4| House Arrest

83 9 0
                                    

Mark's POV

"MAMA!" Tumakbo kami papunta kung nasaan siya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nangyayari.

Naka-upo si Mama sa kama ko habang nakalinya ang mga cellphone nilang apat sa harapan niya.

Nang lumapit kami, saka ko lang napansin na naglalaro pa rin pala siya ng UNO.

"Ma, hindi mo pwedeng gamiton yung mga account namin para maging milyonarya ka sa UNO." Napakamot si Kuya 1 ng ulo niya saka niya kinuha ang cellphone niya.

Ganoon rin ang ginawa ni Kuya 2. "Ma, bakit may tatlong daang coins akong nabawas?"

"Two hundred yung sa'kin." Sabi ni Kuya 1.

Tiningnan ni Papa yung cellphone niya saka niya tiningnan si Mama. "Vivi, ilang rounds ba nilaro mo?"

"Mga apat lang naman." Naka-ngiting sabi ni Mama.

Kumunot lalo ang noo ni Kuya 1. "E ba't umabot ng daan yung nabawas sa'min, Ma?"

Napatawa si Mama. "Syempre mababawasan kayo ng pera kapag natatalo kayo, tapos binibigyan ko rin ng regalo yung maganda kong sarili."

Wala na silang nasabi. Kaya napakamot na lang sila ng mga ulo, batok, at puwet nila. Kayo na manghula kung sino yung sino.

Umupo na lang ako sa isang beanbag. Tumayo na si Mama at mukhang aalis na siya ng kwarto ko.

May natandaan ako bigla.

"Sasabihin na ba natin kay Mama?" Tinanong ko sila Papa.

Nagtaka si Mama. "Ano meron?"

"Kayo magsabi sa Mama niyo." Nagtago si Papa sa likod ng dalawa kong kuya.

Hinawakan ni Kuya Lloyd ang balikat ni Kuya Mark. "Ikaw magsabi. Ikaw yung nakakita."

"Anong nakita?" Kunot-noong tanong ni Mama.

"Val, mas bata ka. Ikaw na lang magsabi." Biglang lumaki ang mga mata ko.

Napatayo ako. "Bata pa ko! Ayoko pang mamatay. Pa, ikaw na lang magsabi."

"Sinasabihan mo ba kong matanda?" Tinanong sa'kin ni Papa.

"Bong, anong pinaggagawa niyo ng mga anak mo?" Nagagalit na si Mama.

Ang bilis magbago ng mood nito. Kanina nagaalala pa siya. Ngayon gusto na niyang patayin si Papa.

"E," Naghahanap ng palusot si Papa. "E kasi..." May tumutulo nang pawis sa noo niya.

Biglang bumalik ang lakas ng loob ni Papa. May naisip na 'tong palusot. "Teka lang! Bakit kapag may nagawang mali yung mga bata anak ko lang sila pero kapag tama anak mo sila?"

Tumaas ang isang kilay ni Mama. Pano ba 'yon nagagawa? "Are you questioning my authority?"

Napakamot ng ulo si Papa. "Opo. Sige na po. Anak ko sila."

Paalis na sana sina Mama at Papa nang matandaan ng isa sa'min yung mga susi.

"Pa, yung mga susi." Humahagikgik si Kuya Mark.

Tiningnan siya ni Papa ng may 'papatayin-kita-mamaya-ikaw-bruhildang-bata-ka' sa mga mata niya.

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon