Everything is a First

668 58 25
                                    

It was the best Christmas yet for Rhian. She saw and felt a lot of beautiful things na pinakita at pinadama ng iisang tao. She never felt this way. She never felt so free and alive. Daig pa nito ang nararamdaman niya kapag lumalangoy siya sa malawak na karagatan. And the whole time they went and rode on the rides, magkahawak ang kanilang kamay. Tinupad ni Glaiza ang kanyang pangako na hindi niya ito bibitawan. That she will make her feel safe para hindi siya matakot.

Tuwang-tuwa naman si Glaiza sa mala-childish na reaksyon ng kanyang kasama. Sa bawat pag-ikot, sa bawat scenery na nakikita, mascots na nakakasalubong, parang bata itong tuwang-tuwa. As she never lets go of Rhian's hand, hindi rin ito bumibitaw sa kanya.

"Rhian, hindi ka ba nagugutom? Hindi ka nakapag-noche buena,"

"Hindi ko na naramdaman ang gutom ko sa dami ng nakikita ko. Nag-eenjoy kasi ako, pero ngayong natanong mo, nagugutom na ako,"

"Halika, doon tayo sa gazebo. Dun tayo kumain," she guided Rhian sa gazebo.

Pagpasok sa gazebo, tumambad sa kanila ang maraming costumer. Dahil nga pasko, maraming namasyal sa Sky Ranch at marami ring kumakain. Saktong may isang grupo na tumayo sa isang mahabang lamesa. Glaiza immediately pulled her to claim the table. Kumaway siya at tumawag ng isang busboy upang alisin ang mga pinggan at linisin ang lamesa. Once they are settled, lumapit sa kanila ang isang waiter. Inabot sa kanila ang menu at nilapagan ng mga bagong set ng pinggan, baso at kubyertos.

"Anong gusto mong kainin?" Glaiza asked.

Rhian looked at every pages. Kakaiba ang mga pangalan ng mga pagkain na hindi niya naintindihan kaya't tinignan na lamang niya ang mga litrato. Halos lahat ng nakikita niya ay pawang hindi niya kinakain. Pork, beef at lalong lalo na ang isda. Halos hindi siya makatingin sa mga dishes na may picture ng lutong isda o kahit anong lamang dagat na nakakasama at nakikita niya sa ilalim ng dagat na kung minsan ay nakakasama pa niyang lumangoy.

"Ahm, wala ba silang salad?" tanong nito dahil wala siyang salad na nakita from the menu.

"Mabubusog ka ba sa salad?"

"Beg...vegie...veig..." hindi mabanggit ni Rhian yung term na sinabi ni Migo nung time na kumain sila sa isang restaurant.

"You mean vegetarian? Vegetarian ka?" tumango si Rhian, blushing dahil hindi niya iyon mabanggit.

"Do you serve salads?" tanong niya sa waiter.

"Yes po mam," he flipped the pages of the menu ni Rhian sa pinakadulo showing her different salad dishes.

Rhian chose the one she always have kahit sa bahay nila, as well as orange juice and yema cake. Unfortunately, walang yema cake na available sa restaurant sa gazebo. Rhian frowned. Yun kasinang favorite niya. Naalala tuloy niya ang cake na hindi niya nagalaw sa bahay.

The waiter left after completing his list of the two's orders.

"Rhian, dito ka lang ha. Babalik ako agad,"

"Ha? Saan ka pupunta? Iiwan mo ako?"

"Hindi. May pupuntahan lang ako. Dyan lang ako. Promise, babalik ako agad," she mentioned her magic word.

Promise.

Rhian nodded. She was surprised when Glaiza kissed her forehead na may kasamang paghaplos sa kanyang pisngi.

"I'll be quick," she said before leaving.

Sinundan na lamang siya ng tingin ni Rhian habang papalayo. Sa tingin niya, Glaiza don't know exactly where she is going pero nangako naman siyang babalik agad. Rhian replayed everything they did. Sa bawat rides ba kanilang sinakyan, sa bawat selfies she took with her phone. Tinignan niya iyon lahat.

Heart of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon