Natagpuan si Rina ng isang local na naninirahan sa Saranggani. Wala siyang saplot at walang malay sa buhanginan. Walang ibang dala ang local kundi ang isang lambat na may pinong butas. Agad niya itong tinakpan si Rina at binuhat patungo sa kanyang maliit na kubo. Nang mailapag na niya ito, saka naman nagising si Rina. Nagulat ito dahil sa taong kanyang nakita. Mukha namang mabait ang tumulong sa kanya dahil ngumiti pa ito, kaya't napangiti rin si Rina.
"Hello, anong pangalan mo?" malumanay nitong tanong ngunit hindi nagsalita si Rina, bagkus ay nakatitig lang ito sa kausap. "May pangalan ka ba?" hindi pa rin ito sumagot hanggang sa hawakan nito ang kanyang tyan. "Nagugutom ka ba? Teka, dyan ka lang ha," tumayo ito at lumapit sa isang plastic na nakasabit. Kinuha niya ito at bumalik kay Rina. "Ito, kainin mo. Pasensiya ka na ha, ito lang ang meron ako," kinuha niya ang kamay ni Rina at ipinatong nito ang isang tinapay.
Hindi pa nakakita si Rina ng ganong klaseng pagkain. Inamoy niya ito, nabanguhan sa tila masarap na amoy saka kumagat. Malambot at may tamis. Nagustuhan niya ang kinain hanggang sa maubos niya.
"Siguro naman magsasalita ka na kasi busog ka na. Anong pangalan mo?"
"A...ko si... Rina,"
"Rina, ang ganda naman ng pangalan mo. Sing ganda mo. Ang pangalan ko naman ay Bruno, pero Barbie ang tawag nila sa akin dito. Alam mo, pareho tayong maganda. At pareho tayong sirena,"
"Sirena?"
"Sirena, kalahating tao, kalahating malansa. Pero ikaw, totoong kalahating isda," sa narinig na ito ni Rina, kinabahan siya, Natakot na may nakakita pala sa kanyang pagbabagong anyo. Napaatras siya palayo kay Barbie. "Wag kang matakot, hinding-hindi ko ipagsasabi kung ano ka. Promise. Sikreto nating dalawa lang. Alam ko naman na malamang pagkakaguluhan ka ng mga tao pag nalaman nila. Baka ilagay ka pa sa akwaryum at pagkakitaan,"
"Ano ang akwaryum?"
"Ano, ung malaking lalagyan na gawa sa salamin na puno ng tubig. Dun nilalagay ang iba't ibang klaseng isa na pinapanood ng mga tao. Ang ganda naman ng suot mong kwintas. May ganyan ba sa ilalim ng dagat?" itinuro nito ang suot na palamuti na ikinabit niya sa perlas na kuwintas.
"Bigay ito ng kapatid ko pero wala na siya. Namatay na siya," malungkot nitong tugon.
"Ay, sorry ha. Hindi ko sinasadya,"
Sa paghingi nito ng tawad, naramdaman ni Rina na mabuti ang kalooban ng taong kilala niya. Tama ang kanyang kapatid na hindi lahat ng tao ay masasama. Mali ang sinabi ni Miroy na masasama ang mga tao dahil sila ang pumatay sa kanyang kapatid at magulang.
Humangin ng malakas at pumasok ito sa bukas ng bintana ng kubo. Napayakap sa sarili si Rina dahil gininaw ito. Agad namang kumuha si Barbie ng maisusuot nito. Dahil wala naman siyang ibang maiaalok na iabng maisusuot nito, ibinigay niya ang sariling damit sa kanyang kahon.
"Pagpasensiyahan mo na ang damit ko. Medyo malaki ng konti pero kasya naman sa'yo. Di bale, pagkumita ako ng medyo malaki, ibibili kita ng damit,"
"Kumita? Paano yun?" inosente nitong tanong.
"Para kumita, kailangang magtrabaho,"
"Anong trabaho?"
"Kahit ano. Pwedeng maging tindera o magsasaka... Mangingisda,"
Nang marinig ni Rina ang salitang mangingisda, sumimangot ito at napaatras kay Barbie. Baka isa itong mangingisda.
"Bakit?"
"Mangingisda ka ba?"
"Gustuhin ko man kasi mas malaki ang kita sa pangingisda. Kaya lang mahirap maging mangingisda ang isang tulad ko,"
BINABASA MO ANG
Heart of the Ocean
FanfictionDalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Puno ng galit, hinagpis.... Paghihiganti.... Paano magtatagpo ang mga pusong ang pinagmulan ng galit ay ang mundo ng isa'...