natatandaan kong sinabi ni Babs dati. "Tsaka para rin daw tigilan niya na si AJ. Gustong-gusto kasi ni AJ si DJ e."

I thought about the past and slowly let sleep take control over me.

Mark's POV

Rinig na rinig ko 'yung ungol ng babae sa isang kama. She was a panting mess when the two of them finished.

Biglang tumayo ang lalaki at nasulyapan ng camera ang mukha nito.

Damn.

It was him.

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon