Manila Ocean Park, located behind Quirino Grandstand at Rizal Park, closes at 8pm. The park houses 14,000 sea creatures from 277 species all over Southeast Asia. And not for long, an additional sea creature will added due to an unfortunate fate.
Its almost 6pm. Babyahe pa. At kahit pa malapit ang condong tinutuluyan, haharapin nila ang traffic papuntang Ocean Park. All four of them riding Max's car at tila itong nakikipagkarera sa iba pang mga sasakyan. She drive like how she drive her dirt bike.
"Babe, dahan-dahan naman sa pagmamaneho!," saway ng kasitahan nitong si Soraya, or Sheena sa kanyang anyong tao.
"I'm sorry babe pero nagmamadali tayo. There are some areas na traffic na," sagot naman nito. "Just hold on tight,"
Past 30mins on the road nang matraffic sila pagdating ng Airport road. Usad pagong dahil sa isang aksidente involving a bus hitting a red Mitsubishi Xpander. At tila lahat ng private cars ay liliko pakanan ng Roxas Blvd.
"The fuck! Lahat yata ng tao papuntang Ocean Park!" bulalas ng beking si Barbie.
"We still have less than an hour. Makakaya natin ito," sagot naman ni Max na tutok na tutok ang mga mata sa kalsada, her palm busy honking her horn.
"How can we go in? Wala tayong tickets. And for sure, sold out ang event," pangamba naman ni Glaiza na ikinatahimik ng kanyang kaibigan.
"We'll find a way," Max answer almost hushly.
Pagkaliko ng Roxas Blvd., may kabilisan na ang kanilang pag-andar kung hindi lang napapahinto sa bawat traffic lights.
40mins. left nang marating nila ang South Road. Max has to find a spot to park her car.
"I need to find a spot. Mauna na kayo sa Ocean Park. Wait for me sa ticketing," she instructed na siyang sinunod ng kanyang mga kasama. Humalik muna ang kasintahan nito bago lumabas ng sasakyan.
The three rushed trying hard to pass every group of people na katulad nila ang tinatahak. May mangilan-ngilan silang nakikita na kinukuha ang tickets sa kanilang mga bags.
"I wish for somebody willing to sell their tickets to us," imposible man pero ito ang hiling ni Glaiza sa kanyang isipan.
"Oh my god madam, sorry. Pasensya na po hindi ko sinasadya," that voice made Glaiza stop suddenly and turn around seeing Barbie helping a young woman probably in her early 20s.
"Whats going on?" tanong ni Glaiza nang ito ay lumapit.
"Nabangga ni Barbie yung babae," sagot naman ni Sheena na isa-isang pinulot ang laman ng bag ng babae.
"Sorry po talaga madam. Hindi ko sinasadya,"
"Pasensya ka na rin. Bigla rin kasi akong umikot. I am looking for my friends. Mukhang inindyan na nila ako. Magmumukha naman akong tanga kung ako lang magisa pupunta sa mermaid show na yan. Sayang, gustong gusto ko pa naman makita yung mermaid. They said its legit. At sayang din ang tickets na to kung di rin magagamit,"
Heaven open its doors sa narinig ni Glaiza. She was wishing for it and it looks like its being fulfilled by the Heavenly Host.
"We'll buy it off your hands in full price," sabay-sabay na tumingin ang apat sa boses na bigla nilang narinig. Max came na humihingal pa. "Sumama ka na rin sa grupo namin para di ka magmukhang tanga like you said,"
The girl smiled. Mukhang magkakapera pa siya dahil ang totoo, ibinigay lang sa kanya ang tickets na yan ng kanyang ama na nagtatrabaho bilang tanker ng mga isda sa loob ng Ocean Park. Sa kanyang ama rin naggaling ang balitang totoo ang sirenang mapapanood ng marami sa gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Heart of the Ocean
FanfictionDalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Puno ng galit, hinagpis.... Paghihiganti.... Paano magtatagpo ang mga pusong ang pinagmulan ng galit ay ang mundo ng isa'...