Steffanie. . .
"san ba tayo pupunta my dear? Kaylangan ba talaga naka blind fold pa ako?" si mommy na noon ay nakapiring!
Ngayon na namin gagawin ang plano namin ni jovanni at nandito kami ngayon sa tabi ng seaside kung saan madalas kaming mag kita noon at kumain ni jovanni! Atleast dito tahimik at romantic.
"dont worry mom I got your back" assurance ko sa kanya habang papalapit na kami sa setup naming dinner by the beach!
Nandoon nadin si tito G at tulad ni mommy ay nakapiring din ito at relax lang na nakaupo sa nakahandang mesa doon.
Nag senyasan naman kami ni jovanni ng maiupo ko na si mommy sa katapat na upuan ni tito G.
Nakatayo kami sa likuran nila.
"my dear whats happening? Nasaan naba tayo? Bakit ang lamig?" si mommy.
Agad naman kaming umalis na ni jovanni bago pa nila matanggal ang mga blindfold nila at di kalayuan sa aming pinag tataguan ay kitang kita namin ang pag kagulat sa mukha nilang dalawa!
"mukhang effective ang plano natin" wika ko habang nakatanaw kila mommy at tito.
"worth it ang sakripisyo natin" tugon naman ni jovanni na ikinalingon ko sa gawi niya!
"masaya ako na makita silang masaya at bahagi ka ng kasiyahan nila" nakangiti kong wika.
Napabuntong hininga nalang siya at sa huli ay napangiti.
"lumabas na kayo diyan! Bati na kami!" si mommy kaya naman dahan dahan kaming tumayo sa aming pinag tataguan at nakita namin na mag kaakbay na silang dalawa ni tito Gordon.
"salamat sa pag gawa niyo ng paraan" si tito G.
"actually tito, we did that setup para naman po makabawi sa kasalanan namin" sabay tingin ko kay jovanni. "we dont want to see both of you miserable ng dahil samin kaya masaya kami na makita namin kayo na okay na muli" dagdag ko pa.
Lumapit si mommy sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"I know how hard it is for you but Im so thankful na nag karoon ako ng anak na katulad mo na kayang mag sacrifice para sa ikaliligaya ko!" emosyonal na wika ni mommy.
"and to you jovann, Im so sorry sa lahat ng nasabi ko sayo. Im just really mad and shocked that time kaya nasabi ko yun. Hindi kita binigyan ng chance to explain. Im so sorry" baling naman ni mommy kay jovanni."its okay tita, ang mahalaga nakabawi kami ni steffanie sa inyo ni daddy. Im so sorry kung nag sinungaling kami at nagawa namin yun." si jovanni.
"we both knew why you did that kids" singit naman ni tito Gordon na noon ay nakapatong ang kamay sa balikat ni jovanni. "nag mahal lang kayo and ganon din kami kaya sino ba naman kami para hindi maintindihan yun? Pero napag usapan namin ng tita Marie mo na hayaan kayo sa isang kundisyon" pambibitin pa ni tito.
"in one condition, mag aral at mag tapos muna kayo then work. Siguro naman kaya niyong mag hintay until your both ready to face the reality of having a serious relationship." si mommy.
"of course we can!" si jovanni na noon ay hindi maikubli ang saya.
"kaya ko pong hintayin si steffanie hanggang sa maging maayos na kami in both careers" dagdag pa nito sabay baling sakin."I can wait also, we promised na mag tatapos kami sa pag aaral at mag iipon for our future" tugon ko naman.
Niyakap akong muli ni mommy.
"your no longer a kid anymore" wika nito sa emosyonal na tono.
"mabuti pa lets have a dinner to celebrate" si tito G na noon ay nakaakbay na kay jovanni.
Kaya ang ending..
Sabay-sabay naming kinain ang pag kaing pinahanda namin sa dinner setup para kay mommy at tito.
Atleast okay na ang lahat maging kami ni jovanni kaya naman wala ng sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon!
BINABASA MO ANG
"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"
Teen FictionHow cruel the world is! Kung sino pang kinakalimutan mo at binabaon mo sa limot ay siyang ilalapit sayo muli para sa panibagong kabanata ng buhay niyo! Kung sino pang nilisan mo noon ay siyang dadatnan mo din sa pag babalik mo ngayon! At ang magulo...