Jovanni. . .
Matapos naming mag usap ni mommy ay agad akong dumiretso umuwi para sa dinner mamaya sa bahay kung saan makikilala ko na ang girlfriend ni daddy na si tita Marie!
"Im home!" sigaw ko ng makita si granny na abala sa kusina!
"mag ready kana iho! Sinundo na ng daddy mo ang mga bisita" bilin pa nito!
Agad naman akong sumunod at nag shower muna!
Naulinigan ko ang pag dating ng kotse ni daddy senyales na nandito na sila kaya naman agad akong nag ayos ng sarili at bumaba para magulat sa aking nakita!
Bakit nandito siya?
Gulat ako ng mag tama ang mga mata naming dalawa lalo pa ng ipakilala ni daddy si tita Marie sa akin at si stefannie bilang anak nito!
Hindi ko maikubli ang gulat sa aking sistema at umaktong hindi ko kilala ang babaing nasa harap ko!
Ang babaing pilit kong binaon sa limot!
Hanggang sa ianunsyo ni dad na mag aaral kami sa iisang university! May parteng natuwa ako pero mas lamang ang pag aalala!
Pag-aalala na baka maulit na naman ang nakaraan kung saan muli kaming mag kakalapit sa isat'isa!
Pero pinilig ko ang aking ulo sa naisip ko lalo pa at sinabi ni daddy na she's my soon to be my half sister!
"pu-pupunta lang po ako sa Cr" paalam ni Steffanie!
"okay iha! Jovann samahan mo na siya!" utos ni daddy na ikinagulat naman ni steffanie habang ako ay walang magawa kundi samahan ito!
Hindi naman kalayuan ang Cr pero sapat na ito para mag kailangan kaming dalawa!
Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa ngunit hindi ako nakapag pigil!
"long time no see" wika ko na bahagya niyang ikinagulat! "what a coincidence! Of all people ay ikaw pa talaga ang anak ni tita Marie! Dont get me wrong pero alam kong ikaw ay hindi din makapaniwala sa nangyayar--
"please jovanni, dont ever told to them our connection! Ayokong maging sanhi yun ng pag dadalawang is--
"of course steffanie! I know the situation! Hindi mo na ako kaylangang paalalahanan pa! Lets just act as if we dont knew each other" singit ko na ikinatahimik niya!
i didnt mean those words pero kusang lumabas sa bibig ko! Dahil siguro bitter padin ako hanggang ngayon??Hindi sa kabadingan pero bitter parin talaga ako!
BINABASA MO ANG
"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"
Teen FictionHow cruel the world is! Kung sino pang kinakalimutan mo at binabaon mo sa limot ay siyang ilalapit sayo muli para sa panibagong kabanata ng buhay niyo! Kung sino pang nilisan mo noon ay siyang dadatnan mo din sa pag babalik mo ngayon! At ang magulo...