Countdown

202 23 7
                                    

The ocean's calm. Rocking the sail boat like a hammock. Anybody who's on-board will fall into slumber with the feeling of calmness. Glaiza standing by the pulpit of the sailboat looking afar. 

"Boy, nag-aalala ako sa anak natin. She's been like that for almost 2 years. Ayaw kong maulit ang nangyari sa kanya nung nawala si Sarah Kaye," Cristy Galura tugged her husband's arm as they stand by the door of one of the big boat's cabin. Napagpasyahan nilang samahan ang anak sa paglayag nito dahil sobrang pag-aalala. 

Almost 2 years ago.... After Rhian, Sheena and Miroy left....

Barbie and Max never left Glaiza. The night the mermaids left, tila naging empty bottle ang kanilang kaibigan. She only looked at the direction where the three had gone. Days became silent. The nights, longer. No sound. No movements. Ni hindi makakain si Glaiza that Max had to call G's parents from the first's phone. 

Mr. and Mrs. Galura came as soon as they spoke with Max tungkol sa kalagayan ng kanilang anak. Cristy shook upon seeing her pitiful, thin daughter. Nangingitim ang paligid ng mga malamlam nitong mata. She was almost skin and bones. 

"My darling daughter, what have you been doing to your self?" mangiyak-ngiyak nitong nilapitan ang anak habang ang ama ay nanatili sa pintuan ng kwarto ng dalaga. He lost courage upon seeing her daughter's sorrow.

"What happened to my daughter?" mahinang tanong ng ama sa katabing mga kaibigan ni Glaiza. Max and Barbie looked at each other. Paano ba nila maipapaliwanag ang mga nangyari? Na ang kasintahan ng kanilang nag-iisang anak ay isang sirena na nag-anyong tao. Na iniligtas nila sa kamay ng mga masasamang tao na kamuntikan nang malagay ang kanilang mga buhay sa peligro. "You two come with me," at tumalikod si Mr. Galura patungo sa sala kasunod ang dalawa. Iniwan ang asawa nito upang aluin ang kaawa-awang anak.

"I want to know what happened that led my daughter to this situation," kalmado nitong tanong pero pipi ang dalawa. Max had forgotten the possibility of being asked that very particular question dahil na rin sa pag-aalala nito sa kaibigan. Hindi nila napaghandaan dahil ang kalagayan ng kanilang kaibigan ang nasa isip nila.

"BLAG!!!"

The two almost fell off the sofa when Boy Galura forcefully drop his hand on the thick glass center table that cracked.

"I will not ask the same question,"

"Sir...." it was the only word Barbie was able to utter.

"As far as I know, ang kaibigan mo ang palaging kasama ng anak ko. Ang kaibigan mo ang kasintahan ng anak ko. and I assume, ang kaibigan mo rin ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang anak ko,"

"I assure you Tito, its not what you think. Its not Rhian's fault," sagot naman ni Max.

"Then who? Sino ang may kasalanan? You can't blame me kung pag-isipan ko ng masama si Rhian. Look at my daughter. She's in so much despair. Sino pa ba ang maaaring magbigay sa kanya ng ganitong klaseng kalungkutan,"

"Tito, kasi....." Barbie took Max's hand that the first looked at him.

"Dapat na tayong magsabi ng katotohanan kay Mr. Galura,"

"Anong katotohanan?"

Present.....

"I can't believe such creature exists. At kamalas-malasang minahal pa ng ating anak. Why, Boy? Bakit ang anak pa natin,"

"We have given Glaiza too much freedom. Napabayaan na natin siya. But it will never happen again. Not anymore,"

"Anong desisyon mo?"

"Babalik tayo ng Texas at isasama na natin si Glaiza. I will not let her come back here again,"

----------

"Rina...." awang-awa si Saraya sa sinapit ng kanyang kaibigan dahil sa desisyon ng kunseho. Nilingon lamang siya ng kaibigan. Her eyes reflects loneliness and surrender.

Sa tahanan nila Saraya, napapalibutan ng mga tauhan ng mga Paruho. Ipinagutos ng nakakatandang kuneho na bantayan ng maigi si Rina.

"Patawarin mo ako, Rina. Wala akong magawa,"

"Wala kang kasalanan, Saraya. Alam kong hindi mo rin ito gusto. Kahit mga magulang mo ay walang magagawa,"

"Kung may umepekto lamang ang kaliskis sa iyong buntot, malamang hindi na kailangang dalhin ka pa pabalik dito. Maaari kang dalhin sa mga pagamutan sa mundo ng mga tao,"

"Matagal na iyon, Saraya. Wag na nating alalahanin pa. Wala na tayong magagawa,"

"Pero hahayaan mo na lamang ba na diktahan ng mga Paruho ang iyong kapalaran? Hindi mo mahal si Miroy. Hindi siya ang dapat mong makaisang dibdib,"

"Makapangyarihan ang mga kunseho. Batas ang kanilang salita,"

"Pero...."

"Saraya, may bisita si Rina," naputol ang paguusap ng magkaibigan nang dumating ang ina ni Saraya kasunod ang sinasabi nitong bisita. Si Miroy. Kumilos ito palapit sa kanyang ina.

"Usigin ka nawa ng iyong kunsensiya sa ginagawa mo sa kaibigan ko. Wala kang kasig-sama," bulong nito sa kanilang bisita.

"Wala na kayong magagawa," sagot naman nito nang may pagmamalaki bago lumabas ang mag-ina at isinara ang pintuan.

"Anong kalungkutan ang nasa mata ng aking mapapangasawa?" panimula nitong tanong habang papalapit ngunit hindi ito nilingon ni Rina. 

"Kinakausap kita, Rina. Wag mo akong bastusin," hinawakan nitop ang baba ni Rina at pinilit na iharap sa kanya ang kanyang mukha.

Her face expresses disgust and anger nang humarap ito sa binata. 

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Dahil isinusuka kita! Isinusumpa kita! Kinasusuklaman kita!"

PAK!

Sapo ni Rina ang kanyang namumulang pisngi mula sa palad na malakas na dumapo sa kanyang pisngi. May munting dugo na lumabas mula sa sulok ng kanyang labi. Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Miroy nang makita nito ang dugo.

"RIna,pa...patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang masaktan ka. Ikaw rin kasi, sinasagot mo ako ng pabalang. Hindi dapat ganyan ang sirena sa kanyang mapapangasawa,"

"Ideklara man ng kunseho ang ating pag-iisang dibdib, hindi ibig sabihin ay ibinibigay ko ang sarili ko sa'yo. Sariwa pa rin sa aking ala-ala ang mga sinabi sa'yo ni Glaiza. Makuha mo man ako, siya pa ri ang nagmamay-ari ng aking puso at isipan," nang marinig ni Miroy ang pangalan ng tao, muling umangat ang kanyang kamay na akmang muling sasampalin ang dalaga.

"Muli po pa akong saktan, makikipag-isang dibdib ka sa isang bangkay," at dahil sa sinabing iyon ng siena, natigilan si Miroy.

"Maaangkin kita Rina, sa ayaw at gusto mo," at lumisan ito.

"Patawarin mo ako, Glaiza.... Mahal ko..."

----------

"Glaiza, hija, bumalik na tayo sa island, sa Saranggani," pag-aaya ng ina.

"Its getting cold here, anak. At dumidilim na. Bumalik na lamang tayo bukas," sumunod naman ang kanyang ama.

"Go back if you want. I will wait here. Sabi ni Barbie sa lugar na ito niya unang nakilala si Rhian when she was still a mermaid,"

"Hindi lilitaw si Rhian anak. Gabi na at dumidilim. Dito man nakita ni Barbie si Rhian, we are not sure exactly where she is sa laki ng karagatan,"

"I am not leaving dad,"

"Anak, please." pakiusap namang ng ina ngunit walang sagot itong narinig mula sa kanyang anak. 

----------

I will be focusing po muna sa HOTO para po matapos na.. hehhehehe....

Pasencia na po sa tagal ng update. Life's getting harder lately dahil sa pandemya... plus the misis is coming home soon... and this will be the happiest birthday I'll have at anniversary...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon