12 | The Drunk and the Jealous

34 4 0
                                    

"WE need to get outta here." Bakas sa mga mata ni Janna ang takot. "Now!"

Hinila niya ko pero hindi ako makagalaw. May tatlong CIA agents dito at siguro maraming mga kriminal.

Kakagaling lang ni Faith sa ospital. Hindi pa siya magaling.

Akala ko ba doktor si Babs? Anong pumasok sa utak no'n para dalhin si Faith dito?

Then again, may sapi rin 'yung taong 'yun minsan.

Humakbang na ako papunta sa kung nasaan sila pero napatigil ako bigla. There was an asshole slow-clapping in the back.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Tinotoo niyo talaga, 'no?"

Sa boses pa lang niya, alam ko na kung sino siya. Kaya pala inom nang inom si Janna. Kaya pala gusto na niya umuwi.

Hindi dahil sa mga baril. No, no. Ilang beses na kami tinutukan ng mga 'yan.

Natatakot siya dahil nandito 'yung lalaki sa video kanina.

This isn't good.

May pagka-selosa si Faith kapag sinasaltik. Baka mag-selos siya kay Janna. Baka isipin niyang kami na. Lalo na't nakalambitin siya ngayon sa braso ko habang nagmamaktol.

"Umalis na tayo, please."

"Mark? Ikaw ba 'yan?"

Kasabay ng paghila ni Janna sa'kin paalis ang pag-landing ng isang kamay sa balikat ko.

"Boi, akala ko hindi ka makakapunta!" Tuwang-tuwang sabi ni Tantan sa'kin.

Tapos napunta ang tingin niya kay Janna. Nakita ko ang pamumutla niya. And then, the world went to shit.

Bab's POV

[A few moments after Mark left.]

Never kong naintindihan kung bakit kinokomplika ng mga tao ang mga buhay nila. But then again, I've got my fair share of complicating a lot of shit.

Pero nandito ako ngayon. Sa bahay ni Faith. Hinaharap ang umiiyak na Faith. Which isn't really good for her heart to be honest pero alam ko namang wala akong magagawa.

"Anong gagawin mo ngayon? Magmumukmok ka lang dyan?" Tinanong ko sa kaniya. Hikbi pa rin siya ng hikbi.

"E ano-ng gagawi-in ko-o? Ga-alit na siya sa-akin." She laid on her bed, facing the ceiling. Halos wala nang mga luhang lumabas dahil kanina pa siya ganito.

This is so unlike herself.

Sure, katulad ng sarili niya, hindi niya hinabol si Mark. Hindi rin niya tinext or tinawagan. But Faith never cries. Ilang beses ko lang siyang nakitang umiyak.

Nung ayaw niyang sumali sa Ms. UN, umiyak siya para hindi mapilit ni Ma'am. Nung na-ospital si tita, naiyak siya. Nung nangaliwa si Rigel, naiyak siya.

And to be honest, yun lang ang mga natatandaan ko.

Tuloy pa rin ng pag-iyak so Faith hanggang sa makatulog siya. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Babs!"

Nagulat ako. "Ha? Bakit?" Tiningnan ko sina Bean, Mich, Julie, at Michelle.

Tumawa sila. Ayan na naman. Lutang na naman ako.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila kanina kaya nag-aya na lang akong manood ng movie.

Well, 'yun yung plano. Kaso nga lang may kupal na nag-text sa'kin.

[Message received from D-Bag.]

35th Ave., Gawa-gawa Street, Di Magaling si Babs sa mga Address.

(A/N: Kunyari na lang totoong address to. Saka ko na lang iibahin. lol)

Tiningnan ko yung mga kasama ko sa kwarto. "Work's calling. Me's gunna go byebye." Sinabi ko bago umalis.

Pagkalabas ko ng pintuan, naghihintay na kagad sina Poch at Rigel sa'kin doon.

"Kailangan ng magbabantay sa kanila dito." Sinabi ko saka namin tiningnan si Rigel.

He squinted his eyes at both of us. "Bakit ba sa tuwing kailangan niyo ng matinong tao, ako kaagad tinitingnan niyo?"

Natawa si Poch. "Kasi palaging lutang si Babs."

"Masyadong care-free si Poch. Kapag may nakapasok na magnanakaw dito, ituturo pa niya kung saan nakalagay yung pera." Inasar ko rin si Poch.

"Plus, you know that in this case, people will know who you are in an instant, babe." Sinabi ni Poch sa asawa niya saka siya hinalikan. "I love you, Rigel."

At this point, nasanay na ko sa kakornihan ng dalawa. Rigel only grunted in return.

After that, nakasakay na kami sa kotse ni Poch. "Naghihintay na sila Carla doon. May kasama siyang recruit."

Nasa likod ako ng kotse. Unlike Poch na kanina pa nakasuot ng pang-clubbing, nakapambahay lang ako kanina.

Kaya 'eto ako ngayon, naga-acrobatics sa likod ng kotse. Tina-try magsuot ng dress na halos wala kwenta at maglagay ng make-up.

"Anong pangalan ng bagong bata?" Tinanong ko.

"You'll know when you see her."

~•~•~

"What the hell, Bianca?"

She gave me a sly smile. "What? Walang sinabi si ate na bawal akong sumali sa inyo."

Napahawak ako sa ulo ko. "To be a recruit, kailangan mo munang makapasa sa intensive training which has a minimum of about two years, kahit ubod ka ng galing, kailangan matapos mo muna ang two years na 'yon." Sinabi ko sa kaniya.

"I know that, ate Babs. Sa tingin mo ba hindi ko dinanas 'yun?"

"Alam kong nanggaling ka na sa puntong 'yon. What I'm saying is, who the hell kept your training a secret from me?" Nawala ang lahat ng kulay sa mga mukha nila.

Mark's POV

[Continuation ng naputol na part kanina]

Kanina pa kami naka-upo dito. Ilang minuto pagkatapos kaming makita ni Tantan, bigla nang dumating 'yung iba pa naming mga kasama.

Almer, Garet, Shaun, Quiro, Johann, Keithvan, Emman, Bryan, Tantan. I guess all of us are here.

Ilang beses bawat buwan, nagkikita-kita kaming magkakaibigan. Para lang malaman kung buhay pa kami.

It can't really be helped. Isang araw mga loko-loko kaming mga grade eight, tapos ngayon, marami sa'min may mga asawa na. 'Yung isa nahiwalayan na nga ng asawa.

Tapos ngayon, nasabit kami sa... to be honest, hindi ko rin mapaliwanag kung anong meron dito e.

The people surrounding me and my future wife are CIA agents. Kung hindi man, mga kaibigan, kamag-anak, o asawa.

Kaya kailangan namin gawin 'to. Nakakatakot na ang mundo namin ngayon.

"Akala ko ba pupunta kayo sa bahay ni Faith?" Tinanong ni Tantan na alam kong kanina pa alam kung anong nangyaring kabaliwan sa bahay ni Faith kanina.

Tumawa si Bryan na kanina pa nangangamoy alak. "Si Mark lang naman talaga 'yung punto namin do'n e." Inikot-ikot niya ang daliri niya sa bibig ng baso.

"I know." Sabi ni Tantan. "Pero ang gusto kong malaman ay kung bakit nakita ko si Mark dito." Nanlilinsik ang mga mata niya sa direksyon kung nasaan ang isang Janna na sumasayaw-sayaw. "At kasama pa siya."

Natawa na lang ako. "Are you jealous, Mr. Hernandez?"

"Who wouldn't be jealous when you find another man with your drunk wife?"

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon