Mark's POVANO bang iniisip ko kanina?
Tiningnan ko ulit ang message sa cellphone ko.
'Boss, nasan na yung mga ginawa mo?'
Masyado na kong lutang. I texted my assistant again. Sinabi ko sa kaniyang matulog na siya. Ako na bahala sa katangahan ko.
I sighed. Kailangan ko nang ayusin 'tong buhay ko.
Nagkamot ako ng ulo at pumunta sa kwarto nila Emman. Magkaka-balakubak na yata ako.
Pagkabukas ko ng pintuan, isang nakakatakot na pangyayari ang nakita ko.
Si Bean.
Nakaupo.
Sa taas.
Ni Emman.
At.
NAGHAHALIKAN SILA!
"Putek na!" Napa-sigaw ako.
Biglang natigil ang ginagawa nila at umalis si Bean sa pagkakakandong sa asawa niya.
Nag-face-palm si Emman. "Ilang beses kang kumatok?" Tinanong sa'kin.
"Zero. Akin na yung susi ng kotse mo.
Nagsalubong ang mga kilay niya at, sa hindi malamang dahilan, hinagis niya sa'kin ang susi.
"Close the damn door and wait for me outside." Sinabi niya at saka niyakap ulit si Bean.
Bilang masunuring bata, sinarado ko ang pinto at sumandal sa isang pader.
1...
2...
3...
BAKIT?!
Nag-walling ako.
Kailan ba kami magiging ganon ni Faith? Kailan ba kami magkaka-anak? Kailan ba kami ikakasal? Kailan?!
Malapit nang magdikit ang puwet ko sa sahig nang maisipan kong pakinggan ang mga pinagsasabi ni Emman.
"Go to sleep, princess. Para kay baby." Narinig ko yung sound ng pag-halik. "Babalik ako." Halik. "As," Halik. "Soon," Halik. "As," Halik. "Possible." Halik.
Nangiinggit ba 'to?
Pinili ko na lang na magmukhang timang sa gilid ng pintuan ng mag-asawa.
Hanggang sa lumabas si Emman. "San ka ba pupunta?" Tinanong niya sa'kin habang palabas kami ng bahay nila.
"Bahay ko. Kailangan kong ayusin yung negosyo ko."
Tinaasan niya ko ng kilay. "Sure kang hindi ka pupunta kay Faith?"
"Bulol. May mga tao pa ring naka-depende sa'kin. Now take me home, servant!"
He shook his head. "Anything to get you out of my damn hair."
"Relax. Narinig kong tumataas ang libido ng mga babae kapag buntis. You'll get laid soon."
Natawa na lang siya. "'Di ako tigang na tulad mo."
I just glared at him.
Naging tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay ko. "Hoy," Narinig kong galing kay Emman. "Bibisitahin mo pa ba siya?"
BINABASA MO ANG
Her Dying Wish
Romance[Taglish] "I love you, so please hate me." ~•~•~ What is love without sacrifice? What is life without feeling like dying? What is a happily-ever-after without going through a shit ton of trials? Siya si Namia Faith Cosico. Ang babaeng mabait pero mu...