Jealous

667 51 8
                                    


Glaiza was surprised sa boses na kanyang narinig. It was not she was expecting to hear.

"I... I'm sorry Rhian," she pushed herself away from her own embrace from the woman.

"Okay ka lang ba? Anong Problem?" pagaalalang tanong ni Rhian seeing her girlfriend wiping her tears.

"Wa...la ito. May...naalala lang ako. Balik na tayo sa loob. Baka nag-aalala na sila," she pecked the woman's lips at hinila na ito pabalik sa loob.

Alam ng mga magulang ni Glaiza ang nangyari and to save their daughter from prying eyes, nagpatay-malisya na lamang ang mga ito at hindi na nagtanong o nagbanggit ng kahit tungkol sa nangyari. Barbie though doubted. Kitang-kita niya ang pain sa mga mata ni Glaiza kahit pa nakangiti itong bumalik sa kanilang lamesa, ngunit hindi na ito nagtanong pa dahil ayaw niyang masira ang gabing ito para sa kanyang kaibigan.

Glaiza focused herself on the occasion. She made her attention full sa bawat salitang kanyang binibitawan maging sa panaka-nakang pagsingit ng mga alaala ni Sarah Kaye sa kanyang isipan sa tuwing nababanggit ang mga lugar na sinasuggest ng ina na ipasyal si Rhian dahil hindi ito mahilig maglakwatsa. At sa tuwing nababanggit ang karagatan, halos hindi niya malunok ang kinakain dahil naaalala niya ang masalimuot na araw ng kanilang anibersaryo at ang pagkamatay ng dating kasintahan.

The celebration is over. The waiters and waitresses undished the plates, utensils and glasses habang nagpapaalaman ang mga guests ng restaurant.

"Mahal," pagtawag ni Rhian sa kasintahan. "Eto nga pala ang mga tickets ninyo para sa fashion show bukas. Sa second row kayo, sa likod ng iba pang vip na panauhin,"

"Salamat hija. Excited na akong mapanood ka. Siguradong napakaganda mo sa mga damit na isusuot mo bukas," excited na kumento ni Mrs. Galura.

"Thanks Mahal," sagot baman ni Glaiza. "Ma, dad, ihahatid ko na muna sina Rhian at Barbie,"

"Sige anak. Mag-iingat kayo. Dahan-dahan sa pagmamaneho ha,"

Rhian kissed the Galura couples as they bid farewell.

Habang binabagtas ni Glaiza ang daan pabalik ng Alabang, tahimik lamang sila sa loob ng sasakyan. Barbie is on high alert simula nang biglang lumabas si Glaiza ng resto after seeing Rhian's necklace with a turtle pendant. He can't tell what it is pero pansin niya na may bumabagabag sa kalooban ng kasintahan ng kanyang kaibigan.

"Hindi kaya si Glaiza ang may-ari ng pendant ni Rhian? At kung siya man, mukhang may sentimental value ito sa kanya,"  sambit ng kanyang isipan na nakatitig ang mga mata kay Glaiza sa rear view mirror.

Kung noong una ay kumbinsido siya na may nararamdamang pagmamahal si Glaiza sa kanyang kaibigan the way the first look at the latter. Full of admiration and something he can't put his finger on. Maybe he made a mistake. Maybe that something that he can't label is something else but not love at first sight. Kailangang malaman niya kung ano ba talaga ang intensyon ni Glaiza kay Rhian dahil kaibigan niya ito at ayaw niyang masaktan.

"Barbie.... Barbie!"

"Ay! Bakit?!" gulat nito na nakatingin din sa kanya sa salamin ang babaeng laman ng kanyang isipan.

"Sabi ko nandito na tayo sa bahay n'yo," pagkasabi'y bumaba na ito ng sasakyan upang pagbuksan sila ng pinto ngunit di na hinintay pa ni Barbie na pagbuksan siya. Bumaba na rin ito at inunahan si Glaiza na buksan ang pinto ni Rhian. Siya na rin mismo ang umalalay sa kaibigan na lumbumabas ng sasakyan.

"Salamat Barbie," salita kay Glaiza na inabot ang kabilang kamay ni Rhian.

Hindi na nagsalita pa si Barbie, ngumisi lang ito at tumalikod upang kunin ang mga gamit sa likod ng SUV.

Heart of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon