9| It's About Him

30 7 0
                                    

Faith's POV

HE had the same interesting eyes as his brother. Pero mas gusto ko pa rin yung sa Mark na una kong nakilala.

"Lazarus," Sinabi ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?"

He smiled again. "'Wag ka naman maging masyadong formal, love. You used to call me 'Laz'."

"Anong ginagawa mo dito?" Inulit ko.

"I'd like to talk to you." Umikot ang mga mata niya sa mga tao sa paligid. "Alone, if you may."

I heard one of them snicker before Bean went up and took a picture of him.

Hindi ko alam kung anong kalokohan naiisip nila. At wala rin akong lakas para mag-isip.

Nang magsasalita na si Laz, biglang humiyaw si Poch galing sa sala.

"You might wanna hurry the fuck up! Gutom na ko at paparating na daw sina Emman!"

Napa-iling na lang ako.

Sometimes I wonder why I surround myself so many weirdos.

Tiningnan ko sila sa sala. Minamasahe ni Rigel 'yung mga paa ni Bean. Kanina pa kasi siya umaangal na masakit daw paa niya. Nanonood 'yung limang natira ng T.V.

Nakikita ko 'yung sketchpad ni Babs. Nandon 'yung layout ng kung anong itsura ng kusina ko ngayon at halatang si Julie at Michelle ang nag-sulat do'n.

They may be weird, but they're caring. They always have been.

Narinig kong tumikhim si Laz sa may likod ko.

"Can we talk? Please?" His eyes pleaded and I couldn't say 'no'. Ganito rin 'yung nangyari. Ganito 'yung ginawa niya kaya naging kami ni Mark.

I remember almost everything. Nung araw na 'yun, it was moere than six months pagkatapos kong malamang nangaliwa pala si Rigel.

Nandito rin ako sa kusina nung araw na 'yon. It was almost midnight at kumukuha ako ng ice cream bago mag-binge watch sa Netflix.

Hindi na ko nasasaktan noon dahil sa nangyari sa'min ni Rigel. I was numb and, somehow, I knew that was worse.

Pero wala akong gana na ayusin ang buhay ko noon. I fell into a routine. Gigising ako, magtatrabaho, uuwi ng gabing-gabi na, tapos sasayangin 'yung oras ko hanggang sa hindi ko na malabanan ang antok.

Nakatitig lang ako sa ref ko non, nakatingin sa ice cream nung biglang may kumatok sa pintuan ko.

Naisip ko na baka yung isa lang sa tatlo 'yun. Kasi tuwing may oras sila, pupunta sila sa'kin dati para aksayahin 'yung kuryente at mga pagkain ko.

"Hi, Faith." Binati sa'kin ni Laz. He was thirty-one back then, waiting for four more months for his baby boy to be born.

Kaya nagtaka ako nang siya ang nadatnan ko. Normally, he would be in his home, cuddled up with his wife, Janie.

Pinapasok ko siya. He was the best shot I had at a friend who didn't try to comfort me about my recent breakup. Hindi sa ayaw ko sa ginagawa nila Mich, pero sa tuwing dadating sila dito, I'd remember Rigel, and then I'd start crying. Tapos susubukan nila akong patahanin at matatandaan ko na naman siya.

"It's about Mark." Sinabi sa'kin ni Laz nang maka-upo na siya sa isang sofa.

Mark...

Ang tagal ko nang hindi naiisip si Mark noon. Pagkarinig ko sa pangalan niya, natatandaan kong napahinto ako.

And then, hindi ko na alam. Nakalimutan ko na. I was getting drowsy dahil sa chamomile tea na pinilit sa'kin ni Babs na inumin, added with the stress from this day, and the fact na ilang araw na kong halos dalawang oras lang ang tulog.

But I remember what me and Laz talked about two years ago. Natatandaan ko pa 'yung pagaalala ko. Akala ko kung ano nang nangyari kay Mark.

I remember Laz's words. I remember him saying, "Please, Faith, just give him a chance. Alam ko 'yung kapatid ko, hindi ka niya sasaktan.

"My brother has loved you, Faith. Hindi mo alam kung ilang taon siyang dumakdak nang dumakdak tungkol sa'yo. And now that you're single again, puro Faith dito, Faith doon. May ilang beses pa siyang nalasing at puro 'Mrs. Faith Perez', puro baby names, putcha!

"Alam mo ba kung ilang beses niyang sinasabing 'Namia plus Mark is equal to Maia. Mark plus Faith is equal to love. Mark minus Faith is too painful.' Akala mo isang formula na makakatulong sa mundo!

"At nung akala ko wala na, biglang siyang sisigaw ng 'I love you!' Putek, Faith, alam mo ba kung paano tumahimik si Mark? Umiyak siya. He cried for you, Faith. Umiyak siya dahil nasaktan ka. Where the hell would you find someone like that?"

I remember Laz ranting. Malakas siyang huminga dahil halos walang tigil na 'yung sinasabi niya.

"Tapos ka na?" Tinanong ko sa kaniya noon.

"Hindi pa."

"Continue."

He stared me at straight in the eyes. "Look, Faith. Hindi kita pinipilit dito. I'm not saying that you won't get hurt, I'm not saying that he'll be your happily-ever-after, but give this a chance. Sawang-sawa na 'kong nakikita 'yung mukha ni Mark sa kalagitnaan ng gabi, tinatanong kung okay ka lang kasi masyado siyang torpe para ligawan ka.

"Faith, we both know Mark. Ilang beses na siyang nasasaktan so why would he hurt you? He's been in love with you for years now." Hininto niya doon ang sinabi niya.

Everything seems foggy after that, pero natatandaan kong binigyan ako ni Laz ng ilang araw para pagisipan 'yun. And in the end, I said yes.

"Faith." Pumipitik-pitik ang Laz na nasa harapan ko ngayon. Mukhang kanina pa niya sinusubukang kunin ang atensyon ko. "Kanina ka pa nakatitig sa cake."

"Ha?"

"Hotdog."

A corner of my lips twitched slightly. "Ano nga?"

"Kanina ka pa nakatayo diyan habang nakatingin sa cake. Gutom ka na ba? Tsaka akala ko ba bawal sa'yong mapagod? Bakit may party?" Dumukot siya ng isang cookie sa dula kaya naging garble 'yung last sentence niya.

Umupo na ko sa kabilang side ng table na inuupuan ni Laz. "Mabilis lang 'yung mga party nila. Kakain sila, magtatawanan, magpapahiyaan, and then aantukin. Their parties simply mean that food and memories are the main entertainments."

He nodded in agreement. "Pero bakit bigla kang lutang kanina? You rarely ever do that."

"Wala 'yun." Pabiro kong sinabi. "Natandaan ko lang 'yung dahilan kung bakit naging kami ni Mark."

Ngumiti si Lazarus. "Well in that case," He was still smiling but I knew he wasn't joking anymore. "It's about him."

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon