chapter 5

575 8 0
                                    

Jovanni. . . .

Dahan-dahan akong pumapasok ng pinto ng biglang bumukas ang ilaw na ikinatigil ko!








"bakit ngayon ka lang? Bakit hindi ka sumipot sa dinner?" bungad sakin ni daddy na noon ay madilim na madilim ang anyo!










"sorry dad but its already late, lets just talk about it tomorro--










"tomorrow? Kung kaylan wala kana naman pag gising ko? At dadating ka lang kapag tulog na ako?" si daddy! "hanggang kaylan mo ba ako titikisin huh jovann? Hindi pa ba sapat na hindi ka sumama sakin sa Canada para hanggang ngayon ay pahirapan mo ako ng ganto?" dagdag pa ni daddy na punong-puno ng hinanakit!










Para namang naantig ang puso ko lalo pa at nakikita kong naluluha siya dahil sa sama ng loob!











"kung ang issue mo padin ay tungkol sa amin ng mommy pwes sasabihin ko na ang totoo" wika pa nito na ikinALingon ko! Nakatalikod kasi ako sa kanya at nakaharap sa hagdan! "your mom cheated me, sumama siya sa dati niyang boyfriend at ako ang pinalabas niyang nanloko saming dalawa para makuha ang atensyon mo pero maniwala ka man o sa hindi anak, walang akong pag kukulang kundi ang naniwala ako sa mommy mo" dagdag pa niya na ikinagulat ko!










All this time mali ang pinaniniwalaan ko! All this time nilamon ako ng galit sa pinaniniwalaan kong tama! Pero maging ako ay naloko ni mommy at si daddy na totoong nag mamalasakit sa akin ang siyang kinamuhian ko ng husto!











Gusto kong sumigaw at lumuhod sa harap ni daddy ngayon para humingi ng tawad!










"kung hindi pa sapat sayo ang mga sinabi ko, pwede mong e-confirm mismo yan sa mommy mo" wika muli ni daddy! "mag pahinga kana, sana bukas ay makasabay kitang mag breakfast" dagdag nito sabay talikod at balik sa kwarto nito!











Para namang ibig kong mabuwal sa mga nalaman ko!










At isa lang ang natitiyak kong gagawin bukas na bukas din! Yun ay kausapin at alamin ang totoo kay mommy!












Matapos kong malaman ang lahat kay daddy ay hindi na ako pinatulog nito! Kaya naman nag online muna ako at agad hinanap ang account ni rhyka na nakilala ko kanina sa seaside!










Napag-alaman kong nag babanda din siya noon at vocalist ang pwesto niya sa grupo kaya naman inalok ko siya na sumama sakin sa tambayan para ipakilala ko siya sa banda at tanungin nadin kung payag silang isali ito sa grupo!











Agad akong nag post sa shout out ko!










#feelingbetrayed









At ilang sandali pa ay madami ng nag comment dito partikular na ang mga kabanda ko na punong-puno ng kalokohan!












Ilang sandali pang pag kukulitan sa group chat ay agad na akong nag logout ngunit napukaw ng atensyon ko ang account na nag flash sa account ko dahilan para mag patuloy pa ako!











Steffie Boromeo. . .










Pangalan na pamilyar sakin at hinding hindi ko makakalimutan!










Ang babaing nang-iwan at sumuko! Ang babaing dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko na nakuhang mag ka girlfriend pa!











Ang babaing gumugulo padin sakin hanggang sa panaginip!










At sa huli..walang pag alinlangan ko itong inadd bilang friend!

"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon