"Kumain na muna tayo," pagputol ni Max sa tahimik na kuneksyon ng magkasintahan.
Ang mga mata ni Glaiza na ngayo'y nakatutok sa dibdib ng dalaga kung saan nakabitin sa leeg nito ang pendant na pagong na katulad ng pendant na iniregalo niya kay Sarah Kaye. Sa tuwing nakikita niya ito, hindi niya maiwasan maalala ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.
Preso pa rin siya ng kanyang nakaraan. Despite of being inlove and in a relationship with a different person, her heart is still caged in the memory of her. Of Sarah Kaye.
Sheena tapped Rhian's shoulder na that brought her mind back in the reality. Her mind searching for the lie she should have told Glaiza once the latter ask about what she did. But no matter how deep she dug in her thoughts, the lie was gone and only the truth was there. The truth of who she really is na hinding-hindi niya pwedeng aminin.
Max placed the patient's table sa harap ni Glaiza at isa-isang inilapag nina Sheena at Rhian ang pagkaing binili nang una. Sheena knows Rhian's diet dahil katulad niya, tanging mga gulay lamang ang kanyang kinakain.
The group ate quietly. Hindi na muling nagbukas ng katanungan si Glaiza tungkol sa nangyari dahil ramdam nito na may kung anong humaharang sa katipan na magsalita ukol sa nangyari.
Time seems to be in a hurry. At sa pagdaan ng oras, di na napagusapan ang nangyari. Glaiza beat Maximillian Collins, bringing home the Rizal Dirt Bike Cup and Rhian was offered to become one of the ambassadors for a popular international brand of home appliances. Migo said na ito'y magiging unang step ng modelo upang mapansin sa international modeling.
Sa kabila ng kanilang kaabalahan, kapwa nila sinisikap na hindi mawalan ng oras sa isa't-isa.
"Gusto mo ba talagang magpunta sa ibang bansa?" tanong ni Sheena ng ito'y bumisita sa kanyang kaibigan. Noo'y umalis si Barbie dahil niyaya ito ni Migo.
"Ilang taon na akong nandorito sa lupa pero hindi ko pa rin nahahanap ang may-ari ng palamuti na ito," sagot ng dalaga habang hawak-hawak ang pendant ng kanyang kwintas. "Kung saan saan na ako nakapunta sa parte ng bansa at nakasalamuha ng iba't ibang tao pero wala sa kanila ang nagmamay-ari,"
"Paano mo ba malalaman?"
"Sina ni Akwano sa aking panaginip na mararamdaman ko kapag nakaharap ko na siya. Pero wala akong naramdaman na kakaiba. Pakiramdam ko wala sa mga nakakausap at nakaharap ko ang nagmamayari,"
"Mag-aanim na taon ka na dito at ako naman magtatatlo. Sa mga panahong nandirito ako, hinanap kita. Sa palagay ko'y hinahanap na tayo nila inay at itay. Malamang humingi na sila ng tulong sa Paruho,"
"Kung ganun man, bumalik ka na sa atin. Sabihin mo ang totoo na hinanap mo ako pero wag mong sasabihin na nakita mo ako,"
"Ano?! Hindi maaari. Hindi kita iiwanan,"
"Pero...,"
"Kahit ano pang pagtataboy ang gawin mo, hindi kita iiwanan. Kaibigan mo ako Rhian. Kung anuman ang misyon mo, tutulong ako. Lalo pa't magkaibigan ang mga kasintahan natin,"
Sa narinig ni Rhian mula sa kaibigan, naibsan ng kaunti ang nararamdamang pangungulila sa tunay niyang pamilya. Mahigpit niyang niyakap ang kaibigan.
"Mahal," pukaw ni Glaiza sa kasintahan nang siya sa tahanan nito ilang linggo na ang lumipas matapos ang championship sa dirt bike. Tumingin lamang si Rhian sa kanya na hinihintay ang nais nitong sabihin. "Kailangan kong pumunta sa Texas sa susunod na araw. Iso-showcase kasi doon ang Velocity, ang grupo namin. Baka pa nga makipag-karera din ako doon,"
Ang maningning na mga mata ni Rhian tuwin tumitingin ito sa katipan ay naging malamlam. Naintindihan niya ang ibig sabihin ni Glaiza. Na ito'y bibyahe at malalayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Heart of the Ocean
FanfictionDalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Puno ng galit, hinagpis.... Paghihiganti.... Paano magtatagpo ang mga pusong ang pinagmulan ng galit ay ang mundo ng isa'...