chapter 28

340 4 0
                                    

Jovanni. . .

Gusto kong bawiin at mag sorry sa katabi ko dahil sa katabilan ng bibig ko pero huli na dahil nasa byahe na kami kasama sila daddy at tita! Ayokong mag duda pa sila na hindi kami okay ni steffanie!








Ang totoo naman kasi ay nasasaktan ako at nag seselos at totoong madami akong issues sa kanila ni jess dahil nga nasasaktan ako sa tuwing nakikita silang mag kasama!






hanggang sa maramdaman ko nalang na pumatong ang ulo niya sa balikat ko!







Nakatulog siya!!






"mukhang napuyat ang baby girl ko dahil excited masyado sa outing ngayon!" wika ni tita na noon ay nakatingin nasa gawi namin ni steffanie! "pasensya kana jovann at ginawa ka pang dantayan ng anak ko" dagdag pa nito.







"its okay tita! Hindi naman po siya mabigat!" tugon ko naman.







Kahit ang totoo ay nagugustuhan ko ang ayos naming ganto kasi pag gising niya mamaya ay babalik naman kami sa pagiging cold sa isat'isa!











Hanggang sa nakatulog nadin ako na nakapatong ang ulo ko sa ulo niya...










"hey kids wake up! We're here!" untag samin ni tita.









Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ganoon din ang katabi ko!










"mukhang napasarap ata kayo ng tulog?" si daddy habang nag bababa na ito ng mga gamit!












Mag katinginan naman kami ni steffanie na noon ay namumula na ang mga pisngi! Napangiti naman ako ng palihim!













Agad siyang bumaba sa sasakyan at sumunod naman ako dala ang ilan pang mga gamit!














Maganda ang resort na aming pinuntahan! Nakaka-relax at kaunti pa lamang ang mga tao doon marahil ay dahil napaaga kami ng dating!












Napansin ko naman na hirap si steffanie sa luggage niyang dala kaya agad kong kinuha ito.












''kaya ko n--











"kahit nakangiwi kana sa bigat?" singit ko.












"fine! Dalhin mo lahat yan!" sabay sabit sakin ng backpack niya ay sling bag plus the luggage!













"whoah! Ang bigat ah!" sigaw ko sa papalayong si steffanie! Kita ko naman na napangiti siya atleast..

"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon