10| Shouldn't Have

39 4 0
                                    

Faith's POV

"ANONG nangyari?" Tinanong ko si Laz.

Panic filled my voice. The last time na nag-usap kami ng seryoso tungkol kay Mark, it was when he got into an accident.

'Yun 'yung araw na nag-propose siya. And it was four days after I found out that I was... dying. I said no. Natatandaan ko pang tiningnan niya ko, tumango, and then umalis siya.

An hour later, tinawagan ako ng ospital. Nabangga daw si Mark sa malaking puno, malapit sa kung saan siya pumupunta sa tuwing malungkot siya.

I remember calling Laz and rushing into the ICU. He asked me what happened. Alam niyang nag-propose sa'kin si Mark dahil kasama niya 'yung pamilya niyang tanungin sila Mama at Papa kung papayag silang magpakasal ako.

I was in Japan back then, nakikipag-usap sa isang partner ng kumpaniya namin.

Hindi ko sinabi kay Laz na may sakit ako sa puso. I just said that I was shocked at hindi pa 'ko handang mag-asawa.

He took the excuse pero alam kong hindi niya ko pinaniwalaan. It may not look like it, pero mas napapansin ni Laz ang mga nangyayari kaysa kay Lloyd.

"Walang nangyaring masama sa kaniya. But it's just..." Napakamot si Laz ng batok niya. "Why?"

"Pa'nong 'why'?"

"Bakit... bakit kayo nag-break? Bakit ka nakipag-hiwalay kay Mark? Was he treating you wrong? Anong... bakit?"

Napabuga ako ng hininga ko. Akala ko ba naman kung ano nang nangyari. "Laz, I'm a twenty-eight year-old computer engineer with congenital heart disease." Sinimula kong sabihin sa kaniya. "Nung nakahiga ako sa kama sa ospital, sigurado na 'kong mamamatay na 'ko. I was fucking scared.

"Kaya kinunstaba ko sina Bean para tulungan ako. Si Babs 'yung nag-isip na kunyaring mangaliwa ako. It was a shitty idea but I was desperate. In a span of two years, Mark never intentionally hurt me. Ako 'yung nagsisimula ng mga away, ako 'yung tumanggi sa proposal niya. Ang sinabi mo hindi niya 'ko sasaktan and it was true. Pero nakalimutan mong isama 'yung detail na masasaktan ko siya ng paulit-ulit."

Umiyak na 'ko. It was everything I kept holding in. "Shh... okay lang 'yan. Kaya mo 'yan." Pinapatahan ako ni Laz.

"Anong ginawa mo sa kaniya?!" Biglang pumasok si Babs sa kusina.

Kahit kailan laging paepal 'tong bata na 'to.

Kumunot ang noo ni Laz. "'Wag ka ngang O.A. 24/7 ka bang ganiyan?"

"'To naman." Umupo 'yung babae sa gilid ko. "Nakiki-chika lang naman ako."

"Ang chismosa mo."

"Ang tanda mo."

"Ang laki ng eyebags mo."

"Ang laki ng ego mo."

I've had enough of this. "Ang daldal niyong dalawa!" Sinabi ko.

Napatigil silang dalawa. They looked at me curiously. "Babs, pwede bang umalis ka na muna. Importante lang 'tong usapan namin."

"'Kay." Tumayo si Babs at umalis. "Magte-trespass lang ako sa kuwarto mo. Bye-bye." Saka siya tumakbo papunta sa second floor ng bahay.

"We can talk when you're feeling better." Hinawakan ni Laz ang isa kong balikat bago siya tumayo.

I could hear his footsteps as he went, pero bago pa siya tuluyang maka-alis ng kusina, nagsalita na 'ko. "This wasn't supposed to happen."

Her Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon