My Love Will Never Die

141 19 5
                                    

Its a game of tag of war between Glaiza and Miroy. Bawat isa sa kanila hawak ang magkabilang bisig ni Rhian, tearing her in the middle.

"Bitawan mo si Rhian, nasasaktan siya!" utos ni Glaiza.

"Ikaw ang bumitaw kung ayaw mo siyang masaktan!" sagot naman ni Miroy na ayaw magpadaig.

Barbie and Max came to the rescue, taking the side of their friend pulling the mermaid more to their side. Feeling the pain on her shoulders, Rhian pulled her arms back to her losing the grip of both side hanggang sa mabitawan nilang pareho ang kamay ng dalaga.

"Pareho na ninyo akong nasasaktan! Miroy.....," she confronted the wounded merman. "Kahit anong gawin mo, patayin mo man ako, hinding-hindi ako sasama sa'yo. Kahit pa sa pamamagitan ng kaliskis kaya ako nagiging tao at  pagbabalat-kayo man itong matatawag, tanggap ako ni Glaiza. Mahal niya ako. Sapat na iyon sa amin,"

"Pero Rina...."

Their movements turn to a slow motion nang umalulong ang putok ng baril. Tumalsik ang tubig sa kanilang mga mukha causing their eyes to shut for a moment at sa kanilang pagdilat...

"Glaiza....," unang salitang binanggit ni Rhian.

"Rhian!" Miroy voice shook.

"Oh shit! Buddy!!!"

"Mamshie!!!!"

Glaiza was shocked. Infront of her is Rhain. Her face full of blood na tumalsik mula sa ilang mga tama sa kanyang balikat. Her mouth ajar and her body frozen stiff.

"G...gla..glai...zah..." Rhian called her name that blood sputter from her mouth.

"MGA HAYOOOOOOP!!!!" Miroy turned and rush out of the water patungo sa pinagmulan ng pagputok. Nanlilisik ang kanyang mga bata. Tiim-bagang ang bibig at kuyom ang mga kamay sa sobrang galit. 

"PIGILAN NINYO!!! PATAYIN N'YO!!!" utos ni Señor Regaspi na nakaramdam ng matinding takot dahil sa tila nagbagong itsura ni Miroy sa sobrang galit nito. 

Habang ang ibang mga mga tauhan nito ay patuloy na nakikipagbarilan sa mga pulis upang di ito makalapit sa kanilang amo, hindi naman tinigilan ni Señor Regaspi na mabawi ang sirena,

Lumapit ang dalawang lalaki kay Miroy at sabay na sinimulan itong undayan ng suntok. Nakailag si Miroy at nahablot sa leeg ang isang lalaki. Binuhat ito at buong lakas na inihagis sa kasama nito. 

"PAPUTUKAN NINYO!!!!" sa tatlong natitira nitong mga tauhan na nasa kanyang tabi, sabay-sabay nilang pinaulanan ng bala ang lalaking papalapit sa kanila. 

Nanlaki ang mata ng mga ito at napatingin sa kanilang may edad na amo dahil tila hindi tinatablan ng bala ang lalaking papalapit sa kanila. Umuusok ang katawan nito muna sa mga tama ng bala at dugong umaagos mula sa mga tama sa kanyang katawan ngunit walang pagbabago sa kanyang tikas habang siya ay lumalakad.

"PATAYIN NINYO SI MIROY! WAG PALAPITIN!!!" muling sigaw ng matandang lalaki na sinunod ng kanyang mga tauhan. Umaatras sila habang papalapit ng papalapit si Miroy sa kanila. 

"Buddy, we have to take her to the hospital," 

"Pano natin dadalhin si Rhian sa hospital eh wala siyang paa. Nasaan na ba si beshy Sheena kasi eh,"

"Glaiza snap it out!" isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Glaiza to take her out of her stupor.

"Rhian... Rhian..." sambit nito. "Huwag kang bibitaw mahal ko. Please wag mo akong iiwan,"

Heart of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon