Pakiramdam ni Rhian ay nasa alapaap siya. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata na hirap siyang dumilat.
May mga bulongsiyang naririnig pero hindi niya ito maintindihan kaya't sinubukan niyang ikilos ang kanyang mga binti.
"Ano ito? Bakit hindi ko maikilos ang mga paa ko?" tanong nito sa kanyang isipan.
Pinilit niyang maidilat ang kanyang mga mata. Sa una ay malabo ang kanyang paningin. Sa ilang pagkurap ay luminaw ang kanyang paningin hanggang sa makita niya ang tatlong lalaki na humarap sa kanya na pawang maayos manamit.
"Good at nagising na ang ating gintong panauhin," sambit ng isang ginoong nakasuot ng isang itim na leather jacket. Nakangisi ito na tila may maitim na binabalak.
Napaatras si Rhian mula sa kanyang kinalalagyan at dun niya na-realize na nasa tubig pala siya at nasa kanyang tunay na anyo. Ang pagiging sirena.
"Don't be alarmed, honey. Hindi ka namin sasaktan basta't maging mabait ka lang sa amin. Ano ang pangalan mo?" nagsalita naman ang isang may katandaang lalaki na may kurbata.
Tikom ang bibig ni Rhian dahil kahit magsalita pa siya, hindi naman nila siya maiintindihan. Pero kung magsasalita siya, lalabas sa kanyang bibig ang mataas ng kalibre ng tunog na maaaring makabasag sa salamin.
"Hmp.... Hrrrmp...,"
"Mukhang may gusto siyang sabihin," salita ng ikatlong lalaki na mukhang bata-bata pa at naka-salamin. May hawak ito na isang metal rod.
"Nakalimutan ba ninyo na hindi siya maaaring magsalita kapag nasa ilalim siya ng tubig? She can make us all deaf," sumagot muli ang naka leather jacket na inikrus ang mga bisig sa kanyang dibdib. "Miroy!" mula sa isang madilim na sulok, lumabas ang isang lalaking nakasuot ng pang-ibaba lamang at isang kabibe na nakakwintas sa kanyang leeg.
"Miroy!" hindi inaasahan ni Rhian na makita ang kanyang kababata at kauri kasama ang mga taong may masamang binabalak sa kanya.
"Ang sabi mo'y kaya mong kausapin ang kanyang uri?" tanong ng lalaking nakakurbata.
"Opo senyor Regaspi,"
"Tanungin mo ang kanyang pangalan. Kung ayaw niyang sumagot, Jordan alam mo na ang gagawin mo," referring to the man wearing eye glasses.
Walang atubiling lumapit si Miroy sa aquarium na kinalalagyan ni Rhian. Umakyat sa isang patungan upang maabot niya ang opening at maiangat ang takip nito.
Inilubog niya ang kanyang kamay at sumenyas na umangat si Rhian palapit sa kanya. Umiling si Rhian senyales sa hindi nito pagsunod. Lumapit si Jordan, ang inutusan ni Senyor Regaspi na may gagawin kung hindi ito sumunod. Tinapik niya ng metal rod na kanyang hawak hawak ang binti ni Miroy upang bigyan siya ng daan kaya't bumaba ang lalaking Daragano.
Mismong si Miroy ay nagulat sa ingay na nagmula sa metal rod na inilubog ni Jordan sa tubig na ikinangisay ni Rhian sa ilalim ng tubig.
"Tama na yan!" sigaw ni Miroy. Agad siyang lumapit kay Jordan na siya na mismo ang humawak sa kamay nito upang alisin ang metal rod sa tubig. Ang kaninang nakalutang na katawan ni Rhian sa ilalim ng tubig ay ngayo'y lumapag na sa pinakasahig ng aquarium. Bumaba si Miroy at nagtungo sa gilid ng salamin. Kinatok niya ito upang magising ang babaeng Daragano na kanyang iniibig.
Muling dumilat si Rhian. Nakita niya si Miroy at mula sa mga mata nito ang habag sa naranasan niya. Dahan-dahan siyang lumangoy patungo sa kanyang kababata at inilapat ang kamay kung saan din nakadikit ang kamay ng binata. Mula naman sa mga mata ni Rhian ang pagmamakaawa na ialis siya sa kanyang kinalalagyan.
Isang malakas na bisig ang humila mula sa balikat ni Miroy kaya't tumilapon ito patalikod.
"Alam kong naiintindihan mo ako. Kung ayaw mong masaktan at makaranas ng hirap, susunod ka sa bawat sasabihin at ipaguutos namin!" pagalit nitong sinabi. Naninningkit ang mga mata nito na napalangoy ang dalagang sirena paatras. "Tayo na. Silipin natin ang paglalagyan sa kanya," pagaya nito sa kanyang kasamahan. "Bantayan mong maigi ang sirenang yan kung ayaw mong ikaw ang kuryentehin namin," matapang naman niyang utos kay Miroy na nakasalampak pa rin sa semento.
The metal door slammed, locking several locks to ensure nobody can go out of that so called prison room.
Dahan-dahang tumayo at lumapit si Miroy sa kanyang itinatangi na may lungkot at awa sa kanyang mata. Aware the consequence of what he had done pero kailangan niya itong gawin upang maibalik ang kanyang kababata at minamahal sa kanilang mundo.
Nais niyang humingi ng kapatawaran at ipaintindi ang dahilan kung bakit niya ito nagawa pero tila ayaw lumabas ng mga salita sa kanyang bibig lalo pa't nakikita nito ang malungkot na mukha ng kababata. may mapupulang linya gumuhit sa kanyang makinis at magandang balay dulot ng pagkuryente sa kanya.
"Ano ang kinalaman mo sa nangyaring ito Miroy?" mahina at matining na boses ang kanyang narinig nito. Hindi niya maiangat ang kanyang tingin upang tignan ang sirena na ngayo'y mismong kaharap na niya na nasa kabilang sideng makapal na salamain ng malaking aquarium.
"Rina...." mahina niyang sambit.
"Anong ginawa mo Miroy? Bakit?"
"Patawad Rina. Ito lang ang alam kong paraan par maibalik ka sa dagat. Sa Daraga,"
"Alam mong may misyon ako. May hinahanap akong importanteng tao,"
"Kasing importante din ba ito ng babaeng kasama mo sa bangka?" sa katanungang ito ng binatang Daragano, iniangta niya ang kanyang paningin na tumapat sa mga mata ng dalaga.
Natigilan si Rhian sa sinabi ni Miroy. Nakaramdam siya ng poot mula sa matang ngayo'y titig na titig sa kanya.
"Kung anuman para sa akin ang babaeng kasama ko ay wala ka na doon. Buhay ko ito Miroy at wala kang pakialam,"
"Ako ay anak ng pinakapunong Paruho ng Daraga. Maari kong kumbinsihin ang aking amay (ama) na ako ang iyong mapangasawa at wala kang magagawa,"
"Hindi hari o panginoon ng ating lahi ang iyong ama. Maaari kong suwayin ang kanyang kautusan,"
"Ikakamatay mo ang iyong pagsuway,"
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa mapangasawa mo at higit sa lahat, dalhin ang magiging anak mo. Kinasusuklaman kita Miroy. Ikaw ang pinakamasama sa lahat ng nillang na nakilala ko!" naging matining ang boses ni Rhian dahil sa galit na naramdaman nito sa patuloy na pagpupumilit ni Miroy sa kanyang sarili sa dalaga.
Napantig ang mga teynga ni Miroy sa patuloy na pagmamatigas ni Rhian na tanggapin ang kanyang pag-ibig. Pero hindi siya susuko. Dahil sa bandang huli, walangh magagawa si Rhian kundi ang sumama sa kanya at maging asawa niya. Kaiinggitan siya ng lahat ng mga kalalakihang Daragano dahil mapapasakanya ang babaeng nagtatanglay ng kakaibang linya ng pamilya. Ang kanyang angkan lamang ang nakakaalam ng tunay na lahi ng angkan ni Rhian.
Naningkit ang kanyang mga mata at inilapat ang mga palad sa labas ng makapal na salamin ng may kalakasan.
"Wala kang magagawa Rina. Akin ka lang. Mamamatay ang kahit sinong magiging balakid para mapasaakin ka. Maging ang matalik mong kaibigan o ang babaeng ipinagtatanggol mo. Ang kapalaran nila ay magiging katulad ng kay Akwano,"
Bumigat ang tibok ng puso ni Rhian nang marinig ang pangalan ng kanyang pumanaw na kapatid.
"Anong.... anong ibig mong sabihin?" tanong ni Rhian ngunit dahan-dahang umaatras si Miroy palayo sa kanya patungo sa pintuang pinaglabasan nito.
"Anong ibig mong sabihin?! Anong nalalaman mo sa pagkamatay ng kuya ko?! anog kinalaman mo?! Miroy! Miroy! MIROOOOOY!" ngunit hindi sumagot c Miroy hanggang sa sumara ang pintuan ng silid na kanyang pinasukan.
BINABASA MO ANG
Heart of the Ocean
FanfictionDalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Puno ng galit, hinagpis.... Paghihiganti.... Paano magtatagpo ang mga pusong ang pinagmulan ng galit ay ang mundo ng isa'...