"Bakit mo ito ginagawa?" Rhian asked Miroy habang binabagtas ang isang daanan na ginawa ng binata sa ilalim ng establishment upang makatakas sila.
"Para sa iyo itong ginagawa ko," sagot naman ng binata.
"Para sa akin? O para sa iyo?" ngunit wala siyang sagot na natanggap. "Miroy, kahit anong gawin mo, hindi kita mamahalin at makakayang mahalin. Si Glaiza ang mahal ko,"
"Tao siya, isa kang sirena. Anong magiging buhay nyo? Hindi ka niya mabibigyan ng mga supling,"
"Hindi namin kailangang magkaanak para masabing magkakaroon kami ng magandang buhay. Maraming mga batang tao na maaari naming mahalin at ariing parang amin. At isa pa, tanggap niya ang tunay kong katauhan,"
"Kahit ano pa ang sabihin mo, akin ka lang at hindi ka mapupunta kahit kanino. Isa kang Daragano, at sa isang Daragano ka mapupunta. Ako ang Daraganong iyon. May kasunduan tayo Rhian. Iniligtas ko na siya tulad ng ipinangako ko. Ngayon, tuparin mo ang sa iyo.
----------
Floating in space.... Yan ang nararamdaman ngayon ni Glaiza. Stretching her hand in mid-air in slow motion. May tila maliliit na particles na lumulutang kasama niya sa malamig na kawalan. Iniikot niya ang kanyang katawan at kahit sa maliwanag na kapaligiran ay wala siyang makita hanggang sa unti-unti lumutang mula sa kanyang paanan ang isang nilalang. TInignan siya nito sa kanyang mga mata at may matamis na ngit.
"Rhian..." her thought spoke pero nang ibinuka niya ang kanyang bibig, lumabas lamang ang mga bula ng hangin. Rhian immediately connects her lips to Glaiza's and give her oxygen. Glaiza felt relieved na hindi nagtagal ang pangangailangan niya ng hangin.
Rhian again smiled and brought Glaiza's hands to her chest, cupped her cheeks and idinampi ang kanyang labi to give her love a kiss bago ito tuluyang lumangoy palayo. Clueless, Glaiza motioned her legs and arms to swim upang sundan ang katipan pero tila hindi siya umaalis sa kanyang pwesto. She tried even harder and faster hanggang sa nakaramdam ang kanyang mga binti ng pamumulikat. She opened her mouth to shout the girl's name pero muli lamang lumabas ang kanyang hangin and this time, there is no more Rhian to give her air.
"Maybe she'll come back. She'll come to save me... She'll come.... She'll return...." ngunit walang Rhian na bumalik hanggang sa nawalan na siya ng malay.
----------
--- earlier ---
"Miroy, mamamatay siya kapag iniwan natin siya sa tubig,"
"Wala akong pakialam sa taong yan. Babalik na tayo sa ating pinagmulan, Rina,"
"Mahal ko siya. Siya ang buhay ko,"
"Mahal kita. Ako ang nababagay sa'yo. Mabuti na ring mamatay siya para hindi siya maging hadlang sa ating dalawa,"
"Kapag namatay si Glaiza, sinisigurado ko sa'yo na magiging impyerno ang buhay mo sa piling ko. Maangkin mo man ako, maging ina man ng magiging anak mo, walang araw na hindi mo mararamdaman ang poot ko. Pero.... kung ililigtas mo si Glaiza, sasama ako sa'yo ng walang angal,"
----------
"Wake up, buddy... Don't give up.. Come back to us..."
1... 2... 3... 4... 5...
"Come on, buddy..."
1... 2... 3... 4... 5....
Glaiza regained consciousness, coughing out all the water she took in. Agad siyang idinapa nila Max at Barbie upang masaid ang tubig na pumasok sa kanyang katawan. She poled her wobbly arms trying to support her body up.
"Rhi...an.." ito ang unang salitang binitawan niya, Ang hanapin ang katipan.
"Nakaalis na ang truck na pinaglagyan niya," sagot ni Max habang hinihimas himas ang likod ng kaibigan.
"Anong gagawin natin, Glaiza? Paano pa natin mahahabol ang kaibigan ko?" pagaalala naman ni Sheena.
"Sa North harbor pier quatro sila pupunta. Doon nakadaong ang barko papuntang cebu. Ang alam ko may pribadong barko silang kinontrata na maghahatid sa kanila doon kasama ang sirena,"
Napalingon si Glaiza nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig. Isang may edad na lalaki na basang-basa.
"Hindi ba't kayo ang...."
"Yung tatay nung babae na kasama natin kanina. Siya ang sumisid para iligtas ka," paliwanag muli ni Max.
"Maraming salamat ho," pasalamat ni Glaiza na siya namang nginitian ng matandang lalaki.
"Pare," isa pang lalaki ang dumating na humahapo. "Nakaalis na sila. Walang traffic kaya malamang mabilis lang sila makakarating. Baka malaman na nila ang hindi sirena ang nasa loob ng aquarium,"
"Nasaan yung sirena?" tanong ng may edad na lalaki.
"Si Miroy ang may buhat eh. Hindi ko natanong kung san niya dinala. Pero ang alam ko siya ang naglipat ng sirena sa truck,"
"Miroy? Nandito si Miroy?" siyang gulat naman ni Sheena na hindi inaasahang malaman na nandirito ang isa pa niyang kababata na may pagtangi sa matalik nitong kaibigan.
"Kilala mo siya?"
"Masugid na manliligaw ni Rina... ni Rhian si Miroy. Hindi ko akalain na nandirito rin pala siya,"
"Kung ganun, malamang na mapahamak si Rhian,"
"Teka, alam niyong...." pagtataka ni Glaiza.
"Pasensya ka na, Glai. Sinabi ko kina manong kung sino si Rhian pero nangako naman sila na walang makakaalam. We need help, buddy,"
"Then we have to act fast. Once na malaman ng mga demonyong iyon na hindi si Rhian ang dala nila. mas magiging delikado ang buhay niya. We have to find that Miroy fast," despite of her jelly limbs, Glaiza pushed her self up, nakaabang naman ang mga kaibigan nito upang alalayan siya. But Glaiza is determined to save her beloved even if it causes her life.
"Saan natin sila hahanapin? Sigurado akong hindi sa barko na papuntang Cebu ang pupuntahan nila," Sheena spoke.
"I don't think Miroy plans to take Rhian far. Mahihirapan siyang bumyahe on foot kung buhat niya si Rhian. It will take him more time. Sa tingin ko malapit dito-dito lang sila kung saan silang lumangoy.
"Possible, but where?" sunod naman na tanong ni Max.
"Alam ko kung saan sila dumaan," another man came at sa boses nito, nakilala siya ni Glaiza na isa sa mga lalaking narinig niyang naguusap. Ang lalaking naawa sa sirena. "Halikayo, sumunod kayo sa akin,"
From the Mermaid show aquarium, binagtas nila ang direksyon papuntang Harbor View. Dahil sarado na ang ibang mga pintuan at tanging gwardiya lamang ang may hawak ng susi, kailangan nilang lumabas ng kalsada paikot ng harbor view. Ngunit nanlumo sila dahil mali ang kanilang hinala.
----------
"Weng, icheck mo muna ang sirena habang nakahinto tayo," utos ng boss mula sa kanyang radyo, sa kanyang tauhan na nakasakay sa truck lulan ang sirena na sinunod naman nito. Dahil kasabayan nilang pumapasok sa North Harbor ang mga naglalakihang truck ng alas dos ng madaling araw.
"Boss!!! Wala ang sirena!!"
"ANO!!!?? PANONG WALA?! SINO BA NAGLAGAY SA KANYA SA AQUARIUM?"
"Boss, ang alam ko si Miroy at wala rin siya. Di pala natin kasama,"
" Pu@#$%ina!!! Bumalik tayo ng Ocean Park. Hanapin ang sirena at patayin ang Miroy na yan!"
Isang pang tauhan niya ang bumaba at umaktong nagtatrapiko upang makaikot ang kanilang mga sasakyan.
----------
"Palayain mo na ako, Miroy. Kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita mamahalin. Tatakas at tatakas ako para makasama ko ang tunay kong mahal," pakiusap ni Rhian habang buhat-buhat siya papunta kung saan. Halata sa paghinga nito ang hirap sa kanyang malalaking hakbang sa mga naglalakihang bato. Dahan-dahan ang kanyang paghakbang sa naglalakihan at madulas na bato kung saan hinahampas ng alon kanyang nilalakaran.
"Sinisigurado ko sa'yo, Rina, mamamatay na ang babaeng sinasabi mo bago sumilip ang araw," maikling sagot ni Miroy na patuloy sa paghakbang.
BINABASA MO ANG
Heart of the Ocean
FanfictionDalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Puno ng galit, hinagpis.... Paghihiganti.... Paano magtatagpo ang mga pusong ang pinagmulan ng galit ay ang mundo ng isa'...