3| Scrapbook of Faith

105 10 4
                                    

Mark's POV

NAHULOG ang kahon. Nasira ang papel na nakabalot. Muntikan ko nang maupuan ang takip ng shoebox.

I prepared myself for the worst. Kung may tainga, may daliri, kahit picture ng bakulaw kakayanin ko! But I wasn't prepared for this. Not by a long shot.

Bakit ba kasi hindi ko pa napansin yun?

Kulay blue na shoebox. Kinulayan ng paint na pink sa loob. There was only one person who would be able to go in my room and successfully hide something here without my permission.

Pinulot ko ang libro at binuklat ang mga pahina nito.

Ang bumungad sa'kin ay ang pinaka-unang picture naming dalawa. Nanggaling sa isang kunwaring photo booth niya. Sa tabi nito, may sinulat siya.

April 04, 2030
Natatandaan mo pa ba to? Yung picture na sinabi ko sayo nawala ko? Naloko kita don no?

Ito yung unang picture natin na magjowa na talaga tayo. Sinurprise mo ko kasama sina Bean.

It was nice. Konti lang ang tao at wala akong ginastos. Thank you.

Ginagawa ko tong scrapbook na to kasi hindi ko alam kung ilang araw na lang itatagal ko.

Sa baba, mukhang pinag-piyestahan ng mga kaibigan ng Faith.

Sinong nag-isip ng pa-photo booth?

Si Mich [Psychotic Negro Clown]

Sinong nagpakahirap mag-edit?
Si BhaxBz [Shitty Weirdo]

Sinong panget yung nag-print?
Si Bean BeHbeHkhoWz [Sadistic Blurb]

May arrow pang nakatutok sa 'BeHbeHkhoWz' ni Bean. 'Mukhang bagong variety ng pH care' yung naka-sulat.

Nandon ang lahat ng mga araw na may halaga. Ang mga date namin, isang petal ng binigay ko sa kaniyang bulaklak, pati na rin yung unang beses na nag-propose ako sa kaniya.

Nabasa ng mga luha ang page na 'yon. Mga luha niya. Sinabi niya kung gaano siya nagulat doon na halos um-oo na siya. Pero natandaan niya yung kalagayan niya.

I read more and more hanggang sa napunta na ko sa gitna. Tiningnan ko ang orasan na may bago nang battery.

6:34

Makaka-bisita pa ko kay Faith.

Tumayo ako at kinuha ang letter ni Babs. Nilagay ko 'yon at ang scrapbook ni Faith sa kahon.

Nilagay ko 'to sa isang secret panel sa sahig ng aparador ko. Marami na pala 'tong laman.

Nandito ang scrapbook ko nung bata pa ko na ginawa ni Mama. Yung mga class picture ko simula bata pa ko pati yung noong nag-JS ako. Mga kung ano-anong ginawa kong souvenir noong bata ako.

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon