Glaiza and the rest went back to their car. Her heart races more than when she had her first dirt bike race years ago. Kapwa nila hindi alam kung gaano na ba katagal ang oras na lumipas at kung gaano na kalayo ang agwat ni Miroy mula sa Ocean Park. But he's carrying a young adult mermaid at malamang trying to hide as he walks along the way may slow him down.
"Saan kaya niya idinaan si Rhian?" Barbie asked na may halong kaba habang tinitignan niya ang daan na mabagal nilang binabagtas. Halos idikit nito ang kaniyang mukha sa salamin dahil kahit may road lights, may mga sulok itong hindi abot ng liwanag.
"Maybe we should separate to cover more grounds," suhestyon ni Max sa likod ng manibela.
"Much better," pagpayag naman ni Glaiza na walang inaksayang oras na binuksan ang pintuan ng front door katabi ng driver seat kahit mabagal na umaandar ang kanilang sasakyan. "Sumama ka sa akin Barbie," then she hopped out of the car, almost hit by another car passed by.
"Are you alright?!" nagaalalang tanong ni Max nang tumama ang likod ni Glaiza sa nakasarang pintuan ng kanyang sasakyan dahil sa biglang pagdaan ng isang itim na sasakyan. Agad ring ibinaba ni Sheena ang wind shield ng kanyang bintana at may pagaalala rin sa kanyang mukha. Si Barbie naman ay agad na tumakbo sa tabi ng kasintahan ng kanyang kaibigan nang marinig nito ang boses ni Max.
"Am okay... Am ok," hingal namang sagot nang mahimasmasan. "We have to go now, Barbie. Max, I'll text you," at walang inaksayang oras na hinila ang kasama patungo sa sidewalk ng Bonifacio Drive.
----------
Sa pasikot-sikot na dinaanan ni Miroy, nakaramdam siya ng pagod dahil hindi siya maaring dumiretso ng takbo. Kailangang kumubli-kubli siya dahil may mangilan-ngilang tao pa rin sa kalsada. Mapupurnada ang kanilang pagtakas kapag may nakakita sa kanila. Pasalamat na lamang siya sa dilim ng gabing iyon kaya't madali silang nakakapagtago.
Sa isang maliit na kubong tila saradong tindahan sila nagtago, sa isang bagong linis na beach sa kamaynilan.
"Miroy, kailangan mo na akong dalhin sa tubig," mahinang sabi ni Rhian. Agad namang lumapit ang binata.
"Bakit? Anong nangyayari?" nagaalala naman niyang tanong.
"Nanunuyo na ang aking buntot. Nagtatanggalan ang aking mga kaliskis,"
Agad na tumayo ang binata, at mabilis na binuhat ang sirena. Pagkatayo ay inilibot muna ang kanyang paningin upang masigurong walang tao na makakakita sa kanila. Nang masigurong walang tao, bong lakas niyang itinakbo ang kanyang buhat-buhat patungong dagat.
-----------
"Ano yung malakas na tunog na 'yon?" tanong ni Sheena na lumipat sa tabing upuan ng kanyang kasintahan.
"Busina yun ng malaking barko," sagot ni Max habang nagmamaneho ng may kabagalan at palinga-linga ng tingin sa patuloy na paghahanap sa katipan ng kanyang kaibigan.
"Barko? E di ibig sabihin may dagat dito?" sumunod na tanong. Max all of a sudden stepped on the car's break sa sinabi ng kanyang kasintahan.
"Barko.... Malapit tayo sa port area," she hit her own forehead nang maalala kung saang parte sila ng kamaynilaan. Immediately she fished out her mobile phone and tap on Glaiza's name.
"Come on, buddy.. Answer..."
"Hey, Max, found something?"
"Not yet but I might have an idea where Miroy took Rhian,"
"Where?"
"We're in Manila and recently the city mayor rehabilitate the beach here,"
"May beach sa Manila?"
"Yeah. Good thing I watch news. The Baseco beach, buddy,"
"Saan yan? I don't even know where we are,"
"Give me a lardmark or street sign para puntahan ko na lang kayo,"
"Barbie, look around kung anong street ito," pabulong na utos ni Glaiza sa kanyang kasama.
Barbie walked few phases pero dahil sa may kadiliman ang lugar, wala itong makitang street sign. Dahil na rin sa takot, bumalik siya agad sa kanyang kasama.
"Mamsh, wala akong makitang sign. Madilim eh," siyang sakto naman na may isang lalaking dumaan sa kanilang kinatatayuan.
"Ay manong sandali lang!" agad na nilapitan ni Barbie ang lalaki. "Anong street po ito?"
"11th street po,"
"Saan po dito ang baseco beach? Malapit lang po ba?" sinundan agad ng isa pang katanungan ni Glaiza.
"Naku miss may kalayuan pa dito ang baseco. Kung may sasakyan kayo, mas mabilis kayong makakarating dun,"
"Ganun po ba? Ituro nyo na lang po saan papuntang main road,"
"Derechuhin nyo lang po itong iskenita. Main road na po iyan paglabas ninyo,"
"Sige po, salamat,"
----------------
Hingal na narating ni Miroy ang dalampasigan. Agad niyang ibinaba sa tubig ang buhat niyang sirena. Rhian felt relieved nang maramdaman ng kanyang buntot ang malamig na tubig,
"Maaari na tayong lumangoy simula rito hanggang makabalik tayo ng ating kaharian, Rina,"
"Miroy, hindi ako sasama sa'yo,"
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anong gusto mo, iwan kita sa ganyang anyo mo? May makakakita sa'yo dito,"
"Alam kong hinahanap ako ni Glaiza,"
"Siguradong nahuli na sila ng mga humuli sa'yo,"
"Hindi mo kilala si Glaiza. Alam kong nakatakas sila at ngayon ay hinahanap na nila ako,"
"Hindi! Ako ang masusunod dito. Sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo!"
Miroy grabbed Rhian's hand and pulled her toward the waters in force.
"Bitiwan mo siya, Miroy kung ayaw mong gawin kong pakain sa isda ang utak mo!"
--------------
BINABASA MO ANG
Heart of the Ocean
FanfictionDalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Puno ng galit, hinagpis.... Paghihiganti.... Paano magtatagpo ang mga pusong ang pinagmulan ng galit ay ang mundo ng isa'...