Glaiza Galura

2.2K 88 17
                                    

Glaiza Galura hates the ocean, but her career contradicts what she despise. Being a Marine Biologist. 

Limang taon na ang nakakaraan nang masawi ang pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Ang taong tinanggap siya at niyakap ang kanyang pagkatao. Taong ipinaglaban siya sa mga taong humuhusga sa kanya at mismong mga magulang niya. That lone person na tumulong sa kanya na tanggapin niya mismo ang kanyang sarili.

Si Sarah Kaye.

Girlfriend niya.

She was the most perfect girl for her. Smart. Witty. Down to earth. Kind heart. Ano pa ba ang mga adjectives na pwedeng idescribe sa kanyang pinakamamahal? 

They were enemies in highschool. Glaiza was miss sporty at si Sarah naman si miss popular. They are completely the opposite of each other na minsan ay nakakagawa si Glaiza ng mga bagay na ikinapapahiya ni Sarah, at gumaganti naman ang huli. One time napikon si Glaiza kay Sarah when the latter walked infront of her habang nagsspray ng kanyang pabango. Natalsikan ito sa mata kaya't nagrekalmo ito pero tinawanan lang siya ni Sarah. Kinabukasan, gumanti si Glaiza.

Sarah Kaye was their school's cheerleader captain at laban ng women's basketball. Bilang ang school nila ang host, nagpakitang gilas ang kanilang cheering squad. All of the cheerleaders' pompoms are laid sa isang mahabang lamesa na gagamitin sa second half ng laro. 

The first half of the game, nangunguna ang kalabang school. Nawawala ang konsentrayon ni Glaiza dahil sa tuwing papunta sa direksyon niya ang bola, sisigaw si Sarah Kaye. May mga pagkakatong hindi niya natatamaan ang bola dahil sa ginagawa ng cheerleading captain. 

First half was done. Muling lumabas ang cheering squad sa pangunguna ng kanilang captain. While skipping, isa-isang dinampot ng mga babaeng cheerleaders ang kanilang pompoms. Nang makatayo sa kanilang position, iniangat nila ang kanilang pompoms and shook it. Then muling nag-skip upang buuin ang isang formation kung saan bubuo sila ng isang malaking bilog na may tatlong layers ng mga lalaking magbubuhat. In the inner circle, bubuhatin sa gitna ang kanilang captain. Uupo siya sa balikat ng isang babae na nakapatong naman sa balikat ng isang lalaki. 

Habang hinahanda nila ang kanilang sarili, hindi mapakali si Sarah Kaye. Pakiramdam niya ang may mga gumagapang sa kanyang katawan. Nagbilang ang lalaking magbubuhat sa unang babae na sasampa sa kanyang balikat, Sarah Kaye tried to ignore that feeling dahil kailangan niyang ihanda ang sarili dahil siya na ang susunod na bubuhatin upang makapwesto sa balikat nang babaeng nakapwesto na sa balikat ng lalaki.

"Sarah, ready?" bulong ng isa pang lalaki sa kanyang kanan na magbubuhat sa kanya upang makaakyat. Tumango siya bilang sagot. 

Her heart beat was getting faster and faster. Ninenerbyos siya dahil ang mga gumagapang sa kanyang katawan ngayon ay tila kinakagat ang bawat sulok ng kanyang katawan. 

"Kaye?" tanong ng isang lalaki who was about to take her in his arms para buhatin.

"I...I can't do it. May parang gumagapang sa katawan ko," bulong nito.

The guy checked her exposed skin at nakita nito ang mgailan-ngilang langgam na gumagapang.

"Shit! Ang daming pulang langgam!" sambit nito na ikinagulat ng iba pang nakapaligid sa kanila. 

The formation started to fall. Ang ilang babaeng nasa pwesto na sa balikat ng iba pang cheerleader na lalaki ay nagkadahulog sa sahig habang ang iba ay lumalayo sa kanilang captain. Agad lumapit ang coach ng basketball team for the rescue. Hinila ang cheerleader captain patungo sa shower room.

Glaiza was silent pero sa kanyang isip ay nagdidiwang ito. Her plan worked. Pinagtatawanan ang kinaiinisang babae dahil para itong nagsasayaw sa gitna ng court na nagpapagpag ng katawan. Maging ang mga estudyanteng nanonood ng laban ay nagtawanan dahil sa nangyayaeri sa pinakapopular ng student sa buong campus.

Heart of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon