chapter 19

372 5 0
                                    

Steffanie. . .


Matapos naming kumain ay pumaimbabaw agad ang malamyos na tugtugin!











Agad tumayo si tito G para ayain si mommy at ganoon din ang ilang bisita na partners doon!












Hanggang sa biglang tumayo ng halos sabay si Jessi ar jovanni na noon ay nag tititigan pa habang ako ay nakatingala lang pareho sa kanila!














Nasa pagitan nila ako at ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa hanggang sa halos sabay din nilang ilahad ang pareho nilang kamay para ayain akong sumayaw!














Nag palit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa!













At sa huli ay pikit mata kong inabot ang kamay ni...














JESS!!













Kitang-kita ko ang gulat at saya sa mukha ni jess habang hindi naman maipinta ang mukha ni jovanni na noon ay seryosong nakatingin sa akin! Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at sumama na kay jess!














"salamat Steffanie at ako ang pinili mo" si jess habang nasa gitna kami at bahagyang sumasayaw!














Ngunit ang atensyon ko ay nakatuon sa papaalis ng si jovanni! Nakaramdam ako ng lungkot at pang hihinayang na para bang gusto kong tumakbo para siya ay habulin ngunit mas lamang ang pakiramdam na tama lang na si jess ang pinili ko dahil yun ang dapat.













"are you okay steff?" untag sakin ni jess sabay tingin sa gawi na tinitingnan ko! "mukhang nag walkout ang kuya mo!" dagdag pa niya.













"dont mind him, masyado lang siyang moody" tugon ko.













"over protective yun ang tamang term sa kanya pero hanga ako sa ugali niya! I mean, kahit half siblings to be palang kayo ay ganoon na siyang umakto I wonder kung totoong mag kapatid pa kayo baka daig pa niya ang sundalo sa pag babantay sayo" nag bibiro pang wika ni jess!














Kung alam niya lang ang totoong mayroon sa amin ni jovanni baka hindi na siya kumibo ngayon!














"anyway, next week ay start na ng klase natin! Okay lang ba kung mag sabay nalang tayo? Same school naman kasi tayo" tanong pa nito.














"okay lang, walang problema" tugon ko na ikinangiti niya ng sobra!














Nag usap pa kami ni jess at pag katapos ay nag aya na akong maupo dahil hindi na ako mapakali kakaisip kung nasan si jovanni! Inabutan namin si tito at mommy at nandoon din ang mommy ni jess na napaka lapad ang ngiting sinalubong sa amin!













"we're talking about you guys!" si mommy na ikina kunot ng noo ko. "nakakatuwa lang nA may close friends kana anak dito at si jess pa!" dagdag pa nito.













"medyo maloko lang ang isang yan iha pero in jolly way" mommy ni jess.













"mom! Wag mo naman akong ilaglag!" si jess na ikinatawa nila habang ako ay nakikiayon lang dahil wala doon ang isip ko!














"ahmm excuse me, pupunta lang po ako sa Cr" paalam ko!













"samahan mo na siya jess--













"no its okay! I mean kaya ko na po" singit ko kaya naman tinuro nalang nila ang daan na agad ko namang pinuntahan ngunit sumiksik ako sa ilang tao doon para tahakin ang daan palabas upang hanapin si jovanni sa labas!














Pag labas ko sa gate ay napabuntong hininga ako ng makita na wala siya sa labas kaya naman lumakad na ako papasok muli!













"hinahanap mo ba ako?" tinig na nag mumula sa dilim!














Agad akong lumingon doon para makita si jovanni na nakasandal sa isa sa mga kotse doon habang humihitit ng sigarilyo!

"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon